Chapter Seven

2490 Words
PANAY ang buntong-hininga ko habang nakatitig sa wine glass na nasa harap ko. Mabuti na lang at tumawag ang babaeng 'yon kanina, dahil timping-timpi an din ang inis ko sakanya. Natigilan naman ako sa pag-iisip nang matanaw ko siya na papasok na sa entrance ng restaurant. Bumuga ako ng hangin saka sumandal sa upuan. Nakita kong umirap pa siya nang mapatingin sa direksyon ko, mabilis siyang lumapit sa mesa ko.   "So, kamusta ang trabaho mo?" Tanong niya agad pagkuway umupo sa harap ko. Ngumisi ako.   "Ang ganda ng tanong mo ah, sa tingin mo ba ayos sakin 'tong mga pinaggagawa mo?" Sabi ko saka tumitig ng matiim sakanya. ".....kulang-kulang ang mga impormasyon mo sakin doon. At bukod doon baka nakakalimutan mo kung kailan pa ako dapat na mag-umpisa, ako ba pinaglalaruan mo ha Veronica?"   Bumuga siya ng hangin saka umismid.   "Okay, it's my fault na. Tutupad naman ako kung ano ang napag-usapan natin eh. Nagkataon lang na naging busy ako ngayon."   "Busy? Busy saan ba?"   "Wala kana doon okay? By the way, pasukan na next week at baka ikaw muna ang um-attend sa school. Sasamahan mo din sa mom sa first week nitong darating na month for------   “Ano ba naman Ve-----   Tinaas niya ang daliri. "Sshh! Don't interrupt me nga."   Natahimik naman ako, umirap siya at inayos ang bangs niya. "Samahan mo si mom sa meeting ngayong darating na month okay? After one week tatawagan kita. Don't worry dadagdagan ko perang ibabayad ko sayo kaya hindi ka naman talo."   Nagpantay naman ang labi ko habang nakatitig sakanya.   "Siguruhin mo lang ang pinagsasabi mo dahil sa totoo lang kung hindi kami gipit ngayon. Hindi ko papatulan ang kabaliwang ginagawa mo."   Tumaas ang sulok ng labi niya. "I know sis, anyway.... how does it feel na nakita mo na si dad?"   Natigilan naman ako sa tanong niya. Huminga siya ng malalim saka maarteng sumandal.   “Come on, tell me the truth. I am sure na kahit hindi mo sabihin sakin alam ko na umaasa ka na babanggitin ka niya o 'dikaya ang pamilya mo." Nakangising sabi niya. Ngumisi ako sakanya.   "Wala akong pakialam sa ama mo Veronica. Ginagawa ko lang ang dapat na gawin ko sa bahay niyo bilang ikaw." Lumawak ang ngisi niya saka bumuga ng hangin.   "Good, kasi i don't want to give you a chance. Baka kasi mamaya habang nagpapanggap ka na bilang ako umaasa ka na baka hinahanap ka-----   Hindi ko siya pinakinggan, kinuha ko ang isang basong tubig sa gilid ko saka uminom. Patuloy pa din siya sa pagsasalita.   "Ang dami mong sinasabi..." Bulong ko saka ko nilapag ang baso sa gilid ng pinggan ko. Natigilan ako nang bigla kong naalala si Ashton.   "-----and aside from that naman ayaw niyang mawala ang masayang pamilya nami-----   "Si Ashton? May problema ba sa isang 'yon?" Putol ko sa pagdadaldal niya, nakita ko namang natigilan siya.   "Si kuya Ashton? Wala naman, bukod sa suplado siya sakin at walang pakialam." Sabi pa niya saka napalabi na mukhang may naalala.   "And he's useless.." Kaswal pa na sabi niya, bigla kong naalala ang sinabi niya kahapon.   "Bakit mo naman nasabi 'yan?" Tanong ko sakanya, huminga siya ng malalim saka tinuktok ang daliri sa mesa.   "He was diagnosed with achromatopsia, he's not able to see any colors. Madilim ang mundo niya at walang saysay.." Sabi pa niya, natigilan naman ako. Naalala ko na may nabasa akong ganong klase ng sakit, hindi ko alam na makaka-encounter pala ako ng ganon sa totoong buhay.   "Mula bata ganon na talaga siya?" Tanong ko pa, tumango siya.   "Yeah, kaya lang napakatigas ng ulo niya. Hindi niya gustong suutin ang salamin na binili nila mom para sakanya. Mas nag-e-enjoy siya sa walang kwentang nakikita ng mata niya. I don't understand him sometimes, nasisilaw siya masyado kapag maliwanag pero nilalabanan niya 'yon. Lumalabas siya ng bahay nang hindi suot ang salamin niya at umaakto siya na para siyang may kwentang tao. Nakikihalubilo sa mga kaibigan niya na para bang wala siyang kapansanan. He can't live like a normal people, like us. Tayong normal na tao na nga ang nag-a-adjust sakanila hindi ba? And we're here to help some people like him pero bakit nagmamatigas sila?"   'Okay... mukhang naiintindihan ko na ang sinabi sakin ni Ashton.'   "Ikaw? Anong pakiramdam ang may sakit? Kamusta lagay ng utak mo?" Tanong ko sakanya, natigilan naman siya.   "Me? I am fine, wala naman akong sakit ha?" Nagtatakang sabi pa niya, ngumisi ako. 'Hindi lang may sayad, slow pa.'   "By the way aalis na ako, goodluck to your job Yvonne. I don't want you to focus on what you have to do. I want you to make it perfect, kagaya ng pagiging perpekto ko. Alam mo naman 'yon hindi ba? Dahil ayokong malaman ni papa ang nangyayari satin ngayon at ayoko ding makilala ka niya o 'dikaya ng pamilya mo." Sabi pa niya.   Tumaas ang sulok ng labi ko sakanya. "Huwag kang mag-alala gagawin ko 'to para kay mama hindi para sainyo."   Ngumiti siya ng matamis.   "Good then.... anyway. Huwag ka ng mag-abala sa bill at gamot ng mama mo sa hospital. Binayaran ko na ang lahat." Sabi niya saka tumayo bitbit ang bag pagkuway tumalikod. Sinundan ko na lang siya ng tingin, napapailing na bumuga ako ng hangin saka tumitig sa mesa.   'Ayos lang 'to One... mabilis lang naman matatapos ang lahat..'   Isang malalim na hininga ang ginawa ko...       -------------****       HALOS hindi ko magawang itikom ang bibig ko habang nakatingin sa malawak na garden ng campus. Kaninang pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay hindi ko na naitago ang excitement ko, kahit na ganito pa ang sitwasyon ko.   'Hindi bale, babalik pa naman ako sa pag-aaral eh..'   Nakangiting tinukod ko ang kamay ko sa puno habang nakatitig sa mga bulaklak. Biglang bumalik sa isip ko ang pag-uusap ni ate, sa aming dalawa siya ang mas kinakabahan sa gagawin ko. Wala pa din kasi siyang tiwala kay Veronica hanggang ngayon, kahit naman ako eh. Iyong huling pagkikita namin? Ayun hindi na nasundan, hindi ko nga alam kung saan na ang babaeng 'yon. Pero ang sabi ni ate, may nag-aabot daw sakanya ng pera at galing daw 'yon kay Veronica. Mas ayos na 'yon, atleast hindi pa din siya tumalikod sa pangako sakin.   "Oh....look who's here.."   Napalingon ako sa may-ari ng boses na 'yon. Natigilan ako nang makita ko ang isang babaeng matangkad. Parang modelo ang katawan niya, nakasuot siya ng coral dress at high heels. Hindi ko maiwasang mamangha sa maputi at makinis na mukha niya.   'Ang ganda naman niya....'   "Dito ka din pala nag-enroll..." Bahagyang nakataas ang kilay na sabi niya, natigilan naman ako.   'Ako ba ang kausap niya?'   Pasimpleng tumingin ako sa likuran ko saka muling bumaling sakanya.   "Ha?" Tanong ko pa, nakita kong umirap siya at tumawa ng pagak.   "Huh! Ibang klase..." Pagak na tawa niya saka tinaasan ako ng kilay.   "......dahil sa ginawa mong kasalanan sakin nakalimutan mo na agad kung sino ako ha Veronica?" Matalim na sabi niya at tinignan ako ng matiim.   "You owe me a lot Veronica and you have to pay for it. Akala ko nga hindi na kita makikita pa, pero mukhang tadhana na talaga 'to para makaharap mo naman ang karma dahil sa mga ginawa mo." Sabi pa niya., mas lalo akong natigilan.   'Ano na naman ba 'to Veronica...'   "Cut got your toungue?" Mataray pa na sabi ng babaeng 'yon. Napakurap ako saka tumikhim at nakangiting sinalubong ang mata niya.   "Excuse me, I don't know what are you talking about. At kung may kasalanan man ako sayo, problema mo na 'yon." Sabi ko pa saka nakataas ang noo na nilagpasan siya.   ‘Sayang....ang ganda pa naman. Mas maganda kay Greta!'   "Ouch!" Nakangiwing baling ko nang bigla niya akong hawakan sa braso. Halos bumaon pa ang kuko niya sa braso ko, mabuti na lang at nakasuot ako ng longsleeve. Kunot-noong tinitigan ko siya, matalim ang tingin niya sakin habang nakataas ang kilay.   "Noon ko pa sinabi sayo Veronica, huwag kami ang babanggain mo. Ito ang tatandaan mo...." Aniya at diniin pa ang hawak sakin. Nakikita ko sa mga mata niya na matindi talaga ang galit niya.   ".....gaganti kami sayo at sisiguruhin namin na hindi ka matatahimik dito. I will make your life miserable." Banta pa niya, hindi naman ako naka-imik habang nakatitig sakanya. Padaskol na binitawan niya ang braso ko saka nilagpasan ako.   "And one more thing slut...." Sabi pa niya na tumigil sa paghakbang. Nakahalukipkip na binalingan niya ako.   "I have a suprise for you, alam ko na magiging masaya ka sa supresang 'yon." Nakangising sabi pa niya saka nagpatuloy sa pagtalikod. Sinundan ko siya ng tingin.   'Huh! Ibang klase ah...'   Niyuko ko ang braso ko saka ko tinupi paitaas ang long sleeve ko. Nakita ko ang ilang bakat ng bumaon na kuko doon. Matalim ang matang tinignan ko uli ang babaeng 'yon na hindi pa nakakalayo. Mabilis ko siyang hinabol at dahil na-kahigh heels siya ay may kabagalan siyang maglakad.   "Excuse me!" Malakas na sabi ko, bago pa siya makalingon ay malakas na tinabig ko na ang balikat niya dahilan para mawalan siya ng balanse. Nakataas ang mukha na nilagpasan ko siya.   "What the-------b***h!!" Narinig kong tili niya, napangisi naman ako habang binibilisan ko ang paglakad ko palayo.   'Loko 'to, kahit maganda ka papatulan talaga kita. Ako pa talaga ang sasaktan mo ha, pasalamat ka nga at hindi kita sinuntok eh!'   Mabilis akong nagtungo sa parking lot ng school. Sandaling tinignan ko pa ang mga kotseng nadaanan ko, nang makarating ako sa van namin ay binuksan ko ang pinto. Natigilan pa ako nang bumungad sakin si Ashton, nakatutok siya sa cellphone niya habang may nakakabit na malaking headset sa tenga niya. Bumuga ako ng hangin saka pumasok sa loob, sinara ko ang pinto sa gilid ko saka ako tumingin sa likod ng van at saka sa driver seat.   "Nasaan si mom at si manong driver?" Tanong ko sa katabi ko, hindi naman niya ako pinansin.   'Malamang Yvonne baka naka-headset, hindi ka talaga maririnig niyan!'   Umirap lang ako saka tumingin sa cellphone niya. Naglalaro pala siya ng games, umismid ako saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko maiwasang maalala ang bruhang babaeng 'yon na bigla na lang sumulpot kanina.   ‘'Habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan sa ginagawa ko. Ano ba kasing pinaggagawa ng Veronica na 'to?'   "What happened to your arms?"   Napabaling naman ako kay Ashton nang marinig ko siya. Tumingin ako sa braso ko, hindi ko pa pala naibababa ang long sleeve ko. Binaba ko 'yon.   "Wala..... may nakasalubong akong pusang matapang ang mukha sa daan. Hindi pala siya friendly.....cute pa naman." Maarteng sabi ko sakanya.   "Pusa? Hindi ba may hika ka?"   Natigilan naman ako sa sinabi ni Ashton, kung sa ibang pagkakataon lang baka tawanan ko siya dahil kasinungalingan lang naman ang sinabi ko. Pero hindi ngayon.....si Veronica? May hika?   Inayos ko ang bangs ko saka ako huminga ng malalim.   "I know, I can't resist their charm kasi eh." Sabi ko pa, nakita kong ngumisi siya habang nakatitig sa buong mukha ko.   "You're really impossible.... but anyway. I don't f*****g care." Sabi pa niya saka tumingin sa cellphone na hawak, umirap ako sa hangin saka ko tinabing ng malakas ang balikat niya. Nadulas sa kamay niya ang cellphone at bumagsak 'yon sa sahig ng kotse.   "What the heck?!" Aniya sabay dampot ng cellphone. Hindi ko siya pinansin, tahimik na tumingin lang ako sa labas ng bintana.   "Doon ka sa likod!" Narinig kong sabi niya, hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko naman ang pagtapik niya sa balikat ko.   "No ba?!" Mataray na baling ko sakanya. Tinuro niya ang likuran ng van.   "Doon ka sabi sa likod!" Pandidilat niya pa sakin, inirapan ko siya.   "Bakit hindi ikaw ang mag-adjust?" Sabi ko saka ako sumiksik sa sulok.   "Baka nakakalimutan mong ito ang pwesto ko?"   "Baka nakakalimutan mong ako ang babae satin?!" Hindi nagpapatalong sabi ko, basta bahala siya. Hindi ko ugaling sumunod sa gaya niya ano. Mas lalo niya akong pinandilatan.   "Ayaw mo ha?!" Inis na sabi niya saka lumapit sakin. Nanlaki ang mata ko nang lumapit ng bahagya ang mukha niya sakin. Tumama pa sa labi ko ang hininga niya.   's**t One... bilis 'yung kamao mo!'   Pero hindi naman nakisama ang kamay ko, hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya.   "Aray puta naman talaga!" Mura ko nang bahagya na naman niya akong itulak. Hindi ko napansin na bukas na pala ang pinto sa gilid ko.   "Get your ass in the backseat." Utos pa niya, tinukod ko naman ang isang kamay ko sa gilid ng pinto para hindi ako malaglag. Sinipa ko braso niya dahilan para mahulog na naman ang cellphone niya sa sahig. Lalong namula ang mukha niya sa sobrang galit.   "You!" Galit na sabi niya at akmang itutulak na naman ako sa balikat. Pinigil ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.   "Ikaw ang lumipat doon-----Aray put---Ahh!" Sigaw ko nang malapit na akong malaglag sa van, Mabuti na lang at nakakapit ako sa mangas ng t-shirt niya. "Let go off my face brat!" Aniya habang nilalayo ang mukha sa pagkakatulak ko.   'Akala mo magpapatalo ako sayo ha!'   Malakas na tinulak-tulak ko ang mukha niya gamit ang isang kamay ko.   "Hey!"   Sabay pa kaming natigilan nang madinig ang boses na 'yon. Nakita namin si Mrs. Arsena, nasa likod niya ang driver na pigil ang tawa habang nakatingin samin.   "Nag-aaway na naman kayong dalawa?!" Kunot-noong tanong pa ni Mrs. Arsena.   "Pinapalipat niya kasi ako sa likod eh ayoko na nga doon." Mataray pa na sabi ko habang hindi pa din binibitawan ang mangas niya.   "Mom this is my spac------   "Hindi. Diyan kayong dalawa at walang lilipat sa likod. Now, close the door and stop playing around." Saway pa niya na para bang mga bata ang kausap. Naramdaman ko naman ang paglayo sakin ni Ashton, binalingan ko siya. Nakasimangot na dinampot niya ang nahulog na cellphone saka muling sinalpak ang headset at sumiksik sa sulok. Napangisi naman ako.   'Grabe, kahit ako si Veronica ngayon ako pa din talaga ang nananalo...'   Nang-aasar ang ngiting hinila ko pasara ang pinto sa gilid ko saka sumandal sa upuan. Binalingan ko si Ashton.   "Grabe, grabe.... ang sarap umupo dito.." Kanta ko sakanya, pailalim na tinignan niya ako. "Don't talk to me." Supladong sabi niya, ngumisi ako.   "Naka-headset ka naman ha?" Sabi ko pa saka nakangising lumapit sakanya.   "......ibig sabihin walang tugtog 'yang headset mo." Pang-aasar pa na bulong ko, lalong tumalim ang tingin niya sakin.   "Hindi ka lalayo sakin?" Banta niya, napalabi naman ako. Parang ang sarap inisin ng isang 'to.   "Tsk, Veronica iha. Ano ba? Inaasar mo na naman ang kuya mo." Saway ni Mrs. Arsena na naka-upo na sa harap. Nakalabing umurong naman ako saka sumiksik sa sulok.   "Don't come near me, baka hindi na kita matantiya.." Pasimpleng bulong niya, nakalabing sinipa ko ang paa niya. Hindi na ako nagulat nang gumanti siya ng sipa sakin. Tinignan ko siya, nakatutok ang tingin niya sa cellphone na hawak.   "Pikunin..." Ani ko saka nakangising tumingin sa labas ng bintana.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD