"HMMM...hmmm.." Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko si Ashton sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Bahagyang kumunot ang noo ko sa kinikilos niya, para kasing hindi siya mapakali. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag. "Anong ginagawa ng baliw na 'to..." Bulong saka humakbang papalapit sakanya. Nakita kong huminga siya ng malalim at tumitig sa pinto ko. "Hoy!" Napangisi ako nang halos tumalon na siya dahil sa sigaw ko, nanlalaki ang matang binalingan niya ako. "Huwag ka ngang basta-basta sumusulpot!" Pandidilat niya sakin at pasimpleng tinago ang hawak sa likod niya. "Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Saka para kang baliw tinatago mo pa 'yan eh nakita ko na." Sabi ko pa habang tinatabi ko ang headset ko sa bag. Bumuga siya ng hangin. "Saan ka na naman

