NATIGILAN ako nang makita ko si Ashton na nakaluhod sa ilalim ng kama. Parang may kinuhakuha siya na kung ano doon, tahimik na lumapit naman ako sa sofa sa gilid, kasya lang ang isang tao doon. Since isang kwarto lang ang meron ay dito matutulog sa sofa si Ashton, Ginusto niyang matulog dito eh magtiis siya. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko pagkalapag ko ng unan ang kumot sa sofa. Hindi niya ako sinagot, ilang sandali lang ay umayos na siya ng upo. "Here..." Sabi niya pa, nakita ko ang gitara na hawak niya. "Sayo pala 'yan?" Tanong ko sakanya, nakikita ko na 'yan noon sa ilalim hindi ko na lang pinansin. Hindi naman ako magaling doon eh. "Yeah...." Aniya pagkuway tumayo, umupo siya sa gilid ng kama. ".....ito 'yung gift na binigay sakin ni mommy nang dumating ako sa bah

