PANAY ang huni ko habang naglalakad sa quadrangle ng school. Ang ibang studyante ay abala sa mga ginagawa nila, 'yung iba may dance practice na ginagawa. At ako naman, iniisip ko ang katangahan ko kagabi na tinatawanan ko na lang. Hanggang ngayon iniisip ko pa din talaga kung bakit ko hinalikan si Ashton. Ang nasa isip ko lang talaga malaman niya na ako si Yvonne at hindi si Veronica. Pero hindi ko alam kung bakit pinagtaksilan ako ng kagagahan ko kagabi. Pero nangyari na eh. Parang baliw na tumawa pa ako nang maalala ko ang mukha ni Ashton pagkatapos non. Para siyang babaeng lumabas ng kwarto ko at tulala. Sa susunod hindi na talaga ako iinom pa, baka kasi mamaya kung ano na naman ang magawa ko. "One! one! Mag-pirmi ka!" Sabi ko pa sa sarili ko habang tinatapik ko ang pisngi ko.

