"YVONNE..." Mula sa pagkakatitig ko kay papa ay bumaling ako sa likuran ko. Tumayo ako at humarap kay Mrs. Arsena. Tumango ako sakanya. "Good morning po Mrs. Arsena." Bati ko sakanya, saglit na tinignan niya ang nasa likuran ko saka muling bumaling sakin. "Pwede ba kitang maka-usap sa labas?" Pasimpleng napalunok naman ako saka tumango. "Sige ho, p-pero wala pong magbabantay kay papa. May binili lang po saglit sa labas si Veroni---- "No it's okay, sa labas lang naman tayo ng pinto habang wala pa sila." Kaswal na sabi niya sakin. "Ah okay po..." Tango ko, saglit na tinignan ko muna si papa saka ako lumapit kay Mrs. Arsena. Tumalikod naman siya at nunang naglakad sakin papalabas ng room. Tahimik na sumunod lang ako sakanya. Nakita kong umupo siya sa bench sa gili

