8 Years Later.... "RYKER!" Napapailing na napahawak na lang ako sa sentido ko nang makita kong bahagya lang akong tinignan ng batang 'yon. Abala siya sa pag-gupit ng mga bulaklak sa hardin ng tita niya. "Gosh, kung hindi lang malakas sakin ang batang 'yan kanina pa talaga nakatikim sakin ng takong 'yan." Natatawang binalingan ko si Veronica. Nakatingin siya sa direksyon ni Ryker, muli akong tumingin sa direksyon ng anak ko. Panay pa din ag pitas niya ng bulaklak, hindi ko alam kung bakit sa tuwing may nakikitang bulaklak ang batang 'yan palagi na lang pinipitas. Noong una nga naghinala ako na baka may iba 'tong batang 'to eh pero ang sabi niya sakin may pinagbibigyan daw siya. Hindi naman sinasabi sakin kung sino. "Parang kailan lang noong umalis ka dito no...."

