FOR THE very first time in my life, nag-enjoy ako. Bigla kong na appreciate ang mga bagay na nasa paligid ko lang pala palagi.
Siguro noon kasi ay focus lang ako sa isang naiisin o mithiin. Masyado pa lang maganda at malawak ang buhay para makulong ako sa paghahangad ng pag-aaruga at pagtanggap ng sarili kong ama at pamilya.
Nagsisimula na akong magustuhan ang ginawa kong plano na ito. Plano na para pa rin sana sa kanila. Plano na sila pa rin ang aking piniling paboran.
“Plano na pwede mo namang baguhin. Gumawa ka naman ng plano na para naman sana sa sarili mo!” ani ng aking isip. May tama naman siya, but still hesitant ako.
Napatingin naman ako sa lalaki na ngayon ay namimili ng mga lingerie. Pwede naman talaga. Pero masyado pang maaga para i-abort ang plano. Marami pang pwedeng mangyari. Ang dapat lang na sigurado ay hindi ako umuwi na talo.
Ilang lingerie na ang napili ng lalaki para sa akin. Halata sa mga staff ng boutique na ito ang matinding paghanga kay Atri, pisikal man maging sa estado.
I really don't know who he is, but from what I’ve seen of those ladies, mukhang mas may alam sila sa lalaki kumpara sa akin.
So far everything is fine with me naman. Ayos lang sa akin ang kanilang mga tingin, basta walang lalandi o hahawak kay Atri.
Hinayaan ko na lang ang lalaki sa gusto niyang gawin. Kanina kasi ay ilang beses ko na siyang sinabihan na wag ng bumili. Dahil may mga dala naman akong gamit tulad ng lingerie, pero ayaw niyang makinig. Mas gusto niya raw na ang mga gamit ko ay siya ang bumili.
Napailing na lang ako ng makitang sobrang focus ang lalaki. Hindi man lang nahihiya si Atri sa kanyang ginagawa. Natatawa pa ako dahil akala mo asiwang asiwa ang itsura nito sa ibang mga lingerie na kanyang hinihimanting.
“The f**k! Mas mabuting hubo't hubad na lang kaysa suot ang telang basahan na ito.” Pa anas na mura at sabi ng lalaki.
Ang mga babae naman na nasa malapit sa amin ay mga mahinhin at malandi na bumungisngis.
Agaw eksena na rin talaga si Atri sa ibang mga tao na nandito. Tila hatak pa nga ang lalaki para sa ibang mga customers.
Kung kanina ay natutuwa pa ako sa mga tingin at paghanga na nakukuha ng lalaki, ngayon bwisit na ako. Halos sumubsob na kasi sila sa likod ni Atri. Mga hitad talaga!
Lumalapit pa talaga, pero buti na lang walang pakialam si Atri sa kanila.
Si Cleo naman ay panay ngisi. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa ginawa ng kanyang amo o dahil sa mga babaeng mga tulo laway na at mukhang impakta na rin sa aking mga mata.
Dahil sa hindi na ako nakatiis ay tinawid ko na ang dalawang dipang layo namin ni Atri. Alerto naman ang lalaki dahil agad binitawan ang silk lingerie na kanyang hawak para pumulupot sa aking katawan ang kanyang kanang braso.
“Bakit ang tagal mong lumapit sa akin? Nahihiya ka ba na kasama ako?” tanong agad ng lalaki sa akin.
Napamaang ako dahil sa kanyang mga tanong. So wala talagang alam ang lalaki sa nangyayari sa paligid.
“Bakit naman ako mahihiya?” balik tanong ko sa lalaki.
“I don't know. Kaya nga tinatanong kita. Oh I get it baby! Ayaw mo na ibili kita ng lingerie.” tila batang tugon ni Atri bago may na isip na dahilan.
Ako naman ang nahiya dahil sa kayang sinabi, agad tuloy na yumakap ako sa lalaki tsaka kinurot ito. Pero walang epekto sa lalaki, dahil sa tigas ng kanyang katawan.
“Stop it Atri!” Anas ko sa lalaki na may konting inis kuno.
“Why? Is that true baby?” clueless naman na ani ng lalaki sa akin.
“That's enough, Love.” Saway kong muli sa lalaki na bahagyang natigilan pero tumawa rin ng nakaraan.
“Okay! Yung lima na lang ang bibilhin ko dahil mas maganda pa na nakahubad ka na lang kaysa suot ang mga komplikadong damit o basahan na ‘yan.” Aliw na ani ng lalaki sa akin.
Sunod-sunod na singhapan ang mga narinig ko. Oo ako lang! Walang pakialam naman ang lalaki sa paligid.
Halata sa mga babae sa loob ng boutique ang panghihinayang. Hindi naman nagtagal ay humahalakhak na si Cleo. Mukhang sa mga babaeng hopeless ito natawa.
Inakay ako ni Atri palabas ng boutique, nilingon ko naman ang mga babae na ang iba ay malungkot habang ang iba ay galit dahil halatang inggit.
“Don't look back. Si Cleo na ang bahala d’yan let's find some swimsuit for you. Ayoko ng masyadong daring—”
“Co’z your body belongs to me. Only for me!” putol ko sa sinasabi ng lalaki. Kabisado ko na iyon.
Noon kasing may naganap sa amin ay ilang ulit niya na inusal iyon sa aking tainga.
Tiningala ko ang lalaki at kitang kita ko na kagat labi ito.
“Kinikilig ka ba?” tanong ko sa lalaki na agad namang tumingin sa akin.
“Ano ‘yun baby?” balik na tanong ng lalaki na nag-pamaang sa akin. Talaga ba? Hindi niya alam ang kilig.
“Ano bang nararamdaman mo ngayon?” tanong ko naman sa lalaki, na parang nag-isip pa.
“I feel something moving in my stomach. Nakikiliti ako while sending vibrant feelings in my whole being.” honest niyang sagot sa akin. Lumawak ang ngiti ko hanggang umabot na sa ngisi. Nahinto na rin kami sa paglalakad.
“What’s that baby? Gano’n ba ang kilig? Baby tell me!” alalang alala na ani ng lalaki.
“Well hindi ka kinikilig Love.” tugon ko sa lalaki na parang nakahinga ng ayos. Akala mo naman kasalanan ang kiligin.
“Kilig na kilig ka lang naman Love. Malantod ka rin pala Atri ko .” basag ko sa pagiging kalmado ng lalaki.
Ang cute niya dahil na mula ang mukha ng lalaki. Bilang ganti niya sa akin ay agad niyang nilamukos ang aking labi ng halik. Nang bitawan niya ang aking labi, tumitig ito sa akin.
“Sa akin ka lang dapat ganito baby ko, wala ng iba.” mapang-angkin na ani ng lalaki.
Bilang tugon ay tumingkayad ako para halikan ito sa kanyang labi.
“Noted boss Love!” sagot ko naman ng makabalik sa aking pwesto.
“Pilya ka talaga baby ko! Baka mayari ka n’yan sa akin mamaya.” gigil na ani ng lalaki.
“So be it!” tila hamon ko naman sa lalaki na agad akong kinabig para yakapin ng ubod ng higpit.
“Later baby! For now ay sulitin muna natin ang date na ito. This is my first time on a date. So let's make it special. Sorry kung pagbili ng lingerie ang unang ginawa ko. I really don't know how to date a gorgeous and one of a kind woman like you baby. So please bear with me.” masuyo at nakikiusap na ani ni Atri sa akin.
Ako naman ay aaminin kong kinikilig na rin. Ang ilang beses niyang paghingi ng sorry sa akin ay sobrang memorable. Lahat ay may halaga. I mean, may purpose at remarkable iyon sa aking isip at puso. Do I like him? It's a clear yes. Ngunit hindi pa maaaring ihayag ng tuwiran.
“It's okay. Hindi rin ako marunong makipag-date—”
“Funny. Nagsama ang dalawang tao na hindi priority ang makipag-date.” Sabay kaming napalingon ni Atri sa kanan ng magsalita si Cleo at lagpasan kami ng lalaki. Dala na rin ni Cleo ang mga pinamili ni Atri sa akin.
“Calm your ass Love. He's just stating the fact.” natatawang ani ko kay Atri na mula sa pagbunsangot at tumawa na rin. Sabay kaming tumawa na dalawa bago lumakad ng muli.
“Change plan tayo. Let's eat first.” bulong ni Atri na sabi sa akin.
Mukhang plano nitong gumanti kay Cleo. Dumiretso kasi si Cleo sa elevator halos pasara na nga iyon ng lumiko kami sa isang pasilyo. Hindi yata na pansin ni Cleo na wala pa kami sa kanyang likuran. Narinig pa nga namin ang sigaw ni Cleo dahilan para muli kaming tumawa ni Atri.
“Bad ka!” Ani ko sa lalaki na mas lumakas ang tawa.
“Mana ako sa’yo baby. I heard you while dealing with Samaniego.” tatawa tawang ani ng lalaki. Napaisip naman ako sa sinabi ng lalaki. Tumahimik ako at mukhang nahalata iyon ng lalaki.
“I'm—”
“It's fine. Better na rin ‘yon, para alam mo at naririnig mo lahat ng sinasabi ko. Next time tell me all the details or everything that I need to know . Ayoko ng niloloko, pinaglilihiman lalo na ang binibigla Atri. I hate that kind of feeling, ayoko ng pinaglalaruan ako at tinatraydor. Mahirap akong mapaamo kapag nangyari ang ganyan. Kahit mahal ko bibitawan ko, thanks to you at for those realization na tinuro mo for a short period of time.” putol na ani ko sa lalaki sa seryosong tono, habang kakaibang emosyon ang mababakas sa aking buong mukha.
“Noted Boss baby.” Bulong ng lalaki sabay halik sa aking sintido.
Nagpatuloy kami sa mabagal na paglalakad, panay naman ang hingi niya ng pasensya at proud na mga papuri sa aking ginawa sa sinabi niyang Samaniego.
Hindi naman ang laon ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Sa isang classy na restaurant kami pumasok. Lahat ng nandoon sa loob ay sosyal ang suot. Napatingin tuloy ako sa aking kasuotan.
“Punuin man nila ng burloloy o kolorete ang kanilang buong mga mukha at katawan; I tell you baby, na walang papantay sa ganda at karisma mo. So walk and slay them all. Walk like you're just passing through your servant, while me is your king that is always by your side, and ready to die for you.” may tunog na harot na ani ng lalaki. Ramdam na ramdam ko naman ang biglang pagtaas ng kumpyansa ko sa aking sarili.
Kumapit ako sa braso ni Atri at lumakad na taas noo. I heard Atri phrasing me. Kung kumpyansa ako mas kumpyansa at proud ang lalaki. Sa center part kami pumuwesto. Kakatwang may pangalan ko iyon na sinasabi na ang lalaki ang nagpa-reserve.
“Gagawin ko ang lahat for you. I’ll give you all the best deals in life baby. This cruise will change everything.” Mahinang ani ni Atri sabay halik sa aking kamay. Ilang minuto lang naman ay dumating na ang mga pagkain kahit wala naman kaming in-order.
Si Atri ang umasiste sa akin, waring parang wala akong kamay dahil sa ginawa ng lalaki. Dama ko naman ang mga mapanuring tingin ng mga tao sa loob ng restaurant. Pero si Atri ang kasama ko kaya balewala sila. Kayang pantayan o higitan pa ni Atri ang kanilang presensya kahit pagsama-samahin pa silang lahat.