Tempted_14‼️

1315 Words
NASA gitna na ako ng pasilyo ng maalala ko na wala akong dala na kahit ano. Naalala ko rin na hindi ko pa suot ang kwintas dahil hinubad ko iyon ng maligo ako kanina. Dali-dali akong bumalik dahil pati card na susi ng pinto ay wala akong dala. Kabado ako dahil baka hindi na ako makapasok, buti na lang at hindi tulad ito ng ibang pinto na lumalapat agad. Bumalik ako sa bedside table at doon ko nakita na may mini note palang iniwan ang lalaki. ATRI: Good morning my beautiful baby. I'll be in an important meeting early this morning. But later I’ll find you. Don't forget to wear the necklace. Be safe, co’z I don't know what will happen on this cruise if someone tries to get you away from me. Ps. If someone hurt you that means they tried to ruin me. Kaya impyerno ang bubungad sa kanila. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi ng lalaki. Dahil sa nararamdaman na kakaiba ay halos yakapin ko ang note ng ilang minuto. Nang nabalik naman ako sa aking wisyo ay agad na akong kumilos. Sa paglabas ko ng silid at mahabang pasilyo, ay tanging katahimikan muli ang aking narinig. Nang makalabas ako ng tuluyan bumungad sa akin ang mainit na sikat mula sa haring araw. Maingay na ang paligid, maraming babae’t lalaki ang maaga pa ay umiinom na ng wine at champagne. Lahat sila na na daanan ko ay tinatapunan ako ng mapanuring tingin. Halos hubad na ang karamihan sa mga babaeng aking nakita, habang ako naman ay naka-long beach dress. Labas ang aking likod at tanging ‘yon at aking mga braso ang expose. Ayon kay Atri walang oras na hindi aktibo ang buong cruise ship na ito. Kung maingay at buhay na buhay na sa araw, mas higit pa raw iyon s gabi. Sinabi rin ni Atri na ihanda ko raw ang aking sarili lalo na ang aking isip. Marami raw milagro ang nagaganap sa cruise ship na ito na hindi naman makikita sa ibang cruise ship. Very unique nga raw ang tempted cruise, bukod doon sky’s the limit ang lahat sa barko. Sarili na raw ng tao ang magbibigay ng limitasyon sa kanyang mga dapat gawin. Isa pa sa nakakuha ng aking buong atensyon ay ang sinabi ng lalaki na habang pataas ng pataas daw ang palapag na binabaybay ay palala ng palala ang mga aktibidades na nagaganap. Wala naman akong planong subukan ang mga gano’n na aktibidades, isa pa ang pakiusap lang sa akin ni Atri ay aakyat ako doon kapag kasama siya. I agree with him. Siya naman kasi talaga ang may gamay sa buong barko na ito. Tumambay muna ako sa parte na walang masyadong tao. Nag-iisip ako kung saan ba ako pupunta. “Do you need something Miss?” Untag ng isang lalaki. Oo lalaki! Nakita ko kasi ang repleksyon niya. Hindi ko siya tiningnan o nilingon. “I don't need anything. Lalo na ang galing sa strangers.” Prangka na sagot ko sa lalaki habang na sa alon ng tubig dagat pa rin ang aking tingin. “You sure? Lahat dito ng babae kailangan ang lalaking tulad ko—!” “Bingi ka ba o mahina umintindi?!” Putol ko sa lalaki, na may diin. “Whoa! Baka magsisisi ka Miss.” may himig ng inis, pagka-pahiya at galit na ani ng lalaki. “Mas magsisisi naman ako kung kakausapin pa kita. Leave! Co’z hindi ako aalis sa pwestong ito para lang sa’yo.” anas na sabi ko sa lalaki, na halatang tumaas ang gigil at inis sa akin. Ramdam ko ang nakakamatay n’yang tingin sa akin. Gano’n pa man ay hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba sa kanya. Tumagal pa bago umalis ang lalaki, pero tiyak ko na nagmukha itong tanga habang nakatayo sa gilid ko. Nang umalis na ang lalaki ay nagsimula naman akong maglakad papunta sa pakay kong palapag. Hindi ako maaari sa first deck dahil sosyalan iyon. Mula naman ang aming silid sa 3rd deck. Kaya aakyat ako sa 6th deck, doon muna ak0 iikot at kapag hindi ako nasiyahan aakyat ako sa susunod na deck. Sa una hindi ko lubos na maisip kung anong maligro ang meron sa mga palapag na iyon. Pero pasasaan ba’t ako mismo ang makakakita no’n. Sana lang masikmura ko ang lahat. Nang makapasok akong muli sa loob ay may ilang pa akong na kasabay na mga babae at lalaki. Lahat sila ay halos magka-partner. Mukhang nakuha ko na ang ibig sabihin ng lalaki. Para palang ibang uri ang babae na walang kasamang kapareha. Hindi ko naman pinahalata na naiilang ako sa mga tingin nila. May mga naririnig pa akong sitahan ng babae’t lalaki na tiyak kong tungkol sa akin. Nang makapasok na kami sa elevator ay nakaramdam ako ng mali. Maluwag iyon pero may dalawang grupo ng magkapareha na halatang ginigitgit ako. Hindi naman tumagal ay may kamay akong nararamdaman na humihimas sa aking likod. “Honey kaya mo to!” Ani ko sa aking sarili, ngunit muli kong naramdaman ang isa pang kamay. “Putang ina! Honey hindi mo na kaya!” Sigaw ko sa aking isip sabay buwelo para hablutin ang kamay ng mga lalaking nakahawak sa aking likod. Gulat na gulat ang dalawa habang maluha luha naman ang dalawang babaeng kasama ng dalawang lalaki. Sinong mga bang hindi maluluha? E mukhang brutal ang dalawa. Hindi ko alam saan galing ang aking lakas para mapilipit ang kamay ng mga demonyong manyak na ito. Sabay na dumaing at nag-mura ang mga lalaki. Marami silang sinasabi, kesyo mayaman sila. But I don't give a damn. Para sa akin higit si Atri sa kanila. Hindi gumagalaw ang dalawang babae na malayo na sa amin. Nag-senyasan ang dalawa at alam ko na sa sitwasyon na iyon dehado ako. Not until the elevator door opens. Parang sumipa bigla lalo ang yabang sa aking katawan. Seeing Atri gives me a lot of strength and power. Nang hilahin ako ni Atri ay agad akong yumakap sa lalaki. “Ang tapang ng baby ko. I'm so proud of you. Halika na si Cleo na ang bahala sa mga ‘yan. Ipis lang ‘yan kung ikukumpara sa akin na isang dragon.” Mahinang ani ng lalaki sabay akay sa akin palayo sa elevator. Hindi pa man kami nakakalayo at sunod sunod-sunod na lagabog na ang aming narinig. “Hayaan mo sila! Deserve nilang masaktan at mamatay dahil binastos ka nila.” madiin na ani ng lalaki. “Hinawakan nila ako sa likod—” “What?!” Gigil na ani ng lalaki. Sabay sandal sa akin sa pader at mabilis na bumalik sa direksyon ni na Cleo. Halos lumuwa ang mga mata ko ng sunod-sunod na bumulagta ang mga lalaki palabas ng elevator. “God! He’s a real beast.” wala sa sariling ani ko. Hindi nagtagal bumalik na ang lalaki habang nagpupunas ng kamao. “Sorry for waiting, baby.”malumanay na ani ng lalaki. Napangiti ako dahil pangalawang beses na siyang nag-sorry sa akin. Sa kabila ng kanyang pagiging matapang, malakas at nakakatakot na kakayahan ay parang mas ramdam ko ang kaligtasan. Muli akong inakay ng lalaki, pasulong. Naalala ko ang kanyang sinabi, mukhang totoo nga darating siya sa oras na kailangan ko. “Thank you for wearing the necklace. Pangako darating ako sa oras na kailangan mo.” Napatingala ako sa lalaki ng sabihin iyon. Labi naman niya ang sumalubong sa akin. Hinalikan niya ako sa noo bago siilin ng halik. Nang maghiwalay ang aming labi ay ngumiti ang lalaki sa akin. “Let's have a fun date today baby.” anyaya ng lalaki na agad ko namang tinanguan. Tutol man ang aking isip ay wala na itong nagawa. Sumisigaw ito ng mali dahil paano ko nga raw mahahanap si Alberici kung magiging kabit sati kami ni Atri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD