NAGING smooth ang buong hapon at gabi namin ni Atri. Ngayon ay matutulog na kami. I don't know para bang masaya ako sa ganito. Ganoon pa man kanina hanggang ngayon ay batid ko na nakikiramdam pa rin ang lalaki sa bawat kilos at gesture na aking ginagawa. Kanina kasi habang nag-uusap kami ng mga plano na gagawin ko bukas ay mas lamang ang pakikinig niya at pagtitig lang sa akin.
Pinakita ko naman na normal lang ang lahat sa akin, kahit ang totoo ay excited na ako. Plano ko na libutin at hanapin sa bawat palapag ang lalaking siyang dahilan ng pagdating ko sa barkong ito. Iniisip ko rin kung hinahanap niya ba ako.
I mean Ate Blenna. Sa totoo lang gusto ko sanang magtanong kay Atri about invitation verification. Kung ipinapaalam ba ng management ng cruise sa taong nag-imbita kung dumating o hindi ang kanyang guest?
Pero pinangungunahan naman ako ng pag-aalangan. Baka kasi masamain na naman ng lalaki. Kung tutuusin pwedeng pwede na si Atri na maging taga-pag-salba sa akin sa kahit anong sitwasyon na piliin ko sa pagitan ng aking pamilya.
But because of a lot of rejection and neglect that I’ve encountered in my own family, naging tuso at seguristang babae na ako. Bakit ko naman idedepende ang lahat kay Atri kung pwede namang maging dalawa sila na pagpipilian ko?
Gusto ko na wala akong maging talo. Oo na ibigay ko na ang lahat pero hindi ibig sabihin no’n ay magiging despirada ako kay Atri.
“What are you thinking?” mula sa pagkatulala ay narinig ko ang tinig ni Atri na nagtatanong sa akin.
Mukhang nahuli na naman niya ako na nasa malalim na pag-iisip.
“Wala naman. Naisip ko lang na sa isang iglap lang pala ay maaaring mag bago ang lahat.” ani ko sa lalaki. Totoo naman ‘yon pero hindi talaga iyon ang laman ng isip ko sa mga oras na ito.
Hindi na sumagot ang lalaki sa akin bagkus ay niyakap na ako. Sa tuwing makukulong ako sa bisig niya damang dama ko ang kakaibang seguridad.
“Early in the morning wala ako agad. Hindi na kita gigisingin but feel free, na mamasyal. Just remember ang deal natin. Akin ka lang sa buong cruise.” bulong ng lalaki sa aking tainga.
Possessive? Yes, he is! Pero ako ata ang babaeng gustong gusto ang dating ng pagiging possessive n’ya. I don't see anything wrong. This is not me! The real Honeylette is a type of person and woman na hindi gusto ang dinidiktahan.
“I have something for you. I hope hindi mo masamain ang ibibigay ko sa'yo.” muling ani ng lalaki sa akin.
“Ano ‘yun?” tipid na sagot ko sa lalaki. Bahagya naman kumilos ang lalaki at may inabot sa may bedside table. Isang gold box ang inilapit ng lalaki sa akin.
“Open it. I hope this is fine with you.” segunda ng lalaki habang nanatiling nakaumang pa rin sa akin ang gold box.
Inabot ko naman ‘yun pero hindi ko agad binuksan. Sa porma ng kahon ay batid ko na alahas ang laman noon.
“Para saan ito?” tanong ko sa lalaki, habang hawak ko ang box.
“A gift with a double purpose.” sagot naman ng lalaki kaya agad ko ng binuksan ang kahon.
It’s a white gold necklace with pink diamond. Tingin ko nasa 10 karat ang diamond na nasa mismong center ng pendant. Ang design ay parang circle door tapos ang susi ay ang pink diamond.
“This is too much—”
“No it's no! Hear me out first. But before that I’ll remind you again. Na lahat ng mamahalin bagay ay nararapat na mapunta sa’yo baby.” May determinasyon na pagpapaunawa ng lalaki sa akin. Ngumiti lang naman ako bilang pagsang-ayon at muli ng nagsalita ang lalaki.
“This necklace has another spec. Bukod sa palamuti at investment ay may iba pa itong features. I personally design this necklace for you. Only for you. Baby, at the back of this necklace it has a gps. Don't panic or think negatively.”
Napakunot noo naman ako sa lalaki ng marinig na may GPS/tracker ang kwintas. A+ for effort sa lalaki. I feel kinda amaze by him. Grabe naman bumakod ang lalaki.
“Baby, I just want to make sure na safe ka palagi. Maraming bwitre na gutom ang nagkalat sa paligid. Hindi ako takot sa kanila. Ang ayoko lang masasaling nila ang akin.” ani muli ng lalaki. Para bang ayaw niya akong makasagot ng pangangatwiran. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya. Nag-aabang ako ng sasabihin niya pa dahil halatang meron pa.
“The advantage of wearing this necklace is; mahahanap kita sa kahit saang sulok ng barko basta manatili mo lang na laging suot ang kwintas. Believe me, this is the best protection. Don't worry sa barkong ito lang naman ito gumagana. And gagana lang ang tracker na nasa kwintas kapag suot mo ito. Sabi ko nga ako ang nagdisenyo. Ikaw lang ang maaaring magsuot at mag may-ari ng kwintas baby. I hope you won't mind using this!”
Sa dami ng sinabi ng lalaki sa akin natagpuan ko na lang ang sarili ko, na tumatango sa mga sinasabi ng lalaki sa akin bilang pagsang-ayon sa lahat ng kanyang nais.
Mabilis naman na kumilos ang lalaki at isinuot sa akin ang kwintas. Wala akong makita na kakaiba sa kwintas bukod sa milyon ang halaga nito.
“Sabi ko na nga ba bagay sa’yo.” Bulong ng lalaki sabay halik sa aking leeg kung sana nakalagay ang kwintas.
“Darating ako sa tuwing kailangan mo ako. Isasalba kita sa lahat ng magiging atraso mo baby. Ako ang tatapos sa mga agam agam mo.” tila sumpa na pangako ng lalaki sa akin.
Nang sumang-ayon ako sa lalaki ay agad nitong binago ang aming usapan. Hanggang umabot kami sa pagpapahinga na dalawa. Lately na uunang matulog si Atri sa akin. Tanghali man o gabi, para bang pagod na pagod ito.
Naisip ko tuloy na baka ngayon lang nakatikim ng pahanga ang kanyang buong katawan dahil sa samu’t saring trabaho.
Nakailang pihit ako ng higa pero ‘di pa rin ako inaantok. Hanggang sa nagdesisyon akong yumakap at sumiksik ng maigi sa katawan ng lalaki.
***************
Kinaumagahan ay alas otso na ako nagising. Wala na nga ang lalaki sa aking tabi. Nagpakalma lang muba ako ng aking katawan bago ako bumango at nagsimulang mag ayos ng aking sarili. Habang papunta ako ng banyo napansin ko na may same foodcart sa may tabi. Imbis na sa banyo pumunta ay umiba ako ng daan. Binuklat ko ang mga may takip. Umuusok pa iyon kaya dali-dali akong tumakbo sa banya. Mabilis na ligo lang muna para kakain na rin ako.
After 5 minutes, mabilis na akong lumabas ng banyo at kumain. Classy but very demure ang datingan ng aking suot at ayos.
“This is it!” Ani ko ng matapos kumain ay na nalamin muna.
Nang wala na akong maisip na idahilan sa aking sarili para wag lumabas ng silid.
Tahimik na pasilyo ang bumungad sa akin. Walang kahit na ano o sino ang nandoon. Mukhang magiging madali para sa akin ang makapaglagalag ng husto l.