Tempted_12‼️

1227 Words
INIS NA INIS na ako dahil matagal ng wala ang lalaki. Ako pa naman sa lahat yung tipong isinasantabi ako ng tao. Noon pa man ‘yan na ang sakit na dinanas ko kaya naman sa mga naging kaibigan ko no. 1 rule ko ang wag na wag akong gagawing tanga at parang hindi belong. Mabuti akong kaibigan pero hindi magandang kaaway. I can be a better and best friend, but on top of that; demonya akong kalaban. I know hindi ako ang tunay na biktima sa naging sitwasyon ko ngayon sapagitan namin ng Ate ko. At first I am the victim, but now kaya kong isali ang sarili ko sa mga tahimik pero delikadong tao. I even betrayed my father and sister just to get what I want. Nakakaawa nga ba ako? O masyado lang akong naghahangad ng sobra? Dahil sa inis na nararamdaman ko ay kung saan saan na nakarating ang aking isip. Lahat ay biglang nag-flashback instantly, hanggang sa umabot na sa punto na binago ko ang aking sarili, para maging sapat sa aking ama ngunit kulang pa rin pala. ‘Yan ang dahilan kung bakit nandito ako sa tempted cruise. “Hindi na ako tulad ng dati! Tama na Honey. Wag kang mag-paapekto. Sa oras na maging tagumpay ka sila naman ang hahabol at manlilimos ng atensyon mula sa’yo.” Mahinang ani ko sa aking sarili habang halos bayukusin ko na ang kumot na nakatabon sa aking kalahating katawan. “You want to play? Then let's play.” ani kong muli ng titigan ang pinto na talagang hanggang ngayon ay sarado pa rin. Nakangiti man ako pero sa loob ko ay ngitngit na ngitngit na talaga ang aking damdamin. Gano'n pa man ay pinilit ko pa rin na kumalma ang aking dibdib. Nag-inhale at exhale ako tsaka sumandal sa headboard ng kama. Kinuha ko ang aking cellphone. 13 percent na lang iyon. Walang signal pero maraming mga messages at email na pumasok. Bumungad sa akin ang pangalan ni Ate Blenna, Liesha, Ellah at isang unknown no. Wala sa tatlo ang binasa ko agad. Inuna ko lang munang basahin ang mensahe mula sa unknown no. Unknown no : Where the hell are you?! Ninakaw mo ba ang invitation? You’ve crossed the line Honeylette. Anong klase kang anak? Basa ko sa mensahe. Natawa ako dahil mukhang kilala ko na kung sino ito. Hindi ko maramdaman ang kakaibang fulfillment dahil sa mensahe na tiyak kong galing sa aking ama. Unang beses na ginawa ito ni Dad ang mag message sa akin, ‘yun pala ay dahil lang sa pagbibintangan n’ya ako. “Hindi bintang iyon dahil totoo naman!” anas ng isang bahagi ng aking isip. Totoo nga naman. Pero siya ba anong klaseng ama sa akin? Hindi ko rin akalain na magagawa palang magpadala ng message ng aking ama alang alang sa yaman at well-being ni Ate Blenna. Taranta na siguro sila sa mga oras na ito. Natatakot o naaawa ba ako sa kanila? Ang sagot ay hindi. Wala na akong kinatatakutan ni isa sa kanila. Sila ang matakot sa akin at baka masilo ko nga si Alberici any moment from now. Pero ang plot twist ay baka imbis na tulungan ko sila ay ako pa ang mag sadsad sa kanila sa dusa at hirap. Evil? Yes, I’am! Bakit? Hindi ba pwede? Sino lang ba ang maaaring maging masama? Buong buhay ko naging masama rin naman ang kapalaran ko sa mismong sariling pamilya ko pa. Unti-unting nawala ang inis at ngitngit ko. Naging kalmado ang aking pakiramdam. Binasa ko ang ibang mga message. Sa message mula kay Liesha at Ellah ako natawa ng sobra. Nasa gano'n akong estado ng bumakas ang pintuan at pumasok ang lalaki na may kakaibang tingin sa akin. Para bang sinusuri niya ako at dahilan ng aking pagtawa. Gumanti naman ako ng tingin sa lalaki na tila nag-lie low naman. Ngumiti siya sa akin at dumiretso sa aking tabi. “Bakit parang ang saya mo—?” “Paki mo!” Pambabara na sabi ko naman sa lalaki. “Hey! Bakit ka galit—?” “Bakit nga ba?” Tanong ko sa lalaki na pumutol sa kanyang tanong. “I don't know!” Paawa na ani ng lalaki. Natawa naman ako dahilan para mas maguluhan ang lalaki. “Ako ang klase ng babae na kung ano ang trato mo sa akin ‘yun din ang ibabalik ko sa'yo. Pagod na akong maghabol at manimbang. Sa totoo lang sa isang tao lang talaga ako mahabang panahon naging tanga.” paliwanag ko sa lalaki na biglang tumiim ang titig sa akin. “Great to know that. Ako naman ang tipo ng tao at lalaki na hindi nag-so-sorry. Wala sa bokabularyo ko ang salitang sorry not until I met you. I'm willing to change baby. I'm sorry about a while ago, baby. Seloso pala ako. Ngayon ko lang nalaman at dahil ‘yon sa’y0. Lahat yata pag-se-selosan ko.” malambing na sabi ng lalaki na ikinagulat ko ng husto. Mula kasi ng makasama ko siya ay hindi ko naririnig ang salitang sorry mula sa kanya. Tila lumutang ako sa ere bigla dahil sa kanyang sinabi. “Lumabas ako para sa merienda nating dalawa, pero hindi ko pala kanyang magtagal sa labas.” dagdag na sabi pa ng lalaki. Napanguso at ngisi naman ako. Hindi ko mapigilan, kasi kinikilig na ako sa kanya. Pero ng makabawi ako ay inirapan ko ang lalaki. “Merienda? Ano ako patabaing baboy mo?” Anas na tanong ko sa lalaki na ngumiti naman sa akin ng sobra. “Nope! Ikaw ang baby ko. Pinapalakas lang kita para ready ka na sa muling meet at great ni baby at Daddy.” Pilyong tugon ng lalaki. Hindi ko pa nga na gets ang baby at Daddy, kundi lang mas lalong naging playful ang expression niya. “Grabe ka!” Bulalas ko naman na ikinatawa ng malakas ng lalaki. Nagpatuloy ang kulitan naming dalawa. Hindi ko inakala na may ganitong personalidad ang lalaki. Masyado kasing matigas ang kanyang aura at pisikal na anyo. Habang nasa kulitan kami ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Cleo. “Masakit na ang kamao ko kakakatok pero walang nagbukas kaya pumasok na ako. Here's your merienda, enjoy.” paliwanag agad ng lalaki, halata sa kanya na natatawa habang nagpapaliwanag. Si Atri naman ay nanlilisik ang mga mata. Nang makalabas na si Cleo ay sinaway ko naman si Atri na mukhang susundan pa ang lalaki. “Stop it! Bakit bawal ba niyang makita na maharot ka? Baka nga ‘di lang harot ang ginagawa mo noon e! But that okay. Nakaraan mo ‘yun. Iba kapag ngayon mo ginawa tapos na sa eksena pa ako. Oh siya kain na tayo.” Pigil ko sa lalaki na tumutok naman sa akin ang buong atensyon. Hindi naman nagtagal ay bumalik na rin ito. Sabay kaming kumain ng turon. Yes turon with a lot's of nuts. Masarap naman pero masarap pa rin ang gawa sa mga kanto kanto ng Pinas. Matapos naming kumain na dalawa ay ang lalaki mismo ang nagbukas ng usapan tungkol sa magiging paglabas ko sa silid na ito. Oo at tango naman lang ang aking naging tugon. Kahit pa may sarili akong diskarte at isip kailangan pa rin na umayon ako sa lalaki. Sa huli naman ay ako pa rin ang masusunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD