bc

Never Fall In Love

book_age16+
104
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
opposites attract
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
scary
like
intro-logo
Blurb

I’ll never fall in love….katagang pinangako ni Sandy sa sarili at sa lalaking kanyang mapapangasawa na si Mavvy. Napagkasunduan Ng kanilang pamilya Ang kanilang kasal. Labag ito sa kalooban ni Sandy kaya gumawa ito ng paraan para makausap Ang lalaking kanyang papakasalan para Hindi ituloy Ang kasal. Ngunit Hindi naging maganda Ang kanilang unang tagpo kaya mas lalong tumindi Ang kagustuhan ni Sandy na Hindi ituloy Ang pagpapakasal Lalo na Isa itong dakilang babaero at walang respeto sa mga babae. Katulad din Naman Ang kagustuhan ni Mavvy na Hindi maikasal Kay Sandy dahil kung kumilos at manamit ito ay parang Hindi ito babae.

Ngunit Isang Gabi natagpuan nalang ni Sandy ang sarili sa mga bisig ni Mavvy habang pinapalasap nito ang sarap na first time niya palang naranasan. Hindi rin inaasahan ni Mavvy na may epekto sa kanya si Sandy na Hindi niya tinuturing na babae.

Matutupad kaya ni Sandy Ang kanyang pangako o tuluyan ng mahulog Ang loob sa lalaking sa kanya ay may malaking atraso? Sabay sabay nating basahin at alamin.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Araw ng Kamalasan
CSandy POV “Wait…hintayin niyo ako” habol ko sa sasakyan pero derederecho pa Rin ito. Nahirapan pa Ako dahil SA Dala Dala Kong project. Hinihingal na Ako kaya Huminto na ako sa paghabol dahil malayo na ito. Hapo akong nakatamaw sa papalayong sasakyan. Bumuga Muna Ako ng malakas na hininga. Dahil wala masyadong taxi na nagawi dito sa subdivision Wala akong choice kundi maglakad Palabas. Lakad takbo na Ang ginawa ko dahil malelate na Ako sa school. Kailangan ko pang tumawid sa kabila para makasakay Ng sasakyan. Nagmamadali na ako dahil huling araw na Ng pasahan Ng project. Graduating student na Ako Ngayon sa kursong Nursing. Kailangan kong makaabot sa unang class schedule ko. Dahil malayo pa Ang pedestrian lane nagshortcut nalang Ako para hindi Ako malate. Nang makita kong walang paparating na sasakyan nagmamadali na akong tumawid. Malapit na sana Ako makatawid Ng biglang may dumating na sasakyan kaya napasigaw ako. Sa sobrang gulat ko sumambulat lahat Ang Dala kong mga gamit. Mangiyak ngiyak ako Nang Makita ko Ang project ko na nagkalasog lasog at nagkalat sa kalsada. Nanghihina akong napaupo at pinagpupulot Ang mga pira-piraso. “Are you okay?” Tanong ng lalaki sa likuran ko kaya tumayo Ako at humarap sa kanya. Tiningnan ko pa siya Ng masama. “Ano ba sa tingin mo? Nakita mo ba Ang mga nagkalat Dyan sa kalsada. Mga gamit ko Yan. Hindi lang gamit kundi project ko Yan na kailangan Kong maipasa Ngayon. So paano na ha? Paano Ako magiging okay!” nanggagalaiti Kong sigaw “It’s not my fault. Kung hindi ka ba naman tatanga tanga. Bakit ka ba kasi dito tumawid eh nandon yong tawiran” turo niya pa sa lane. Nagpagting naman Ang Tenga ko nang tawagin Niya akong Tanga. “Eh g**o ka pala eh. Ikaw na nga itong muntik ng makasagasa Ako pa Ang tatawagin mong tatanga tanga. Kung hindi ka lang kaskasero eh di sana may Nakita Kang tumawid Dito.” Sigaw ko sa kanya. Tinaas ko pa Ang manggas ng uniform ko na parang naghahanda sa suntukan. Di nalang Kasi phumingi ng tawad para naman mabawasan Ang sama ng loob ko. “Look Miss. Wala akong panahon makipagtalo Sayo dahil may hinahabol Ako. Sa tingin ko naman Hindi ka nasaktan. Kung nasaktan ka man siguradong mild lang Yan.” May kinuha naman ito sa kanyang wallet. “Oh ito pambayad Ng check up.” Sabay abot Ng Pera sa kamay ko. Tumalikod na ito at pabalik na sana sa sasakyan Niya pero nahawakan ko Ang jacket Niya kaya napahinto ito. “Ganon na Lang yon ha?” Tiningnan ko Ang Perang inabot Niya sa akin. ”100pesos?” para Naman Akong baliw na tumawa. “Ano ako Bata? Pangcheck up daw? Eh pamasahe nga lang kukulangin pa ito.” Himutok ko. “Ang yabang yabang mong magdrive sa ganyang sasakyan Wala ka naman palang pera.” Dagdag ko pa. Sinubukan Naman nitong hablutin Ang jacket niya pero mas hinigpitan ko pa Ang paghawak ko Dito. “Miss, nagmamadali ako. May hinahabol ako. Naiintindihan mo ba?” Diin nitong Sabi. Bakas na rin sa guapo nitong Mukha Ang inis pero Hindi ako nagpatinag. “Wala akong pakialam sa hinahabol mo. Alam mo bang maari akong Hindi makagraduate dahil sinira mo ang project ko. Anong ipapasa ko Ngayon?” Singhal ko pa Rin sa kanya. “I don’t care. Kung gusto mong magreklamo go ahead” Saad nito sabay hablot Ng jacket Niya kaya napabitaw ako. Nagmamadali itong sumakay sa sasakyan Niya. Nakatanga Naman akong nakatingin sa kanya. Nagbalik Ang diwa ko nang binusinahan niya Ako. “Bumaba ka dyan. Hindi pa tayo tapos!” sigaw ko sa kanya. Kinakatok ko pa ang sasakyan niya pero ang g**o pinasibad na nito ang sasakyan Niya. Napatingin ulit ako sa mga nagkalat Kong mga gamit. Mabigat sa loob ko Naman itong pinupulot Isa Isa. Nanlulumo Ako habang pinagmamasdan Ang project ko. Sobrang pinaghirapan ko ito tapos ganito lang Ang nangyari. Biglang bumuhos Ang ulan Kaya napatingala nalang Ako. “Really?” frustrated Kong sigaw. Grabeng kamalasan na itong nangyari sa akin ngayong Araw na ito. Bakit Ngayon pa. Napasalampak nalang Ako sa gilid Ng kalsada at parang Bata na Hindi pinagbigyan Ng gusto dahil sa inis. Nang tumila na Ang ulan nag umpisa na Rin akong naglakad. Hindi na Ako pumasok Ng school dahil Wala Rin naman akong maipapasang project. Isa pa basang basa Ako Ngayon. Kasalanan ito ng mga magagaling Kong kapatid. Kung Hindi lang Nila ako iniwan kanina hindi sana itong nangyari sa akin. “Ano bang nangyari sayong bata ka? Bat basang basa ka” Salubong ni Mommy Gladys pagkadating ko ng bahay. Bakas sa Mukha nito Ang pag aalala. Hindi ko talaga siya tunay na Ina. Bale stepmom ko Siya. Baby pa lang ako nang mamatay Ang tunay Kong Mommy. Yon Ang kwento sa akin ni Daddy. Hanggang mag Asawa si Daddy at yon nga si Mommy Gladys. Pero Hindi Siya katulad Ng stepmom ni Cinderella na mapang-api. Si Mommy Gladys ay mabait at itinuring Niya akong tunay na anak. Biniyayaan Sila Ng 2 anak na babae. Si Trisha at si Tanya. Kung mabait si Mommy kabaliktaran naman Ang dalawang anak niya. Mga brat ito at Ako Ang lagi nilang binubully katulad Ng ginawang pag iwan nila sa akin kanina. Nagtitimpi lang ako dahil ayokong sumama ang loob ni Mommy. Si Daddy Naman walang pakialam sa akin. “Sige na. Pumasok ka na sa kuarto mo para makaligo ka na at makapagbihis. Baka magkasakit ka pa niyan.” Nag aalalang Saad ni Mommy kaya napabalik Ang diwa ko. Sumunod Naman ako. Pumunta ako kaagad sa banyo at naligo. Pagkatapos Kong maligo kinuha ko Ang laptop ko at nagmessage sa professor ko para makiusap kung maaaring bigyan Niya ako Ng chance para makapagpasa Ng project. Nagsend pa ako ng mga proof na may ginawa talaga Ako at yong mga kuha ko kanina sa insedente. Pagkatapos Kong magawa yon kinuha ko Naman Ang mga materials ko para gumawa ng panibagong project para kung sakaling papayag si Prof Meron na akong naumpisahan at makapagpasa kaagad. Napahinto Ako nang may kumatok sa pinto kaya tumayo Ako at binuksan ito. “Anak, inumin mo itong sabaw para mainitan yang sikmura mo. Mahirap Ng magkasakit” bungad ni Mommy. “Thank you Mom. The best ka talaga” nakangiti ko saad dito ng makuha ko na Ang sabaw sa kanya. Siya lang Kasi Ang kakampi ko sa pamamahay na ito. “Nambola ka pa. Ubusin mo Yan ha” nakangiti din nitong sabi saka umalis. Si Mommy lang talaga Ang nagbibigay lakas ng loob sa akin. Si Daddy halos Hindi naman kami magkita dahil busy ito palagi. Kinabukasan Maaga akong pumunta Ng school para kausapin ko si Prof. Hindi kasi ito nagreply sa message ko kagabi. “Sir, maawa na Po kayo. Graduating Po ako. Hindi po ako makakagraduate.” Pagmamakaawa ko nang Hindi ako nito pagbigyan. “Im sorry Ms. Sanchez. You know my principles. No chances. Ipagpalagay natin na Ang project na yon ay kailangan para sa pasyente mo. Ano ngayon Ang mangyayari sa pasyente mo? Maaaring may mangyaring masama sa kanya. Kahit ano pa Ang reason mo nangyari na ito at kapabayaan mo. This will serve as your lesson. Sa larangan Ng medicine bawal magpabaya at magkamali dahil Buhay ng tao ang nakataya.” Saad nito saka niya ako iniwan. Kaya napaiyak nalang ako. “Hindi ko naman ginusto Ang nangyari eh. Mahirap bang intindihin yon?” himutok ko sa sarili ko. Paano ko ito sasabihin sa pamilya ko? Lalo na Kay Daddy. Siguradong sermon na naman Ang abutin ko nito. Laglag Ang balikat na umalis Ako Ng Campus at umuwi nalang Ng Bahay. Wala naman akong mapapala kung tatambay ako sa school.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook