“Ang walang hiyang lalaking yon. Pinaghintay lang Tayo Dito. Bukas na bukas din uuwi na Tayo” gigil kong sabi. Paano ba Naman Kasi tatlong Araw na niya kaming pinahintay Dito. Kung Hindi lang Gabi Ngayon nag umpisa na akong maglakad Ngayon. Kung ayaw niyang makipag usap bahala siya sa buhay Niya.
“Paano Naman Tayo uuwi niyan Sandy?” nag aalalang tanong ni Abby.
“Bukas na natin Yan problemahin. Sa Ngayon kailangan na nating matulog para may energy tayo bukas.” Napabuntong hininga Naman ito. Sumampa na Ako sa kama para humiga. Sumunod Naman ito sa akin. Magkasama na kaming matulog Dito sa room. Sanay Naman na kaming natutulog na magkatabi.
Maya Maya nagising kami dahil sa ingay.
“Ano yon?” Tanong ko kay Abby na pupungas pungas din. Kinuha ko Ang phone ko para tingnan Ang Oras. 10pm pa lang. Nakadalawang Oras na Pala kaming nakatulog.
“Parang may party?” Saad ni Abby kaya kunot noo akong nakatingin sa kanya.
“Mabuti pa bumaba nalang Tayo.” Aya nito. Pumayag nalang din Ako dahil Hindi Rin Naman Ako makatulog dahil sa ingay. Isa pa curious din Ako. Pagkatapos naming magbihis bumaba na kami. Nagulat pa Ako dahil maraming tao. Paano nagkaroon Bigla Ng party Dito? Wala Namang nag aayos kanina.
“Ate, bakit may party at sinong nagpaparty?” Tanong ko sa maid na Nakita ko pagbaba.
“Si Sir Mavvy Po Ma’am. Ganyan Po talaga kapag umuwi Sila may paganyan.” Sagot nito at nagpaalam na. Mabuti Naman at nandito na Siya para Hindi sayang Ang pagpunta ko Dito. Lumabas kami ng Bahay kasi nasa pool area Ang party para hanapin Ang lalaking yon. Kailangan ko siyang makausap Ngayon para Maaga kaming makaalis bukas.
Nilibot ko Ang paligid para mahanap Ang lalaking yon. Hindi Naman Ako nabigo dahil Nakita ko ito sa Isang table na may kasamang mga babae.
“Tss…dakilang babaero” sa isip isip ko.
“Abby, Dito ka Muna. Puntahan ko lang Ang lalaking yon para matapos na itong ipinunta natin dito.” Paalam ko sa kanya.
“Okay.” Pagpayag nito. Huminga Muna Ako nang malalim Bago Ako pumunta sa kinaroroonan Ng lalaking yon.
“Mabuti Naman nandito ka na” sambit ko nang makalapit Ako sa table nila kaya napatingin Sila sa akin.
“Oh. You’re here. I thought you left already” Saad Ng walang hiyang lalaki.
“Aalis Ako Dito pagkatapos nating mag usap” kalmado Kong Sabi pero Ang totoo gusto ko na siyang sakalin Lalo na Ang mga babaeng parang sawa kung pumulupot sa lalaking ito. Hindi ba sila nahihiya sa mga pinaggagawa nila.
“C’mon. Why don’t we enjoy this night. I can share with you the other girls if you want.”
“No thanks. Sa tingin ko pa lang kulang pa Sila Sayo. Nandito lang ako para makausap ka” may diin Kong Sabi. Anong Akala Niya pumapatol Ako sa kapwa ko babae. Baliw ba Siya. Kahit ganito Ako manamit babae pa rin naman Ako. Bulag ba Siya.
“We can talk tomorrow” Saad nito.
“Hindi pwede. Kailangan na nating-“ Hindi natuloy Ang sasabihin ko nang Bigla nalang sumampa Ang Isang babae sa lap nito at Saka Sila naglaplapan. Napakuyom nalang Ako ng kamao. Nagpupuyos talaga Ang kalooban ko. Hindi talaga Ako makakapayag na ito Ang magiging Asawa ko.
Umalis nalang Ako Doon dahil Hindi ko masikmura Ang mga pinaggagawa nila. Nakakapagtaka. Ang Dami Dami nitong babae. Bakit Hindi nalang pimili sa kanila Ang Lolo nito para ipakasal sa apo niya? Bakit kailangan pa niyang gawin sa Amin ito.
Wala si Abby sa Lugar kung saan ko Siya iniwan kanina kaya hinanap ko ito.
“Sandy, halika join ka sa amin” Aya ni Jairus nang makasalubong ko to.
“Hindi na Jai. Hinahanap ko lang Ang kaibigan ko”
“Tara na. Ngayon lang Naman ito. At nandon yong kaibigan mo sa table namin. Ayon oh!” turo nito sa Isang table na may mga nakaupong lalaki at Meron ding mga babae. Nandon nga Ang kaibigan ko. Paano Siya napunta Doon.
“Halika na” Wala na akong magawa nang hilahin na Ako nito. Pinakilala Naman Ako sa mga kasama niya sa table. Masama ko namang tiningnan si Abby na may hawak hawak ng baso Ng drinks. Pero Ang Gaga nginitian lang Ako sabay lagok Ng baso.
“Sandy, here.” Saad ni Jairus sabay abot ng baso ng alak. Nag alangan naman Akong tanggapin ito pero nang Makita ko ang hinayupak na lalaking yon na busy nakipaglaplapan sa mga babae niya biglang nag init na Naman Ang ulo ko kaya kinuha ko Ang baso Saka ito tuloy tuloy na nilagok. Naghiyawan Naman Ang mga Kasama Namin sa table nang pabagsak Kong nilapag Ang baso sa table.
Yong Isang basong alak nasundan pa Ng Isa, dalawa tatlo at Hindi ko na mabilang na baso ng alak. Hindi pa Rin Naman Ako natablan dahil mataas Ang tolerance ko sa alcohol pero nag iinit na Ang katawan ko.
“Videoke time. Sinong gustong kumanta?” biglang Tanong ni Jairus. Pero Hindi ko ito pinansin dahil natuon Ang paningin ko sa taong kinaiinisan ko. At Ang walang hiya, nakatingin pa sa akin habang dinidilaan niya Ang leeg ng babae. Sarap putulan Ng dila. Dumikit Sana yang dila mo dyan sa leeg Ng babaeng Yan.
Napabalik Ang diwa ko nang bigla nalang may humila sa akin at dinala ako sa parang stage.
“Sabi ni Abby magaling ka daw kumanta” Saad ni Jairus. Tiningnan ko Naman Ang kinaroroonan ni Abby na nagchecheer pa.
“Go Sandy!” sigaw nito. Pati tuloy mga Kasama Namin sa table nakikicheer na din.
“Anong kakantahin ko?” Tanong ko Kay Jairus.
“Kahit Anong gusto mo.” Napalunok tuloy Ako Ng sunod sunod. Pahamak talaga itong si Abby.
Dahil lively pa Ang mga tao kumanta nalang Ako Ng Rock song. Nakita ko Namang nag eenjoy sila kayak nag enjoy na Rin ako. Pagkatapos Kong kumanta babalik na sana ako sa upuan ko kaso sumisigaw pa sila.
“More….more…” sigaw nila. Lumapit Naman si Jairus sa akin.
“Pagbigyan mo na” Saad nito.
“Olpkay, pero Hindi na ito libre ha. Sisingilin kita”
“Sure..no problem” ngumiti Naman Ako. May Racket na Naman Ako.
Rock songs pa Rin Ang kinanta ko. Habang kumakanta Ako nagsitayuan Naman Ang mga ito at sumasayaw habang sumasabay sa akin sa pagkanta kaya ganado din akong kumanta at nakipagsabayan rin sa kanila. Hindi Rin Naman masama to have fun paminsan minsan.
Dahil nag enjoy Ako nasundan pa nang nasundan Ang pagkanta ko dahil puro lang sila request. Para na akong nagconcert.
Ngayon Naman kinanta ko Ang All I Ask by Bruno Mars. Kanya kanyang kuha Ng mga partners Ang mga lalaki para sumayaw. Habang kumakanta Ako nararamdaman Kong may nakatingin sa akin kaya nilibot ko ang paningin ko. At Nakita ko nga ang antipatikong lalaki na nakatitig sa akin kaya medyo naasiwa Ako. Pero Hindi ko Naman maalis ang paningin ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang may magnet sa mga mata niya.