Maagang nagising si Diamond kinabukasan, mas maaga sa kinaugalian nitong pag gising, alas Singko palang ay gising na ito at agad na naligo, ibang-iba noong hindi pa ito naka pag trabaho, tuwing alas Sais Trenta ito gumigising, ngayon ay subrang aga, agad na naligo at nag gayak para makapag init ng tubig pang kape nila, nag gatong narin ito pang saing ng kanin,.
kahit napaka lamig ng simoy ng pang umagang hangin ay hindi iyon naging hadlang sa excitement na naramdaman ni Diamond, matapos makapag salang ng ininit na tubig at sinaing ay pumasok na sa loob ng kanilang bahay si Diamond para maka pag bihis saka bumalik sa likod bahay at sinilip ang niluto, ng kumulo na ang ininit na tubig ay agad nitong nilagay sa thermos at dinala sa kanilang kubo, kumulo na rin ang sinaing iya kaya binawasan na nito ang mga ginatong na kahoy para hindi masunog ang kanin, pumunta muna ito sa tindahan para bumili ng kape at asukal, hindi na ito bumuli pa ng tinapay dahil naka bili na ito nakaraang gabi sa bayan. saktong pag dating niya sa kanila ay gising na ang kanyang mga magulang, nakita ang ina ng makita ang kanyang bitbit, agad na nilapag sa lamesang gawa sa lumang kawayan, kumuha ng mga tasa at pinag timpla ang mga magulang, sabay silang Tatlo nag kape, nagtaka pa ang mag-asawa dahil embis na tinapay ang ipampares sa kape ay kanin ang pinang pares ni Diamond.
nag lagay ng kanin sa plastic bowl saka ibinuhos ang kalahating tinimplang kape.
"Bakit hindi ka nag tinapay anak?" ani Lea.
"Sa mga kapatid ko po iyon mang at sa inyo ni Papang'. tugon ni Diamond sa tanong ng ina.
"Marami naman iyon anak, Limang supot naman ang binili mo diba?'.
"Opo Mang, tig iisang supot po silang apat tas ang isang supot po ay hati kayo ni Papang". tugon nitog mli habang sumusubo.
"Bawasan mo ang kay Bunso, hindi naman niyon iyon maubos."
"Wag na po, mamaya ay ibabalot ko ang aking meryenda para sakanila, para makatikim din sila ng ibang mga kakanin na hindi pa nila natikman."
Napailing nalang ang mag-asawa, hindi o alaga mapilit ang isang Diamond sa mga bagay na ayaw nito at gusto nitong gawin. katangian na napapansin nila sa kanilang panganay na anak.
"Mang, Pang, gusto ko pong mag trabaho sa isang opisina, yun bang sa malaking gusali, sa mga kompanya". puno ng pangarap ang mga mata ni Diamond ng sabihin nito sa mga magulang ang nais.
"Nako anak mag aral ka muna ng mabuti at mag tapos, para makamit mo ang iyong pangarap na makapag trabaho sa malaking kompanya." ani Lea.
"Segurado po yan Mang, gagalingan ko sa pag-aaral, may bago daw na Gasoline station na itatayo dito, yung trinabaho dun sabayan mang malapit sa Benjamin College, Gasoline station daw ang itatayo doon at opisina, naikwento sa akin nila ate Hilda at Gina kahapon nung nag pa'plansta kami."
"Ahh ganun ba, akala ko groserya."
sumapit ang alas Syete ay hinintay na ng mag-ina si Marening sa daan, naka pag paalam narin sila sa Papang at mga kapatid niya, dumating rin agad ang kanilang hinintay at deretso na sila alis. alas syete trenta sila nag bubukas ng shop. pag dating nila ay naroon narin ang dalawa nakatayo, naghihintay sa pag dating nila.
"Magandang umaga mga magandang ate". bati ni Diamond kina Hilda at Gina.
"Magandang umaga rin saiyo Diamond". panabay na bati rin ng dalawa.
nag linis muna sila sa shop bago sinimulan ang pag trabaho, nilalagyan nila ng palatandaan ang mga damit bawat basket na kanilang nilalabhan, bawat basket ay may ibat ibang kulay at hugis ng color paper at iniistaple nila ito sa laylayan ng mga damit dahil sabay-sabay nilang nilulunod ang mga ito sa malaking machine, lahat ng mga t-shirt ang iba-ibang kulay ay pinag-iisa nila, mga pantalon ay iba rin, kumot at iba pa. sumapit ang alas Dyes ay bumili ng meryenda si Marineng para sa kanilang Lima, Cassava cake ang binili nito, ang parti ni Diamond ay agad niyang tinago sa dala nilang bag ng ina at inabala ang sarili sa pag kompuni ng ibang damit habang ang kanyang mga kasama ay kumakain ng meryenda.
sabay-sabay rin silang Lima sa pananghalian, salo-salo sa niluto ni Marineng sa kusina ng shop. hanggang sa mag hapon at natapos narin sila sa trabaho, sumaglit nanaman sila sa Palengki para mamili ng pampasalubong sa mga kapatid nito. as per request bumili si Diamond ng sinabawang karne ng baboy na tig Dyes ang hiwa, bumili siya ng tatlo, malaki-laki rin ang hiwa, at pinag hiwalay niya ng plastic para marami ang sabaw, bumili siya muli ng Limang supot ng tinapay, may nakita rin siyang Cassava cake bumili rin siya ng bale bente pesos. isang katamtamang sukat ng karton pang meryenda, sigurado siyang kakasya sa kanilang lahat ang Cassava cake na binili niya, meron pa siya sa bag nila, dalawang hiwa hindi niya rin kasi kinain ang parte niyang meryenda sa hapon.
Tuwang-tuwa ang kanyang mga kapatid sa kanyang pasalubong, tinupad niya ang hiling ng mga ito na sinabawang baboy ang ulam nila sa gabi. bumili rin pala ang Mamang niya ng gulay na chopsuey at isang Litro ng Coke kaya masayang masayang ang kanilang hapunan, parang pyesta na sakanila at birthday kung maituring ang naturang gabi. ang dami nilang masasarap na pagkain at may panghimagas pa sila.
binigay muli ni Diamond ang subrang pera ng kanyang sahod mago natulog sa gabi.
mula ng makapag trabaho sila Diamond at nanay nito ay lagi ng masarap ang kanilang pagkain, nagkakalaman narin ang mga kapatid nito, halos sa loob ng isang buwan ay naka ipon rin sila at naka bili ng mga gait sa skwelahan, mga notebook, bagong mga sapatos, uniform at bag, naka pag enroll narin silang magkakapatid, subrang saya nila dahil lahat ng mga gamit nila sa skwela ay bago.
malaki ang naipon nila Diamond sa araw-araw na sweldo nila sa Laundry shop. naka ipon rin sila ng halos 8k pesos, nagpa gawa kasi si Diamond sa Papang nito ng alkansya at araw-araw sila nag huhulog mag-ina doon, nakaugalian na ni Diamond ang bumili ng pang ulam sa hapunan at ang nanay niya naman ay namimili rin ng para sa mga kapatid niya naiiwan sa kanilang bahay, bumibili ng manok pang sahog sa gulay nila, noon kung puro sardinas at minsan ay wala pang sahog ang gulay nila ay iba na mula ng maka pag trabaho silang mag-ina, lagi na masarap ang ulam nila, at tumataba na talaga mga kapatid niya, ang kinikita ng Papang nila sa pag bubukid ay iyon ang binibili nila ng bigas.
"Sigurado kana ba ate? doon kana mamalagi sa laundry shop na pinag tatrabahuan niyoni Mamang? hindi kana uuwi dito? " malongkot na tanong ni Zircon.
"Tuwing may pasok lang sa skwela Con, sa byernes ng gabi ay dito ako uuwi hanggang lingo, huwag kang malungkot dahil bibili parin naman ako ng pang ulam niyo si Mamang ang mag dadala ng mga bibilhin ko para sainyo rito." paliwanag nito sa kapatid dahil tila nalungkot ito ng malamang doon na siya sa bayan mamalagi.
"Talaga ate? makakakain parin kami ng masasarap na ulam at ibang pagkain?"
"Oo naman, hindi kayo pababayaan ni ate, tandaan mo yan okay? ang gusto ko lang ay mag aral kayo ng mabuti."