chapter 2

1421 Words
“Hihinto po muna ako sa pag-aaral t’yang. Tutulongan ko po muna sila Mamang at Papang. Okay lang po na mahuli po ako sa pag-aaral.” “Hindi ka pweding huminto Diamond, sayang ang taon.” Kontra naman ni Marening. “T‘yang naman, hindi naman po tatakbo ang paaralan. Andyan lang naman po yan naka tirik gaya nito.” Ani Diamond sabay pinatirik sa mata nito na ikinatawa ng mga kasamahan ng mga ito. “Loko ka talagang bata ka! Ganito nalang, lebri naman ang tirahan nila Hilda at Gina dito bigay ni Amo. Pati ako ay may kwarto rin din dito sa itaas ng gusali, ikaw nalang ang gagamit nung kwarto ko, Mag working student ka nalang. Habang nag aaral ka ay mag tatrabaho ka rin dito pag tapos ng iyong klase.” Mongkahi ni Marening na ikina saya ni Diamond. “Segi segi ba! Payag ako d’yan. Oh! Ano Mang payag ka? Payag kana Mang, dito nalang ako sa bayan mag-aaral. Ani Diamond na ikina tango na lamang ng ina nitong si Lea. “Yeyz! Salamat Mang, promise Mang mag aaral ako ng mabuti para sa atin.” Ani Diamond. Nag patuloy na sila Diamond sa naiwang gawain, gaya ng pag lalagay ng mga damit sa malaking makina at pag pa’plansta sa mga natapos nang labahan. Sumapit ang alas singko ng hapon ay natapos na ang lahat ng kanilang pag lalaba at pag pa’plantsa. Hinintay nalang ang pag dating ng mga costumer para kunin Ang mga pinalabhan sa kanila. Nang makuha na ang lahat ng kanilang costumer ay nag ligpit na at nag linis na sila sa kanilang mga ginamit at Saktong alas syete ng gabi ay Malinis na ang buong shop Kaya naman ay binigay na ni Marening ang sahod sa kada isa sa kanila. Laking tuwa ni Diamond nang ma hawakan ang sinahod nitong isang daan at limampung piso. Ito ang ka una-unahang pera ni Diamond na galing Mismo sa sariling sikap. Ang laki-laki Mang, may pera na ako, may pera na tayo Mang. Masayang wika ni Diamond na parihong ikinatawa ng mag kapatid na Lea at Marening habang ang mga ito ay nag lalakad patungo sa sakayan ng habal-habal. Ngunit sinabi ni Diamond sa Ina nitong si Lea na gusto nitong bumili ng ulam para sa mga kapatid at Papang nito ay pumasok muna Ang mga ito sa loob ng palengki at sunod-sunod lamang ang dalawang mag kapatid sa mga pinupontahan ni Diamond. Bumili ito ng lutong pansit saka adobong manok at tinapay. Makikita sa mukha ng dalagita ang kasiyahan sa mga pinamili nito para sa mga kapatid at Ama. Kahit na simpleng bagay lamang iyon ay mahalaga iyon para Kay Diamond. Matapos maka pamili ay agad na silang lumabas at sumakay sa habal-habal. Maka raan ang halos bente minutos ay naka rating din sila sa bungad ng Kani-kanilang bahay. “Lea, Diamond? Bukas ulit ha?” Ani Marening sa mag-ina. “Segi ate.” Tugon ni Lea sa nakakatandang kapatid. “Sama ba ako ulit Tiya?” Tanong naman ni Diamond sa Tiyahin nito. “Oo naman, diba nga gusto mo maka pag aral dun sa bayan?” “Ay! Oo nga pala nakalimutan ko.” Wika ni Diamond at Napa Hawak pa ito sa sariling no-o. “S’ya segi na at Ako’y mag papahinga na.” Ani Marening at nag lakad na patungo sa sarili nitong bahay sa di kalayuan. Mag ka layo-layo ang mga bahay sa kanilang sitio at hindi kagaya sa ibang sitio na mag kalapit ang mga bahay. Sa kanila kasi ay hindi pa gaano na develop kagaya ng sa iba, at ang sitio nila ang pinaka dulo sa lahat ng sitio kaya kaunti lamang ang mga naka tira doon. Walang kahit na ano sa kanilang sitio kundi tindahan lamang at paaralan ng kindergarten na gawa lang din sa kawayan. At sa tindahang iyon ay ang mga palagiang mga nabibili lamang sa pang araw-araw ang laman. Kagaya ng mga Sibuyas, Luya, Kamatis mga pansahog Tinapay mga karaniwang binibili ng mga bata na mga kendi at bubble gum, mga chichirya, walang daing ata tuyo dahil sila mismong mga nakatira sa sito ay gumagawa pang ulam kapag maraming kuha ang mga mangigisda na maliit na bangkang de sagway. Maliban doon ay wala na. “Nang maka pasok na sina Diamond at ina nito sa tarangkahan ng bahay ay agad na sinalubong ang mga ito ng mga nakakabatang mga kapatid ni Diamond at nag Mano sa kanilang ina. “Alexandrite, Zircon. May pasalubong ako sainyo.” Naka ngiting wika ni Diamond sa mga ito. “Wow! Talaga ate? Ano po pasalubong n’yu?” Wika naman ni Zircon. “Secret!” Pambibitin naman ni Diamond na ikina usli ng mga kyut na labi ng dalawa. “ Tara sa kubo at mag hapunan na tayo..” wika ni Lea sa mga anak at nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa marating ng mga ito ang kubo kung saan sila palaging kumakain. Ito ang nag sisilbing dining area ng pamilya. Na datnan nina Diamond ang kanilang Papang na naka upo sa pwesto nito at malayo ang tingin, hindi rin nito na pansin ang kanilang pag dating. Tipo ba may malalim itong ini-isip. “Pang!” Sigaw ni Diamond dahilan ng pagka gulat ni Narri. “O! And’yan na pala kayo.” Ani Narri saka tumayo at iginiya ang asawa nitong si Lea para maka upo sa tabi nito. Si Diamond naman ay nag Mano sa Ama saka inilapag sa munting lamesa ang mga biniling pasalubong. marami din ang takal ng Bente Pesos na Pancit kaya kakasya talaga sakanilang pamilya ito may Tatlong hiwa pa ng adobong Manok. Hindi nag tagal ay dumating din si Ruby at Peridot na may dalang pag kain na niluto ng mga ito para sa hapunan para sa kanilang Buong pamilya. Tanging ginisang kangkong na nilagyan lamang ng isang latang Sardinas ang kanilang ulam, mabuti nalang at bumili si Diamond ng bali benting pansit saka Tatlong pirasong Manok na adobo. Tumayo naman si Diamond at nag tungo sa kusina para kumoha ng dalawa pang plato, at ng inilagay na nito sa lagayan ang mga pinamiling ulam ay ganun nalang ang sigaw ng mga kapatid nito sa tuwa. Sigaw ng sigaw ang mga mag ka kapatid sa nakitang naka hain sa hapag. Pinag hati-hatian ng lahat ang tatlong pirasong manok at ganun din ang pansit. At Masayang nag salo-salo ang buong pamilya. “Sana lagi kang may pasalubong na ganito ate Diamond.” Wika ni Zircon habang puno ang bibig nito kaya naman ay Napa ngiti si Diamond dahil sa sayang nakikita sa mga kapatid nito. “Oo ba! Ano ang gusto n’yu para bukas na ulam sa gabi?” “Sinabawan na baboy” panabay na wika ni Ruby at Peridot. Gusto namin maka tikim nun ate, sabi kasi nila Bebe masarap daw yung sinabawan na baboy. Dagdag ani pa nito. “Segi bukas, sinabawang baboy ulam natin sa hapunan.” Masayang anunsyo ni Diamond na ikina sigaw ng mga kapatid nito. Kaya naman ay Napa ngiti ang mga magulang nila na naka tingin sa kanila. Salat man sa yaman ay mahal ng mga ito ang isat-isa. Matapos kumain ang buong pamilya ay nagsi pasok na ang mga ito sa kanilang tahanan. Napaka simple lang ng bahay nilang pamilya. Tanging kurtina lang ang nag silhing takip at harang para sa nag sisilbing kwarto ng mga ito at sala. Walang kahit na among gamit O sala set ang bahay ng mga ito. Wala rin Tv o kahit na maliit na radyo at tanging lampara lamang ang gamit ng mga ito. Bago na higa si Diamond sa kanyang pwesto ay ibinigay muna nito sa ina ang subra sa sinahod nitong isang daan. “Itago mo yan anak, sahod mo yan at pinag trabahuan. Maron din naman ako kaya saiyo na yan, hindi ba sabi mo gusto mong mag aral? Ipunin mo para may Pambili ka ng gamit mo.” Mahabang salaysay ni Lea sa anak nito. “Mang naman, marami pa hong araw Mang. Saka sa susunod na lingo na lang ako mag iipon pra sa pang aral ko, ang sa ngaun po ay para po muna sa mga kapatid ko. Idagdag n’yu na po ito para sa mga kailanganin nilang gamit sa skwela” Mahabang paliwanag din ni Diamond sa ina nito. Walang na gawa si Lea kundi tanggapin ang binigay ng anak nitong si Diamond, may punto rin naman ito kaya tinanggap nalang ang perang ibinigay para sa mga kapatid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD