Chapter 1

1342 Words
hindi po muna ako mag aaral, promise po yan mag ta trabaho po muna ako.” May paninindigang wika ni Diamond sa ina nitong Lea. “Huwag mo akong ma promise promise Diamond baka ipasok kita sa sako at ibitin patiwarik.” Pag babanta naman ni Lea. “Ah basta Mang, hindi muna ako mag aaral mga kapatid ko na lang muna, kahit pa ibitin n’yu pa ako sa puno nang malonggay okay lang.” ani Diamond na ikina tawa nilang mag Nanay. Habang nag uusap na may kasamang biruan ang mag-ina ay s’ya namang dating ng kapatid ni Lea na si Marening. “Lea! Lea! Sigaw nito sa labas ng tarangkahan nila. “Pasok ka ate Marening.” Pag aaya naman ni Lea sa nakakatandang kapatid. “Kulang kami sa Tao sa Laundry, baka gusto mong mag extra, sayang din ang sahurin nyu sa isang araw.” Ani Marening. “Mag kano po ba ang sahod Tiya Marening?” Agarang tanong naman ni Diamond sa Tiyahin nito. “Isang daan at limampung piso ang sahod kada araw.” Ani Marening. “Segi ate papasok ako, ano po bang Oras mag simula ang trabaho?” Ani Lea. “Alas nuebe ng umaga ang pasok Lea.” Ani Marening. “Tiya Pwede po ba ako?” usisa naman ni Diamond. “Oo naman, sa totoo lang dalawa ang kailangan ko, mabuti nalang at nag presenta ka Diamond. Hindi na ako mahihirapan pang mag hanap ng isa pa.” “Yehey! May trabaho na ako! Yohoo!..” biglang sigaw ni Diamond sa subrang tuwa. Pati ang mag kapatid ay Napa ngiti rin sa inasal at tuwa ni Diamond. “Daanan ko kayo dito bukas ate. Mag handa kau.” Ani Marening bago nag pa alam sa kapatid na uuwi na sa bahay nito. Sa hindi kalayuan. Pa minsan-minsan lang umuuwi ang kapatid ni Lea na si Marening dahil sa trabaho nito sa bayan ay bukod tanging nag-iisa lang ito dahil hindi na ito naka pag asawa. At wala rin itong Anak. Hindi dahil sa mapili si Marening sa lalaki, kundi, dahil sa takot na itong Ma saktan pang muli. Kinaumagahan ay maagang gumising si Lea at Diamond. Alas singko pa lang ng umaga ay nasa dalampasigan na ang mag-ina. Kahit na may kalakihan pa ang karagatan ay nag simula na ang dalawa sa pag hahanap ng mga kinason. Kaya ng mag si datingan na ang iba pang mga kasamahan ng mga ito ay s’ya namang tayo ng mag-ina para maka uwi na at mag hahanda para sa paghahanda sa una nilang trabaho sa bayan, Kahit papano ay may nakuha naman ang mag-ina kaya agad na nilinis ng mga ito ang nakuha at madaliang ni luto. Saktong tapos na sa pag kain si Lea at Diamond ay s’ya ring dating ni Marening sakay ng habal-habal. Nagpa alam muna ang mag ina sa mga naiwan sa tahanan ng mga ito at binilinan Ang pangalawa sa nakakatandang kapatid na si Ruby na bantayan ang kanilang munting bahay at ang mga maliliit pa nitong mga kapatid. “ Ruby? Huwag mong kalimutan ang mga ibinilin ko sayo ha! Ang mga kapatid mo Ruby, ikaw din Peridot. Bantayan mo mga kapatid mo, saka hainan ninyo Papang n’yu pag dating galing bukid. “Opo Mang.” Panabay na sagot naman ni Ruby at Peridot sabay kaway sa pa paalis ng habal-habal. Si Diamond naman ay napaka laking ngiti ang naka paskil sa mga labi Oras ng maka sakay ito sa habal-habal. Tuwang-tuwa ito at naka limutan na ngang mag pa-alam sa mga kapatid. Pano ba naman ay ma bilang lang sa daliri nito kung ilang beses pa lang ito naka sakay sa habal-habal dahil bilang lang din sa daliri ang pag punta sa bayan. Kahit na nag aaral sila ay nag lalakad lang silang mag kakapatid kahit na may pag ka malayo ang pina pasokang paaralan ng mga ito sa kabilang sitio. Salat sa yaman ang Pamilya nila pero kahit pa’pano ay nakaka kain naman sila tatlong beses sa araw-araw. Suot ang lumang sandalyas at ma pusyaw ng dress ay Hindi na pigilan ni Diamond na umikot-ikot ng marating ng mga ito ang bayan at maka baba ito ng habal-habal. “Wow! Ang ganda talaga dito sa Bayan Mang, Tiyang.!” Naka ngiting wika ni Diamond. “Maganda talaga dito pamangkin, marami ng mga establisyeminto, Hindi kagaya dati na ang tahimik ng bayang ito. Ngayun ay iba na dahil may malaking Shopping Mall na at mga restaurants. May mga Hotels and Bar na rin.” Naka ngiti ring tugon ni Marening. “Halina kayo Lea” pag aaya ni Marening sa mag-ina. Nag lakad lang ng kaunti ang mga ito at na rating din ang pina pasokang Laundry shop ni Marening. May na datnan ang mga ito ng dalawang babae na naka tayo sa labas ng naka sara pang shop, at ang mga iyon ay mga kasama nila. “Hay! Sa wakas dumating ka rin ate Marening.” Wika ni Hilda. Ang isa sa kasama nila sa Laundry. nang ma buksan na ni Marening ay agad silang nag si pasok at ipina kilala naman ni Marening ang ate leah nito at pamangking si Diamond sa dalawa nitong kasama na sina Hilda at Gina. Matapos ang pag papakilala sa isat-isa ay nag simula na sa pag lilinis ang lahat sa mga kagamitan sa loob. Maya-Maya lang ay may nagsi datingan ang mga costumer. Nag iisa lang ang naturang laundry shop sa kanilang bayan kung kaya’t sa kanila ang lahat nagpapa laundry ng mga damit. Mga kubri Kama at iba pa. May sampung nag lalakihang washing machine sa pinaka loob ng shop kung saan nila nilalabhan ang lahat ng pinapa laba ng mga costumers nila. May tig limang naka helirang malalaking washing machine ang dalawang sulok, sa area’ng iyon. Tulongan sina Lea, Diamond, Hilda at Gina sa pag lulunod ng mga labahin sa nag lalakihang makina. Samantalang si Marening ay nasa kahera naka upo at naka bantay. Si Marening din ang tumatanggap ng mga nag papa laundry at kapag wala pang costumer ay tumutulong ito sa pag pa plansta ng mga natapos na labahan. Lebri ang pamasahi nila pa punta sa trabaho at pa uwi kaya hindi na sila Lugi sa sahod nilang isang daan at limampung piso dahil lebri rin ang tanghalian at meryend nila. Mabuti nalang at mabait ang kanilang amo. Nang Matapos na ang lahat sa pag lunod sa malalaking washing ay kinuha na ng mga ito ang mga na tapos na at nag lagay na naman ng panibagong mga labahan. Habang nag hihintay na matapos ang pangalawa nilang nilunod ay nag plansta na naman ang mga ito ng mga kakakuha lang na mga damit. Hindi na pansin ng mga ito na natapos na ang pag pa plansta. Hindi rin naka ramdam ng pagod si Diamond at Leah dahil sanay naman ang dalawa na mag bunot ng buto. Agad na nag meryenda silang Lima at nag hihintay na lang sa pangalawang batch na matapos. ngunit Maya-maya lang din ay may mga dumating na namang mga costumer. Hindi naman agad-agad na kinukuha ng mga customers ang mga pina labhan sa kanila dahil halos lahat ng mga ito ay mga trabahanti rin Kaya halos lahat ay alas sais ng gabi na kinukuha ang mga labahan. Subrang ingat ng mag-ina sa pag gamit ng plansta dahil hindi sanay ang mga ito sa planstang de kuryenti at baka hindi ma control ang init nito at maging dahilan ng pag ka sunog ng mga damit. May plansta naman sila pero yung planstang kabayo kung tawagin. Nilalagyan iyon ng uling at may kabigatan rin, doon sila sanay sa pag gamit ng plansta. “Hala ang saya pala ng trabahong ito Tiya.” Ani Diamond na ikina ngiti lamang ni Marening. “Oo naman. Masaya at marangal. Naka ngiting wika ni Marening. “Pwede bang dito naku mag trabaho hanggang nandito ka Tiya?” Ani Diamond na ikina tigil ni Marening sa pag lilista. “Hindi ba malapit na pasokan ninyo Diamond? Mag Grade 11 kana diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD