Diamond
Pagdating namin sa tapat ng Laundry na may Apat na palapag ay bumaba naman ang driver ng mag pinsan, umikot sa kabilang side para buksan ang pinto, inabot ko ito kanina para buksan ngunit pinigilan ni Aireen ang aking kamay, nilingon ko pa ito ng may pagtataka ngunit ngiti lang ang naging tugon nito.
Maraming salamat po manong sa pag bukas ng pinto, pasasalamat ko sa driver nila at yumoko pa ako senyalis ng pag galang. tinuro sa amin ng aming mga magulang na kapag mag pasalamat O ang humingi ng paumanhin ay dapat na yumuko ng bahagya.
"Walang ano man neng". ani ng driver at bahagya ring yumuko.
hinintay ko munang maka alis ang sasakyan ng magpinsan bago ako pumasok sa entrance pa aakyat, kumaway pa sa akin ang dalawa ng dahan dahang umandar ang sasakyan ng mga ito kaya kinayawan ko rin sila.
Agad akong nag hubad ng uniporme at nilagay sa maliit kong basket saka nag bihis ng sando at short hanggang tuhod, kinuha ko rin sa ilalaim ng aking kama ang sabon at fabric conditioner na nabili ko nakaraan sa groserya malapit dito. may malaking banyo kami sa loob lang din ng aming kwarto kaya agad ko ring nilabhan ang aking uniporme, kasama ang damit na hinubad ko kanina at ng matapos ako sa pag lalaba gamit lamang ang aking mga kamay ay dinala ko agad sa veranda para patuyuin, may mga damit rin nila ate Hilda at Gina na naka sampay sa maliit na sampayan na ginawa nila.
"Matutulog kana Kinang"? ani ate Hilda.
"Opo ate para may lakas bukas sa Laundry". ani kong naka ngiti.
"Hindi ka pa naman kumain ah, mag hapunan ka muna, may tinirakami para sayo diyan na Adobo saka kanin" si ate Gina.
"Kumain po ako sa paaralan ate, aalas Otso ang breaktime namin at kanin saka Chopsuey na ang inorder ko, para hindi na ako kakain pag dating dito, at magawa ang mga dapat gagawin saka hindi ma gahol sa oras.
"Nako kainin mo yan tiyak maguguto ka mamaya, maliit lang naman ang serve ng mga pagkain sa mga Canteen ng paaralan". si ate Hilda.
"Segi po ate, mamaya maya po, kapag nagutom ako."
"Kumain kana ngayon Kinang, mag aalas Onse na ng gabi. huwag ang magpapagutom, mag pupuyat ka pa bukas sa Laundry, saka sa ngayon alam namin na hindi pa masyado mapuyat sa school niyo kasi simula palang ng pasukan, pero kapag nasa kalahitnaan niya tiyak na mapapagod kana ng husto niyan, mas maganda nalaging handa ang iyong katawan ano man ang mangyari". pangaral ng dalawa sakin,
wala na akong nagawa kundi ang kainin ang tinira nila saking pag kain, sa totoo lang ay naka ramdam din naman ako ng gutom, ngunit tiniis ko lang dahil nasanay naman ako saamin na tinitiis ang gutom kapag nagutom sa gabi, lalo na pag hindi sap
at ang hapunan namin.
tumayo na ako at binuksan ang naka takip sa maliit naming lamesa saka kumain, pagka tapos ay agad ko ring hinugasan ang aking pinag kainan. makalipas ang Bente minutos ay saka ako nahiga para matulog, nagpababa muna ako ng kinain iwas bangungot, mahirap na hindi ko pa naman na tikman ang Heaven's Dessert. ayyyyyy sabi ng magpinsan ay Heaven's Dessert ang term nila sa ano , hmmnn alam niyo na yon .
as usual sa naka sanayan maaga akong nagising. alas Sais palang ay gising na ako ngunit hindi pa ako bumangon agad, nag dasal muna ako, pasalamat sa poong may kapal para sa panibagong umaga, naway bigyan kaming lahat ng malusog na pangangatawan at buhosan ng grasya at ilayo sa mga masasa at disgrasya at gabayan sa pang araw araw na gawain. alas Sais trenta ay tumayo na ao para maligo nag init narin ako ng tubig para maka pag kape. nagising naman ang Dalawang ate dahil sa ingay na gawa ng electric kettle.
"Ang aga mo yata nagising Kinang". si ate Hilda.
"Opo ate, nasanay na kasi akong gumising ng maaga, kahit pa late akong matulog sa gabi". ani'ko.
"Ay taray at naka ligo kana rin" si ate Gina, naka ngiti itong naka tingin sa akin kaya nginitian ko rin sila, bangon na po at mag kape tayo. agad na nagsibangon naman ang Dalawa, na upo pa ang mga ito sa kani kanilang kama, sinama kuna silang etimpla ng kani kanilang kape.
"Maraming salamat Kinang". panabat na wika ng Dalawang ate. masaya kaming nag kape bago bumaba para hintayin ang pag dating ni t'yang Marening at ni mamang. ngunit hindi na kami nag hintay pa ng matagal dahil maagang dumating ang Dalawa.
Agad kaming nag linis at sinalansa ang mga damit na naka pila para labhan.
"Ang aga niyo namang nag simula, mag kape muna kayo". ani T'iyang Marening.
"Tapos na po ate Neng, maaga gumising itong si Kinang at nag timpla ng kape at sinabay pa kami ni Hilda, kayo nalang po ni ante Lea". ani ate Gina.
Naka pag simula kami ng maaga. hinayaan na naming maka pag kape muna sina T'yang at Mamang. ng matapos ang ako sa pag plantsa at sumapit ang alas Kwatro ng hapon ay agad na akongb pina akyat ni T'yangb para maka pag pahinga daw ako, para sa pag pasok ko mamaya sa paaralan, hindi na ako nag reklamo, matapos kong masalansa ang aking mga pinlantsang damit ay lumabas na ako sa shop at umakyat, sinabihan ko rin kanina si mamang na umakyat muna bago umuwi at para narin gisingin ako bandang alas Sais, wala pa naman ako selpon pang alarm, mahirap na baka deretso ang aking pag tulog absent pa ang kinalabasan ko pag nagkataon.
umakyat nga si Mamang bandang alas Sais saka binigay ang aking sweldo, sabi ko sa kanya na sa kanya na iyon at may natira pa akong pera, para nalang yon sa mga kapatid ko, pero hindi pumayag si Mamang kaya kinuha ko nalang ang Singkwenta, iipunin ko nalang ito para makabili ako ng selpon, importanti din para sa aking pag aaral lalo na sa mga research.
"Mag iingat ka Diamond ha, huwag mag barkada sa paaralan, mag sikap ka anak para sa kinabukasan mo." ani Mamang.
"Opo Mang, ikaw din po mag iingat palagi, ikamusta mo po ako kay Papang at sa mga kapatid ko po".
"Siya segi. pumasok ka muna sa Shop pagkatpos mo dito ha, magpa alam ka muna sa tiyahin mo",.
"Opo Mang". sagot ko bago lumabas si Mamang at tinungo ko naman ang banyo para makapag hilamos at sipilyo.
agad akong bumaba matapos angb orasyon ko sa taas, bitbit ang maliit kong backpack bag, sakto lang ang isang binder notebook isang pad ng sticky note ballpen case na may Tatlong ballpen at isang lapis, may naka topi rin akong launtng yellow pad, just in-case.
"Mang, T'yang, tawag ko sa mga ito ng maka pasok.
"Oh, papasok kana "? si Tiya.
"Opo t'yang, si mamang po?
"Nasa likod, puntahan mo at maka pag paalam kana rin, nandoon din sina Hilda at Gina, inayos ang mga basket at damit.
Agad akong pumasok at tinungo ang labahan at nagpa alam sa kay Mamang at sa Dalawang ate.
nilakad ko ulit ang paaralan, hindi naman gaano ka dilim dahil sa mga street lights saka marami ring estudyante ang nag lalakad kaya hindi nakakatakot mag lakad, lalo na pag uwian maraming rin ang nag lalakad na mga estudyante.