Diamond
"Sabado ngayun kaya maaga ang pasok ko sa school, since walang pasok ang Señior high ay si Ruby ang papalit sakin sa shop, napag usapan na namin ito nila T'yang at Mamang, nang makita ko si Ruby ay agad kong naalala ang tanong sakin ni Sir Dark kaya hinila ko ng bahagya si Ruby at tinungo namin ang likod ng shop,
"Bakit ate? may pagtatakang tanong sakin ng aking kapatid.
"bakit kilala ka ni Sir Dark? walang paligoyligoy kong tanong, tutok na tutok rin siya sakin at wala akong nakikitang pagka gulat, seguro ay nasabi na ito sa kanya ni Sir Dark.
"Boyfriend ko po siya ate". deritsong sagot din nito sakin ngunit naka yuko.
"Saan mo siya nakilala? saan kayo nagka kilala?" gulat at nagugoluhan kong tanong, hindi naman kasi naga gala ang mga kapatid ko, saka wala kang magagalaan sa aming lugar, wala rin naman akong nakikitang dumadayo roon, saka after school ay hindi na lumalabas ng bahay mga kapatid ko, kaya paano nagka boyfriend ito, saka hello!! guro pa ang naging nobyo, hindi inalang-alang talaga, walastik rin mamili ang kapatid kong ito.
hinawakan ko ang kamay niya saka pinangaralan.
''Okay lang na mag boyfriend ka Ruby basta huwag mong pababayaan ang iyong pag-aaral." ani ko.
agad rin itong tumango, nagulat pa ako ng niyakap ako nito.
"Saan mo pala nakilala si Sir Dark Ruby?" hindi ko napigilang itanong sakanya. nakita ko ang bahagya nitong pag ngiti, halatang kinilig ang lintik. nahawa narin ako sa kanyang ngiti kaya hindi ko rin napigilang ngumiti.
"Isa po siya sa may-ari ng paaralan, isa siya sa mga shareholders ng "Lonzaga Señior High". napa isip ako. sa pagkaka alam ko ay "Lonzaga University lang ang meron dito sa bayan, pinaka mahal na paaralan dito, ngayon ko lang narinig na may Señior high na pala. pang matalino lang din kasi doon, saka pang mayaman, kung mayaman ka tapos bobo hindi karin makakapasok doon, grades ang basihan nila hindi pera pera lang, gusto ko nga sana doon pero huwag nalang pala hindi kaya ng utak ko, baka ma stress pa ako at hindi makatapos sa pag aaral. itong si Ruby ay Schoolar saka ang talino, laging High honor at First section.
"Siya nga pala ate kinamusta ka pala ni Jerelyn at Dailyn, ikaw lang kasi ang wala daw doon sa Lonzaga University." ani Ruby.
kaya bigla akong nalungkot, kaibigan ko ang dalawa ngunit hindi kami sa iisang paaralan nag aaral, magkasama sa bukid ang aming mga magulang. si Papang saka mga magulang rin ni Dailyn at Jerelyn, at doon kami sa bukid naging magkaibigan at nagkakilala ng minsan akong sumasama kay Mamang para mag hatid ng pananghalian ni Papang..
"Regards mo nalang ako sa Dalawa pag magkita kayo ulit. saka pag may time sila punta nalang sila dito sa shop." ani ko na ikinatango rin nito.
"Segi ate". agad ring sagot nito, tatalikod na sana ako ngunit bigla nitong hinawakan ang aking kamay.
"Ate, huwag mo po sana sabihin ito kina Mamang at Papang". ani Ruby na may lungkot sa mga mata kaya tumango ako.
"Basta ang bilin ko sayo Ruby, tandaan mo, saka huwag maging mapusok, ang bata bata mo pa, huwag agad bumikangkang ha". ani ko na ikinalaki ng mga mata nito.
"Ate naman ni halik nga hindi pa nakatikim bikangkang agad". sagot naman nito agad. kaya napangiti nalang ako saka sabay na kaming bumalik mula sa likod.
"Ano pinag usapan ninyo sa likod anak?" ani Mamang kaya nagulat kami parihas ni Ruby.
"Wala naman mang, pinakita ko lang sa kanya ang likod dito saka tinuroan sa mga dapat niyang gawin." pagsisinungaling ko kay Mamang.
"Ah, mabuti kong ganun." ani Mamang na naka ngiti sa amin ni Ruby.
"Alis na po ako Mang". paalam ko kay Mamang, ngunit hinatid ako ng mga ito sa labas, nagulat pa ako ng may naka paradang sasakyan sa labas, bumukas ang bintana at sumilip ang dalawang Ulo ng mga singkit kong kaibigan, naka ngiti pa ang mga ito.
"Good Morning, Diamond," bati ng mga ito na naka ngiti, kaya napa ngiti narin ako.
"Nagulat rin pala sila Mama at Ruby ng tingnan ko ang mga ito ay nanlaki rin ang mga mata". mga ka klase at kaibigan ko po Mang, si Jinky At Aireen". pakilala ko sa mga kaibigan.
"Magandang umaga po Titah". bati rin ng Dalawa.
"Magandang umaga rin sainyo". ani mama.
"Is she your sister? The one that Prof. Dark asked you about?" ani Jinky , nang lingunin ko si Ruby ay nanlaki ang mga mata nito at napatingin saakin. kaya tumango nalang ako at dagling nagpa alam kay mamang, baka kung saan pa mapunta ang tanungan, ipapaliwanag ko nalang mamaya kung bakit ako sumakay sa sasakyan na ito mamaya pagka galing sa skwela.
pagka pasok ko ay agad nag usisa ang dalawa.
"Ang ganda ng kapatid mo Diamond, artistahin saka subrang kinis, mas makinis pa sayo". ani Jinky
"Oo nga, ang puti niya saka ang Ganda talaga, nakaka tomboy". singit naman ni Aireen, kaya binatukan ko ito ng mahina lang.
"Siya nga pala, tinanong mo ba ang kapatid mo kung bakit kilala siya ni Prof.?" si Jinky, may pagka chizmosa rin ang isang to.
"Oo nga, " singit rin ni Aireen, isa din to eh mag pinsan talaga mga kwakang na'to.
"Ang aga niyo naman maki chizmiz mga kwakang". ani kong natatawa. natawa ako sa reaction ng mga mukha nilang dalawa, nanliit ang mga mata saka umismid ang maliliit nilang mga labi.
"Anong kwakang?" panabay na tanong ng mga ito kaya napa halakhak ako.
"Wala sabi ko mga kyut ang kyut niyong dalawa."
"Ah" nag kuro na naman sa pag sagot.
"Ang kyut ng 'KWAKANG" yan nalang tawagan nating tatlo." biglang sabi ni Aireen kaya nabilaukan ako ng sarili kong laway, gusto kong humagalpak ngunit pigil na pigil ako baka malaman nila agad na binola ko sila.
"Nuh! kayo lang dalawa kasi bagay sainyo. ang ko'kyut ng mga mata niyo, kompara sa malaki kong mata. dagli kong depinsa".
"Maganda naman hugis ng mga mata mo Diamond, parang Almond na inaantok." ani Aireen.
"Oo nga Diamond, parang nag mamakaawa ang mga mata mo." gatong rin ng isang kwakang na si Jinky.
Bago bumaba ay nagpa salamat muna ako sa Driver nila Jinky, dahil sa pagdaan nila sa akin sa shop kahit hindi naman nila Obligasyon iyon, ngunit sinabay nila ako at nag hintay sa akin sa labas.
Pag dating namin sa room ay marami ng studyante, hindi pa nga uminit ang pwet naming Tatlo ay agad kaming napa tayo ng pumasok si Prof. Dark busy ito sa selpon habang papasok at naka ngiti, kaya napa taas ang aking kilay.
"Good morning, students". bati nito ng mailagay ang selpon nito sa lamesa niya.
"Good morning Prof. Dark." bati rin naming lahat dito.
"Pass your assignment and will check it." ani'to saka tumayo ito sa harap ng kanyang lamesa. matapos namin ma pasa ay kinulekta nito agad ang mga papel saka pinag ramble ang mga papel saka binigay isa-isa sa amin. tinitingnan pa nito mga pangalan bago binigay. para daw hindi papel ng mga magkakatabi at walang dayaan, baka palitan daw ang mga sagot. terror dn ang isang to.
Matapos ma check ang assignment namin ay pinakuha kami isa isa ng bond papaer na bitbit nito kanina.
"Basahin at pag aralan niyo yan dahil diyan ako kukuha ng quiz ninyo para bukas.". ani Prof.
Tahimik kaming nag babasa ng marinig namin ang boses nito, mahina lang naman, yung tipong seryoso talagang pag uusap.
"Hello babe," rinig naming boses ni Prof. kaya napa angat ako, ganun rin pala ang dalawang kwakang dahil siniko ako ng dalawa, magkabilaan talaga, buti nalang wala akong sinusulat kundi kuris ang aabutin ko pag nagka taon.
narinig rin pala ng dalawa si Prof.
parang walang studyante sa harap niya naka all smile pa, sana all talaga may babe, ani ng aking isip.
"Nasa Laundry kana ngayon? rinig kong ani ni Sir sa kausap kaya biglang nag pantig ang aking tenga, wala kaming selpon, hindi pa ako naka bili, imposebli namang bibilhan ni mamang or ni Papang ng selpon si Ruby, wala kaming pambili. saka gusto ni papang na huwag muna gagamit ng selpon at mag focus muna sa pag aaral.
"Nanlaki ang aking mga mata, pagka rinig ko sa sinabi nitong laundry, so, walang iba kundi ang kapatid ko ang kausap nito, sana lang ay hindi niya dinidisturbo si Ruby sa oras ng klase, tanungin ko nga rin iyon mamaya about sa selpon.
"Dadaan ako diyan mamaya mag papalaundry ako." naka ngiti pa ang hayof, hindi na ako naka pag basa dahil nakikinig nalang ako sa usapan nila ng kapatid ko.
" No, babe, i just want to see you, i missed you already." ani Prof. kaya bigla akong napa ubo. agad namang hinampas hampas ng dalawang kwakang ang aking likod na ikinagulat ko lalo, pati ng mga kaklase namin. bwesit naman ang dalawang to, matatagtag yata baga ko nito.
"Wow naman kayo maka hampas sa likod ko, ang sakit". reklamo ko sa mga ito, ngunit ngiti lang ang binalik sa akin.
taga saang Planeta ba ang dalawang to. tanong ko sa sarili, ang lakas maka hampas, akala mo naman naka lulon ng kung ano. nang lingunin ko si Prof. ay naka baba na ang selpon nito at nag babasa na ng Libro. bwesit rin to eh.