"She's unconscious. Nakadilat lang siya pero parang natutulog pa rin." Saad ng nag-aalalang Doctor kay Aling Rosing. Hindi maiwasang magtaka ng matandang babae. "Posible ba yun, Doc?" "Yes. Lalo kung traumatic ang pinagdaanan niya. Stress siya masyado. Mabuti na lang at malakas ang kapit ng baby niya. Kung sa iba lang baka nakunan na siya." Malungkot na napasulyap si Aling Rosing sa kaniyang anak. May luhang bumabagsak sa mga mata nito. Sobra siyang nag-aalala lalo pa at nakadilat naman ito. "Salamat, Doc. Magiging maayos pa naman ang anak ko, 'di ba?" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Oo naman, Aling Rosing. Tamang pahinga at siguro ay kailangan niya na rin therapy para maka-move on siya ng mabilis sa mga nangyari. Sa palagay ko kasi, nahihirapan siyang tanggapin ang laha

