KABANATA 105: BALINTATAW

1320 Words

Hindi makapaniwala si Rosana na masasaksihan niya ang parehong pagkawala ng dating mga tunay na kaibigan at parehas na minahal ng totoo. Sapo niya ang bibig sa labis na pagkagulat. Hindi siya makahuma, ang akala niya kanina ay mamamatay na siya sa kamay ni Andres, pero ito pala ang babagsak sa paanan niya habang naliligo sa sariling dugo. Pakiramdam ni Rosana ano mang oras ay mawawala na siya sa katinuan. Sinapo niya ang buong mukha at nanghihinang napaupo sa tapat ng bangkay ni Andres. Mabilis namang lumapit sa kaniya ang mga pulis. "Okey ka lang ba, Ma'am?" Rinig niyang tanong ng isa sa kaniya. Umiling siya. Hindi siya okey, kailanman ay hindi na magiging maayos pa. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat. Ganoon ba talaga kalala ang ginawa niyang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD