"Narito ho ako sa malaking bahay." Kahit hindi naman tinatanong ay tugon ni Rosana. Umaasa siyang mauunawaan iyon ng kausap niyang Pulis. "Ano?! That peace of s**t! Ok, we're on our way!" Dagling tugon nito saka inutusan ang mga kasamang magmadali. Nakahinga nang maluwag si Rosana ng tila maunawaan nito ang sinabi niya. Hinarap niya ng buong tapang si Andres. "Disappointed?" Nakangising tanong nito sa kaniya. Namayat, humpak ang pisngi at halatang pinabayaan niya na ang sarili. Napakalayo sa Zandro na nakilala niya ilang buwan lang ang nakakaraan. Nangangalumata din ito at halos luwa na iyon. Nakakatakot ang kabuoan ng hitsura ni Andres. Hindi na pinili pang magsinungaling ni Rosana. Galit niya itong tinitigan. "Sobra," ani Rosana habang titig na titig sa kaharap. Mas lalo pang ngumi

