Walang magawa ang kanyang pamilya kung hindi ang panuorin siyang magluksa at madurog. Bilang isang ina at asawa, ang hiling ng puso niya ay makasama kahit sandali ang mga ito. Wala siyang paki-alam kung sa panaginip man, ang importante, mayakap at maka-usap niya ulit sila.. Gaya ng panaginip niya noong nakaraang gabi... Pero wala.. Wala ng naulit na magandang panaginip. Tahimik niyang pinagluksaan ang lahat. Mabigat at puno ng lungkot ang kaniyang puso at isipan. Madalas siyang tulala at walang gana kumain. Mabuti na lang at nandiyan ang kaniyang pamilya para gabayan siya. Hindi siya sinusukuan ng mga ito gaya ng palagi din nilang sinasabi sa kanya. Tuloy ang buhay.. Pero para kay Rosana, wala ng silbi pa iyon. Pinahihirapan niya ang sarili. Gustong-gusto niyang sumunod na sa asawa'

