Marahang iminulat ni Rosana ang kanyang mga mata. Parang may mga ulap pang bumabalot sa mga mata niya. Wala siyang maaninag kahit katiting na bagay. Muli niyang ipinikit ang mga mata, matinis na iyak ng sanggol ang naririnig niya gayundin ang walang patid na pag-ubo ni Joaquin. Parang nagugunita niya sa kaniyang isip ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang mag-ama. Kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakapikit at hindi niya alam kung paano iyon kokontrolin. "Rosana, Anak. Sa wakas ay may malay ka na!" Pamilyar ang tinig na iyon ng kanyang ina. Mukhang masaya ito... Kabaligtaran ng nararamdaman ni Rosana ngayon. "Doc... Doc.. Nurse," rinig niyang sigaw ng kanyang Inay. Hindi pa rin nagmulat ng mga mata si Rosana. Parang ayaw niya ng magising pa. Ilang sandali pa ay naram

