Sa malawak na bakuran at sala ng malaking bahay nina Joaquin ginanap ang reception matapos ang kasalan sa simbahan. Nasa loob ng bahay ang ilan sa mga kilalang personalidad sa kanilang bayan gayundin ang mga ninong at ninang. Unang hinarap nina Rosana at Joaquin ang mga vip visitors bago ang mga mamamayan ng Santa barbara sa labas. Marami ang tao roon at talaga namang masaya, kaibahan sa loob na tahimik ang mga tao at halos pabulong lamang ang usapan. Kabilaan ang masayang pagbati at pag-aabot ng mga regalo sa kanilang mag-asawa. Buong ka-lugar nila ay masaya sa naganap na kasalanan. Bumaha rin ng pagkain at masayang tugtugan. Alas tres ng hapon ay nagpahatid na sina Rosana at Joaquin kay Nestor sa airport ng legazpi. Sa Palawan kasi nila napiling ganapin ang kanilang magiging honeymoon.

