ROSANA'S POINT OF VIEW Bahagya akong nagulat ng makita si Joaquin sa likuran ko. Hindi siya umiimik at parang malalim ang iniisip. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya sabay salat sa noo at leeg niya. Doon lang siya ngumiti at tumango. "Parang gusto ko na magpahinga," sambit niya. "Okey, pasok na tayo?" "You can stay here kung hindi ka pa inaantok, alam ko naman na nakatulog tayo kanina." Ramdam ko ang panlalata niya. Ano kayang nangyari? Alam kong may mali. "Hindi, sasama na 'ko sayo. Gusto ko rin ihiga 'tong likod at balakang ko, e." Nakangiti kong saad. "Okey, let's go?" Iniabot niya pa ang kamay niya sa akin. Hinihintay na hawakan ko iyon at ng sabay na kaming makapag-lakad. "Kung ano man yang iniisip mo, magiging okey din ang lahat." Maya-maya'y sambit ko. Wala akong ideya

