Matapos ang gabing iyon ay naging mas mapagmatyag na ako sa mga kilos ni Estrella. Nakikisama pa rin ako pero may limitasyon na, nakakatuwa dahil nakikita ko rin naman kay Joaquin ang pag-iwas sa step-mother niya. Kung hindi kinakailangan ay talang hindi siya nakikipag-usap doon. Ilang buwan ang matuling lumipas. Ako mismo ang nagpasyang 7 months na magpa-gender reveal para mas accurate ang makikita ng ob-gyne. Kasama si Joaquin ay excited kaming nagtungo sa private ob na regular kong pinupuntahan. "So, Mr. and Mrs. Añonuevo, ready na ba kayo?" Nakangiting tanong ni Dra. Sylvia. "Opo." Tensyonadong tugon ko. Si Joaquin naman ay tumango lang bago naupo sa katabing silya ng hihigaan ko. Ang sabi pa ni Dra. ay ang pinakamagandang klase ng ultrasound ang ibibigay niya sa amin. Mabuti na la

