THIRD POINT OF VIEW Humahangos na umuwi si Joaquin matapos ma-recieve ang text ni Rosana. Deretso siyang umakyat sa kwarto nila at doon ay inabutan ang kanyang asawa sa ibabaw ng kanilang kama. Nakatuwad ito habang ang kanyang ulo ay nakayukyok. Nakakuyom din ang kanyang mga kamao habang may mahinang ungol na kumakawala sa kanyang bibig. "Rosana!" Mabilis na tumakbo si Joaquin at lumapit kay Rosana. "Aarrggh!" Hindi maiwasang magulat ni Joaquin sa sigaw na iyon ng kanyang asawa na halos parang ire na rin. "Oh, God. Come, let me carry you." Sinubukan niyang kargahin si Rosana pero mabilis nitong tinabig ang kamay ni Joaquin. "Sandali! Ang sakit, arghh!" Hindi malaman ni Joaquin ang gagawin. Sa unang pagkakataon ay parang naubusan siya ng sulusyon sa isang problema. Nasabunutan niya a

