Samantala... Sa madilim na sulok ng bahay ay nagkukubli ang isang nilalang na abot tainga ang pagkakangiti. Isa nanamang utos ng kanyang minamahal ang nagawa niya nang maayos. Kitang-kita niya mula sa pinagkukublihan ang sakit at hinanakit ni Joaquin sa ama nito gayundin ang tuluyang pagkahumaling ng matandang Don sa babaeng si Estrella! Maingat siyang umalis at nagtungo sa tagong bakuran ng malaking bahay. Ng masiguro niyang walang sino mang tao ang nasa paligid ay kaagad niyang dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at nagsimulang mag-dial ng isang numero. Numerong nakatatak lamang sa kanyang utak ngunit wala sa memorya ng kanyang gadgets. "Kumusta?" Tanong ng malaking boses mula sa kabilang linya. "Ayos na. Ilang araw lang mula ngayon ay palalayasin na ni Menandro si Joaquin. Magag

