Mula sa penthouse ay tanaw ni Andres ang malawak na kabuoan ng Quezon City. Itinaas niya ang paa sa katapat na sofa at muling hinithit ang kanyang hawak na sigarilyo. Sa kanyang gilid ay nakalagay ang isang baso at branded na brandy. Galing pa iyon sa Spain, regalo sa kanya ni Estrella-ang totoong Estrella na may ari ng ilang 5 star hotel sa buong Maynila gayundin sa Cebu, ito rin ang kanyang sugar Mommy at ang dahilan kung bakit napakarangya ng kanyang buhay ngayon. Grumadweyt ito bilang isang engineer at ito mismo ang gumagawa ng disenyo ng kanyang mga 5 star hotel. Samantalang si Marimar naman o mas kilala ngayon sa bayan ng Sta. Barbara bilang si Estrella ay ang kanyang secret lover. Minsan siyang nagpagawa sa totoong Estrella ng design para sa itatayong pabrika ng asukal sa bayan ng

