Sa halip na sumagot ay ngumiti lang si Rosana at saka kinuha ang cellphone sa kaniyang bag. "Hello, Attorney, uuwi na po ako. Ah, ok, sige ho pababa na ko." Nakangiting pinatay ni Rosana ang gadgets at kinuha ang kaniyang bag na nakapatong sa lamesa. Kunot-noo siyang sinundan ng tingin ni Soledad. Ng tangka na niya itong lalampasan ay mabilis nitong hinablot ang isang braso niya. "Ah, Ma'am Soledad!" Akma sanang pipigil ang babaeng kanina pa nakamasid sa kanila pero mabilis itong nginitian ni Rosana at inilingan. Baka madamay pa ito kung makiki-alam. Mangha siyang napalingon sa biyenan. Pilit ang mga ngiting itinugon nito sa kaniya. Halata rin ang pagtitimpi niya sa sariling huwag tuluyang magalit. "Hindi ba tinatanong kita, Rosana?" Mariing tanong nito sa kaniya. Sa kabila ng makiro

