Tahimik akong nahiga sa tabi ni Rosana. Parehas kaming pawisan at hinahabol ang hininga. Kakaibang challenge pala kapag may iniingatan kang magising na baby. I feel awkward dahil natatanaw ko si Yana kanina, pero mas nadaig ako ng kagustuhang makasiping muli ang aking mahal na asawa. At kahit medyo nawiwirduhan ako, I find it challenging at the same time, satisfying. For almost 4 months, nagtiis akong katabi lang si Rosana sa higaan. Ngayon ay parang 1st time namin parehas, ramdam ko ang kasabikan niya sa akin at gano'n din naman ako sa kanya. Ipinatong niya ang ulo sa braso ko at yumakap sa akin. Plano ko na ring matulog dahil hindi na kumikibo si Rosana, siguro ay napagod talaga siya sa ginawa namin. Ipinikit ko na ang mga mata ng biglang mag-vibrate ng sunod-sunod ang cellphone ko.

