KABANATA 94: PANGAMBA NG PUSO.

1083 Words

JOAQUIN POINT OF VIEW Pagkalabas ko ng banyo ay agad kong natanaw si Rosana. Nasa mini-terrace siya ng aming bahay. Nakatayong patalikod sa akin at parang may malalim na iniisip. Sinilip ko sa kwarto si Yana, doon ko nakita na mahimbing na ang tulog niya kaya ng maisampay ang towel na ginamit ko ay nagpasya akong magtimpla ng kape, pagkatapos ay kaagad akong lumapit kay Rosana. Nilapag ko sa maliit na lamesita ang tasa ng kape saka yumakap sa kanya mula sa likuran. "Are you okey, Babes?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti naman siyang lumingon sa akin, pero hindi ko nakitang umabot iyon sa kanyang mga mata. "Bakit isang kape lang ang tinimpla mo?" Sa halip na sagutin ako ay iyon ang itinugon niya. "Kasi gusto ko salo na lang tayo." "Ang sweet naman," aniya. Sumandal siya sa dibdib ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD