"We did it, Babe." Mahinang bulong ni Joaquin sa tainga ni Rosana habang nakatanaw sa papalubog na araw. Gaya ng nakasanayan, nakayakap siya sa likuran nito habang nakapatong ang baba sa balikat ni Rosana. "Joaquin, hindi na bagay sa atin ang tawagan na 'yan!" Natatawang sambit ni Rosana. "Hah, bakit naman? Nagsasawa ka na ba sa pagtawag ko sa'yo nun?" Malungkot na tanong niya sa asawa. "Ano ka ba, hindi naman sa gano'n, pero kasi.." Pero bigla siyang hinalikan ni Joaquin sa tainga. Nakikiliti siyang nag-iwas ng mukha dito. "Happy Anniversary Mommy and Daddy!" Malakas na sigaw ng mga dumating. Napaigtad ang mag-asawa at kaagad na inayos ang mga sarili pero huli na, nadatnan na sila ng mga anak sa ganoong ka-sweet na senaryo. "Yieee!" Malakas na tudyo ng mga ito sa kanila. Namula agad
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


