Isang malalakas na yugyog ang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad mula sa panaginip na iyon. Hingal akong nagmulat ng mga mata. Malamlam pa rin ang ilaw na nabungaran ko, ang kaibahan lang ay naroon sa tabi ko si Rosana at nag-aalalang nakatunghay sa akin. Marahan akong bumangon at agad na tinungo ng mata ko ang noo'y saradong pintuan saka bumaling sa tiyan ko. "J-joaquin, nananginip ka yata?" Naihilamos ko sa mukha ang dalawang palad, nakapa ko ang pawisan kong noo. Akala ko ay totoo na! "Joaquin!" may kalakasang tawag ulit ni Rosana sa atensyon ko. Bumaling ako sa kanya. Pilit akong ngumiti. "Sorry, naabala ba kita sa pagtulog?" "Hindi, ang totoo hindi nga rin ako makatulog, e. Naririnig kong umuungol ka kaya ako napabalabas. Masama ba ang panaginip mo?" "O-oo, e. Pero ayos na 'ko nga

