Chapter 2

1440 Words
PALINGA-LINGA si Juliet sa paligid habang hinihintay si Attorney Mendoza. Napag-usapan nilang doon nalang sila magkikita sa terminal ng bus kung saan isang biyahe pa ng jeep ang sasakyan papunta sa San Agustin kung saan naroon naman ang Hacienda Florencia. Ang pag-aari ng kanyang Lola Florencia na ina ng kanyang yumaong ama. Kinabukasan matapos ang pag-uusap nila ng abogado ay nagpasya siyang tawagan ito. Matapos niyang mabasa ang liham ng kanyang lola ay agad niyang tinawagan ang abogado. Hindi lingid sa kanya ang ginawang pagpapalayas sa kanyang mga magulang ng kanyang Lola Florencia nang siya’y ipinagbubuntis palang ng kanyang ina. Nalaman niya ang kwentong iyon ng minsang galing siya sa eskuwela at naabutan niya ang isang tauhan ng kanyang lola sa bahay nila. Pinapabalik na raw ng matanda ang kanyang ama na si Armando sa hacienda ng mga ito. Subalit kailangang iwan nito silang mag-ina. Hindi pumayag ang kanyang ama. Mahal nito ang kanyang ina. Isang dating mananayaw ang kanyang ina sa isang club sa Pasay. Doon nagkakilala ang kanyang ina at ama. Simula palang ay umibig na si Armando kay Lilac. Ang kanyang ina. Katatapos lamang ng kolehiyo noon si Armando samantalang si Lilac ay disinuebe naman. Lubhang tutol ni Senyora Florencia sa kanyang ina kaya naman ng sabihin ni Armando na pakikisamahan na nito si Lilac ay pinalayas ng matanda ang anak. Napadpad ang dalawa sa Maynila. Kahit sanay sa maluhong pamumuhay si Armando ay hindi ito nagreklamo ng maranasan nito ang kahirapan ng buhay. Ilang beses nitong tinangkang mag-apply sa ilang kumpanyang angkop sa tinapos nitong kurso subalit palagi na’y hindi ito nagtatanggap. Nagtaka ang kanyang mga magulang dahil matalino naman ito at magaling. Hanggang sa mapag-alaman ng mga itong kagagawan iyon ni Senyora Florencia. Walang nagawa si Armando kundi ang pumasok bilang manggagawa sa isang factory bilang isang factory worker. Ilang taon ang lumipas, hanggang sa siya’y lumaki at nagkaisip ay maayos ang kanilang buhay kahit na mahirap lang sila. Kaya muling nagulo ang nanahimik nilang pamumuhay ng sumulpot sa kanilang munting tahanan ang isang tauhan ni Senyora Florencia. Dala ng kyuryusidad ay hindi niya tinigilan ang mga magulang hangga’t hindi nagsasabi ng totoo ang mga ito tungkol sa totoong pagkatao ng matanda. Walang nagawa ang mag-asawa kundi ang sabihin sa kanya ang katotohanan. Napuno ng galit ang kanyang puso para sa kanyang di nakikilalang lola. Subalit ng mamatay ang kanyang ama ay ibinilin nitong kung sakaling kausapin siya ng kanyang lola ay pagbigyan niya. Maging ang kanyang ina ay gayundin ang sinabi sa kanya bago ito tuluyang pumanaw. Ayon sa mga ito ay huwag daw siyang magtanim ng sama ng loob sa matanda. Hindi kaagad nawala ang galit niya sa matanda. Simula ng mamatay ang kanyang mga magulang ay hindi niya nakita ni ang anino nito. Maging ng burol nila Armando at Lilac. Kaya inakala niyang wala na talagang pakialam sa kanya ang kanyang lola. Pero bigla nalang sumulpot ngayon sa kanyang harapan ang isang abogado at guluhin ang kanyang isip. Ayon sa sulat na ipinadala ng kanyang lola ay nais daw siya nitong makita bago ito mawala sa mundo. Maysakit daw ito. Nais siya nitong magpunta sa hacienda kung saan lumaki ang kanyang ama. Ayon pa rito ay gustuhin man nitong puntahan siya ay hindi na nito kayang magbiyahe pa. Mahina ang katawan nito at sino ang makapagsasabi kung hanggang kailan nalang ito sa mundo. Kaya hinihiling nitong siya ang magpunta sa bayan nito. Sa una ay mariing pagtanggi ang isinisigaw ng kanyang isip. Subalit naalala niya ang bilin ng kanyang mga magulang. Ilang beses ba siyang ginulo ng isiping iyon. Hanggang sa maunawaan niyang ito nalang yata ang natitira niyang kamag-anak sa mundo. At handa itong humingi ng tawad sa kanya at sa kanyang mga magulang. Nang matapos niyang basahin ng buo ang liham ay tila napawi ang lahat ng galit at hinanakit niya sa matanda. Umiiyak na rin siya. Pulos paghingi ng tawad ang nilalaman ng sulat. Saka siya nakaramdam ng awa para dito. Bigla ay gusto niyang makita ang kanyang lola. Ang kanyang lolang matagal na niyang hindi nakilala. Nagdesisyon siyang pagbigyan ito. Nag-file siya ng tatlong araw na leave upang puntahan ang kanyang lola. Sa mismong day off niya ay gumayak na siya upang magbiyahe patungo sa bayan ng San Agustin. At ngayon nga ay narito na siya sa terminal kung saan siya ibinaba ng kundoktor. Limang oras mula sa Maynila ang naging biyahe niya. Mula sa terminal ay susunduin siya ng abogado upang dalhin sa hacienda. Malapit ng ugatan ang kanyang paa sa kinatatayuan subalit wala pa rin ang hinihintay niya. Patingin-tingin siya sa suot na relong pambisig nang may humintong isang itim na van sa mismong tapat niya. Bahagya pa siyang umurong nang bumukas ang pinto niyon. Inakala niyang iyon na marahil ang hinihintay niya at inaasahang si Attorney Mendoza ang lalabas ng van. Pero nagkamali siya dahil lumabas ang isang mestisahing babae. Nadismaya siya at hindi ito pinansin. Nagtaka pa siya ng lapitan siya nito. Lalo na nang kausapin siya nito. “Hi. Ikaw ba si Juliet? Juliet Marcelino?” may kaakibat na ngiti ang pagtatanong ng babae. Malamyos din ang tingin nito at maganda sa pandinig. “Ha?” gulat niyang anas. Bakit alam nito ang pangalan niya? Inilahad nito ang isang kamay. “I’m Beverly Marcelino. Marcelino din ako. I’m your cousin. Pinapasundo ka sa akin ni Attorney. Hindi ka na raw masusundo ni Attorney Mendoza dahil may biglaan siyang lakad. Nakiusap siyang puntahan kita dito.” anang nagngangalang Beverly. Maganda ang pagkakangiti nito bumagay sa maganda nitong mukha. Pero baka mas matangkad siya rito kung hindi ito nakasandals ng may takong. Naka-flat rubber shoes lang siya at nagpantay sila ng taas ngayon. “Ha? Papaano mong nasabi na ako nga si Juliet?” sa halip ay tanong niya. Hindi siya basta-basta naniniwala sa mga taong hindi niya kakilala lalo na at bigla nalang sumusulpot sa harap niya. May kinuha ito sa loob ng bag na bitbit nito. Isa iyong larawan na ipinakita sa kanya. “Ikaw ito diba?” anito sa larawan. May ipinakita pa itong isang litrato. “And this is Lola Florencia, ako naman ito. Baka kasi hindi ka maniwalang pinsan kita.” Masiglang paliwanag nito. Magkatabi ang dalawa sa larawan. Nagulat pa siya dahil may larawan siya rito. “O kung gusto mo naman, tawagan nalang natin si Attorney.” Anito ng mapansing tila hindi pa rin siya naniniwala. Saka ito du-mial. Pero pareho lang silang nadismaya dahil mahina ang signal sa kinaroroonan nila. “Naku papaano iyan? Hindi natin makokontak si Attorney.” Lumarawan ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi siya nagsalita pero nakilala niya ang matanda sa ipinakitang litrato nito. May mga ibinigay na litrato si Attorney sa kanya na kuha ni Senyora Florencia. Sakaling magtagpo na sila ay alam niyang iyon na ang kanyang lola. Kahit papaano ay nawala ang agam-agam niya sa ipinakita nitong tila family portrait ng mga ito. Nagdesisyon siyang magpakilala na rito. “Juliet.” Pakilala niya sa sarili at inabot ang kamay ni Beverly. Nakangiti na rin siya. “We’re so glad na nakita ka na namin. Ang totoo ay sobrang na-excite ako ng malamang pupunta ka ng hacienda.” Humawak ito sa isang braso niya. “Halika na. Siguradong matutuwa si lola kapag nakita ka niya.” masiglang wika nito at niluwangan ang pagkakabukas ng van. “S-sige.” Aniya nalang dahil nawala na rin ang pagdududa niya. Nang makita niyang magkasama ito at kanyang lola ay gumaan ang pakiramdam niya sa babaeng ito. Binitbit niya ang isang travelling bag na dala niya pero kinuha iyon ng isang lalakeng lumabas mula sa loob ng van. “Pabayaan mo na si Kiko diyan Juliet. Tauhan siya sa hacienda.” Anitong pinapasok na siya sa loob. Kiming ngumiti siya sa lalaking seryosong-seryoso ang mukha. Malaki ang katawan nito at balbas sarado. Pero ikanga nila ay don’t judge the book by its cover. Sumakay na siya sa loob ng van. Bahagya pa siyang nagulat ng makitang may mga lalake pa sa loob. Dalawa ang nasa likod ng sasakyan. Isa sa harap bukod sa driver. Nahalata iyon ni Beverly. “Pasensiya ka na kung puro lalake ang kasama ko. Alam mo kasi, masyadong thoughtful si Lola. Gusto niya palagi kong kasama ang mga bodyguards ko kahit saan ako magpunta. Hindi mo naitatanong e sikat ang pamilya natin hindi lang sa buong San Agustin kung sa buong probinsiya. Pero sanay na ako sa mga ‘yan.” anitong bumungisngis. “Ah…” nanulas sa kanyang labi. Pumasok na rin sa loob ang nagngangalang Kiko. Tumaabi ito ng upo sa likuran. Maya-maya pa ay umandar na ang van.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD