Chapter 3

1426 Words
NAPANSIN ni Juliet na mag-iisang oras na silang nagbibiyahe mula pa kanina. Ang sabi sa kanya ni Attorney Mendoza ay kalahating oras lang ang biyahe para makarating sa San Agustin. Hindi niya iyon napapansin nu’ng una dahil madaldal ang babae sa kanya. Puro tango-iling at ngiti lang ang isinasagot niya rito dahil puro kuwento lang naman kasi ang ginagawa nito. Nalaman din niyang halos kasing-edad niya ito. Sa pagmamasid niya sa kanilang dinaraanan ay napansin din niya ang mahabang tubuhan sa magkabilang kalsada. Tila walang katapusan ang mga nakatanim na tubo na tingin niya ay malapit ng anihin. Parang bihira rin ang sasakyan na nakasabay nilang dumaraan doon. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang biglaang pagsulpot ng munting kaba sa kanyang dibdib. Nilingon niya si Beverly na kampante sa pagkakaupo habang nakikipagkwentuhan sa mga kasama nila. “Malayo pa ba tayo?” untag niya dito. Tumingin ito sa kanya. “Malapit-lapit na. Huwag kang mag-aalala. Makakarating din tayo doon.” Matamis itong ngumiti sa kanya. Tumingin siya sa relong pambisig. “Ang sabi sa akin ni Attorney Mendoza, kalahating oras lang ang biyahe mula sa terminal hanggang sa San Agustin.” Pagdating sa mismong bayan ay kinse minutos ang biyahe para makarating sila sa mismong hasyenda. Natawa ang babae. “Naku! Si Attorney talaga. Hindi ba niya nasabi sa iyong may ginagawang kalsada sa original na daraanan dapat natin. Kaya heto, sa ibang daan tayo dumaan. Mabuti nga at alam ni Kiko ang daang ito. Baka hindi lang tayo abutin ng isang oras sa biyahe kung doon tayo dumaan sa ginagawa.” Mahabang paliwanag nito. Hindi naging lingid sa kanya ang palitan ng tingin ng mga lalake at ni Beverly sa salamin sa harap. Ewan niya pero lalong lumakas ang kabang naramdaman niya. Sampung minuto pa ang lumipas ng maramdaman niya ang paghinto ng sasakyan sa gilid ng kalsada. “A-anong nangyari?” kinakabahang tanong niya habang iginagala ang paningin sa paligid. May pakiramdam siyang hindi pa roon ang destinasyon nila. “Nasiraan ho yata tayo Ma’am.” Anang driver na siyang sumagot sa tanong niya. “Kiko, bumaba ka muna at tingnan mo kung anong nangyari sa makina.” Utos nito kay Kiko. Tumalima naman si Kiko. Si Kiko na napansing niyang utusan ng mga ito. Kalaking tao pero mukhang sunod-sunuran sa mga kasama. Tahimik itong bumaba at tinungo ang harap ng van. “Ano ba naman ‘yan. Bakit dito pa tayo nasiraan?” narinig niyang wika ng lalaki sa passenger seat sa harap. “Mabuti pa, bumaba muna tayo. Nakakainip maghintay dito sa loob. Halika muna sa labas. Mas presko ang hangin doon. ” ani Beverly sa kanya. Nauna na itong kumilos palabas ng van. Kahit kinakabahan ay tumalima siya. Ang instinct niya ay sinasabing maging alerto siya. Lumabas siya ng van. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Kanina ay magaan naman ang pakiramdam niya dahil nakilala niya ang isa pa niyang kamag-anak. Pero nang mamalayan niya ang paglipat ng oras ay bigla nalang sumulpot ang munting kaba sa kanyang dibdib. Hanggang sa lumawig iyon lalo na ngayong nasiraan pa sila sa daan. Bigla ay parang hindi na siya mapakali. Tumingin siya kay Beverly na dire-diretso sa gilid ng daan at ipinaypay ang mga kamay sa mukha. Mukha naman itong walang gagawin. Pero pakiramdam niya ay may mali. Tama bang nagtiwala siya rito? Kung tutuusin ay estranghera pa rin ito sa kanya kahit pa nagpakilala itong pinsan niya. Nagkamali ba siya ng desisyon sa pagsama rito? Muli niyang iginala ang paningin sa paligid pagkatapos niyang pagmasdan ang babae. Palakas ng palakas ang pakiramdam niya ng hindi maganda. Pulos tanim ng tubo ang makikita sa paligid. Gaya ng nadaanan nila kanina ay tila walang katapusan ang mga tanim na iyon. Masukal at siguradong masusugatan ang balat ng taong susuong doon. Napansin nanaman niya na walang nagdaraan ni isang sasakyan sa lugar na iyon. “Beverly.” Kuha niya sa atensiyon ng babaeng ngayon ay nagsisindi ng sigarilyo. “B-Bakit wala yatang dumaraang sasakyan sa lugar na ito. Ang akala ko ba, ito ang daan papunta sa San Agustin maliban doon sa ginagawang kalsada? Kung ginagawa doon ay siguradong dito din magdaraanan ang iba pang sasakyan.” Sa pagtataka niya ay sumimangot ito. Kung gaano kaamo at kaaliwalas ang mukha nito kanina ay gayon naman ang pagkayamot na nakabakas sa mukha nito ngayon. “Alam mo, ang dami mong napapansin. Masyado kang maraming tanong.” Sa pagkagulat niya ay biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Ang malamyos nitong tinig kanina ay napalitan ng gaspang at panganib. Awtomatikong siyang napahakbang paatras. Mas lalo siyang maguluhan. “N-Nagtataka lang naman kasi ako. Napansin ko lang, ewan ko ha. Pero parang iba yata ang pinupuntahan natin?” lakas-loob niyang wika dito. Tila asong ngumisi ito. Humithit ito ng sigarilyo. Pinukulan nito ng tingin ang isang lalaki na nasa likuran nila kanina. “Abner.” “Ma’am.” Lumapit dito ang tinawag na Abner at nagpunta sa likuran ng babae. May ibinigay ito kay Beverly na kinuha mula sa likod nito pero hindi niya alam kung ano iyon dahil nasa likod ng babae ang kamay nito. “Alam mo tama ka. Iba nga ang pupuntahan natin. Pupunta tayo sa isang lugar na mas maganda pa sa hasyenda. Kung saan magiging matiwasay ang buhay mo at mananahimik ka. Pero malas mo dahil mauuna ka.” Saka walang babalang iniumang nito ang isang baril sa kanya. Iyon pala ang iniabot ni Abner dito. Kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata ay naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay tinadyakan siya ng malaking kabayo. Para ring may dumagan na mabigat na bagay sa kanyang ulo at ngayon ay dala-dala niya iyon. Malakas siyang napasinghap. “B-Beverly, a-anong ibig sabihin nito? A-akala ko ba pinsan kita? B-bakit may hawak kang baril?” punom-puno ng pagtataka ang kanyang sistema habang malakas ang atake sa kanya ng kaba. Nagsimulang pagpawisan hindi lang ang kanyang katawan kundi maging ang kanyang katawan. Lalo itong ngumisi. Mukha itong anghel kanina sa lamyos at ganda ng mukha. Ngayon ay para na itong demonyo na nagkatawang tao. “Tama ka. Magpinsan nga tayo. Pero pasensiya ka na. Kailangan kong gawin ito. Magiging hadlang ka sa mga plano namin kung hahayaan ka naming makarating kay lola. Iyon ay kung makakarating ka pa sa hacienda.” Tumalim ang mata nito. Mas lalo nitong itinutok sa kanya ang baril. Napaurong siya ng ilang hakbang. “A-Anong ibig mong sabihin?” Dalawang kamay ng babae ang humawak sa baril. “Hindi mo na kailangang malaman. Tutal naman ay malilipasan ka na rin ng panahon. Dapat ka ng mamatay ngayon!” Para na siyang hihimatayin sa kaba. Pero hindi siya dapat magtalo sa takot dito. Mag-isip ka Juliet. Hindi ka pa puwedeng mamatay ngayon. Marami ka pang pangarap. Kikitain mo pa ang Lola Florencia mo. Magiging teacher ka pa. Oo at miss na miss na niya ang mga magulang pero hindi pa siya handing mamatay. Kaya kahit sinasalakay siya ng kaba ay takot ay nag-isip siya ng paraan kung papaano makakatakas sa mga ito. Iisa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Ang tumakbo. Pero saan? Kung susuong siya sa tubuhan ay siguradong pulos galos ang matatamo niya. baka bago pa niya marating ang dulo ay naabutan na siya ng mga ito. Pero keysa naman mamatay siya ng walang laban diba? Mas gugustuhin nalang niyang suungin ang kalawakan ng tubuhan. Atlist doon ay may pag-asa siyang mabuhay basta magaling lang siyang magtago. Keysa matagpuan nalang ang katawan niya sa lugar na ito at walang nakakakilala sa kanya. Bahala na. “Beverly, huwag mong gawin ito.” Sinubukan niyang kausapin ang pinsan. “Kung anuman ang plano ninyo ay sinisigurado kong hindi ako magiging hadlang kahit hindi ko pa alam iyon. Please, hayaan mo nalang akong makabalik sa Maynila. Hindi na ako didiretso sa hasyenda niyo.” Mahabang sabi niya pero unti-unti na siyang umuurong. Alam niyang hindi ito makikinig sa kanya. Subalit malakas lang itong humalakhak. Nagmukha itong baliw sa paningin niya. “Sa tingin mo pagbibigyan pa kita? Nakilala at nalaman mo na ang tungkol sa plano ko. Magdasal ka na Juliet! Dahil katapusan mo na.” pagkatapos ay dahan-dahan nitong kinalabit ang gatilyo. Subalit bago pa nito maiputok ang hawak na baril ay mabilis na ang naging kilos niya. Kasing bilis ng hanging kumaripas siya ng takbo papasok sa loob ng tubuhan. Wala na siyang pakialam kung saan siya mapupunta. Takbo lang siya ng takbo. Ang mahalaga ay makaalis siya sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD