NAPASUNOD ang tingin ni Juliet kay Magus. Mula sa suwabe nitong paglalangoy at pagkampay ng mga paa at kamay sa tubig ay umahon ito sa swimming pool. Siya naman ay nakaupo sa upuan habang tumutungga ng alak. Pagkatapos nilang magpustahan kanina ay nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya naman tinungo niya ang kinaroroonan ng mga beer habang ito ay muling lumangoy sa tubig. Ilang beses itong nagpabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool habang siya ay masarap ang pagkakaupo at pinapanood ang suwabe nitong galaw. Hindi niya namamalayang nauubos na niya ang laman ng isang lata. Kaya pala bahagya nanamang pumipintig ang ulo niya na medyo nawala na kanina. Ramdam nanaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Hindi namamalayan ni Juliet na nakatitig na pala siya sa katawan nito. Tila naging slow motio

