PAGDATING sa loob ng villa ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta ang alam lang niya ng mga sandaling iyon ay maghukay ng malalim sa lupa at ibaon ang sarili doon. Sobrang kahihiyan ang naramdaman niya ng makita niya si Magus sa kuwadra kanina. Sigurado siyang narinig nito ang lahat ng sinabi niya. Alam niyang hindi na niya iyon mababawi pa. Ang akala niya ay pagsasalitaan nanaman siya nito ng kung ano-ano pero sa pagkagulat niya ay wala itong sinabi ni isa mang salita. Pumasok lang ito sa loob ng kuwadra na tila wala siya roon. Bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon ay nagpasya siyang lisanin na ang kuwadra. Keysa naman makarinig pa siya sa binata ay mainam ng umiwas siya. Sinabi niya sa sariling maglali-low muna siya oras na magkaharap sila ng binata. Pero muli siyang kinabaha

