SUNOD-SUNOD na katok ang nagpagising sa mahimbing na pagtulog ni Juliet. Ayaw pa sana niyang magmulat ng mata pero hindi tumigil ang tao sa labas. Lalong lumakas ang pagkataok niyon habang tumatagal. Iinat-inat na bumangon siya at tinungo ang pinto. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Aling Conching. “O, Aling Conching, bakit ho ang aga-aga e parang natalo kayo sa sugal? Anong nangyari?” wala pa sa sariling tanong niya rito. “Naku Juliet. Magbihis ka na at bilisan mo. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Magus. Kanina pa niya hinahanp ang kape niya.” pagpapaalala nito sa kanya. Napamulagat siya. “Ho? E anong oras na ho ba?” “Alas otso na! Hala! Mag-ayos ka na diyan at sumunod ka na sa kusina. Ako na ang magtitimpla ng kape niya. Ikaw nalang ang magdala sa opisina niya.” natatarantang

