HINDI alam ni Juliet kung dapat siyang matuwa o magalit. Hindi rin niya masabi kung ginawan ba siya ng pabor ni Magus o inilugmok lang siya nito sa pagkakautang niya rito. Matapos siya nitong ipatawag kaninang hapon ay pinasamahan siya nito kay Clara sa bayan upang bumili ng mga damit na gagamitin niya habang nandoon siya. Saka lang din niya naalala na wala pala siyang kahit anong gamit na dala. Lahat ng gamit niya ay nasa loob ng bag na nakuha ng mga gustong pumatay sa kanya. Ang sling bag na suot niya na kinalalagyan ng wallet niya at mga ID ay hindi na niya alam kung saan napunta. Nasa katawan niya iyon noong tumatakas siya sa grupo ni Beverly. Baka habang tumatakbo siya ay sumabit-sabit na ang bag niya ng hindi niya napapansin. Ang damit na isinuot niya ng nakaraang tatlong araw ay mga

