Chapter 34

1593 Words

NAKATUTOK ang tingin ni Magus sa pintong nilabasan ni Juliet. Unti-unting nawala ang iritasyon sa mukha niya. Unti-unti ring nalaglag ang kanyang mga balikat. Saka siya sumandal sa sandalan ng kanyang kinauupuan. Kumawala ang isang mahaba at matunog na buntong-hininga mula sa kanya. Dahil inaasahan na niya ang pagdating ng dalaga sa opisina niya sa oras na iyon ay agad na pumaskil ang mukha ng Magus na nakilala nito. Masungit, salubong ang mga kilay, seryoso, nakaangil palagi at parating may parating na bagyo. Labag sa loob niya ang ginawa sa dalaga. Labag sa loob niyang balewalain ito. At oo. Natatandaan niya ang lahat. Natatandaan niya ang lahat ng nangyari at namagitan sa kanila ng nagdaang gabi. Maging ang kissing scene nila. Paano niya iyon makakalimutan kung dahil sa pagtikim niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD