CHAPTER 2 – Cassidy Erin Juliana and her Friends!
Cassidy's POV
"Sushi! I want Sushi, Mamey!" sabi ko habang naka-masid sa binabaybay ng BMW nila Trianne.
After ng nangyari sa akin two years ago, na-alarma ang Parents ni Trianne kaya binigyan siya ng sariling driver. k********g daw kasi ang rason kaya ako umabot sa malupet na trahedyang di ko naman talaga ma-alala.
"Oo na. Paulit-ulit!" naririnding sita sa akin ni Aya. Siya kasi ang katabi ko sa Back Seat kasama si Natalie at Emery.
Napa-nguso tuloy ako. May red tide ba ang babaitang 'to? Kanina pa siya malupet sa kasungitan.
"Kuya Jigs, deretso po tayong Le Beckett Cuisine." utos ni Trianne sa driver niya. Naka-upo siya sa shotgun seat.
"Bakit doon?" nagugulat na tanong ni Natalie.
Restaurant kasi nila yun. Rich kid din ang babaitang yan.
"You don't like it? Para madagdagan yung Gross Sales niyo." nagugulat din na sagot ni Trianne at maarte siyang tumingin sa gawi namin.
"Oo nga, Natalie. Asian Cuisine naman yung sinu-supply ng Restaurant niyo and as per survey, 93% says Le Beckett Cuisine has the best food in town and 98% says Le Beckett Cuisine has the most addicting Milk tea in town." sabat ni Emery, tutok ang paningin sa kanyang cellphone.
Napamaang kaming lahat sa sinabi niya pati si Kuya Jigs na nagmamaneho.
"Isa kang malupet na Surveyor!" bulalas ko. Ngumiti siya, tutok pa rin ang paningin sa cellphone.
Nakarating na kami sa Le Beckett Cuisine Restaurant nila Natalie. Na-una na akong bumaba sa kanila.
Sushi! Here I come!
May naunang customer na pumasok sa glass door ng Resto kaya binilisan kong sumunod sa kanya kaso di ako umabot sa awang ng glass door kaya nauntog yung ilong ko.
"Aray ku!" mangiyak-ngiyak kong hinimas yung ilong ko.
Ang sakit huhuhu
Narinig ko yung malutong na tawa nung apat sa likuran ko...
"Hahaha hindi ganyan manira ng Glass door namin" - Natalie
"Nats, I think there's something wrong on your Glass door. May naka-install atang katangahan. Ipa-check mo nga baka nakakahawa." - Trianne
"Hahahaha" - Emery
"Sushi! I want Sushi, Mamey! hahaha" panga-gaya naman ni Aya sa'kin.
Sa halip na banatan sila ay tinalikuran ko nalang. Hinila ko pabukas yung Glass Door kaso ayaw bumukas. Hinila ko ulit kaso ayaw talaga.
"Miss, it says Push." sita sa akin ng bagong dating na customer sabay tulak sa glass door at nilampasan ako.
Natigilan ako dahil sa boses niya. Bakit parang pamilyar sa pandinig ko?
Narinig ko nanaman yung malutong na tawa nung apat. Isang malupet na irap ang binigay ko sa kanila at sumunod nalang doon sa customer na niluwagan pala ang awang ng glass door. Sinunandan ko ng tingin yung lalakeng customer kaso hindi naman siya pamilyar sakin. Nagkibit-balikat nalang ako. Baka guni-guni ko lang.
Na-una na akong pumasok at umupo sa favorite table namin sa Resto. Hinimas ko ulit yung ilong ko. Para akong mababahing dahil sa sakit.
"What happened to you?" Nagtatakang tanong ni Kuya Nash sabay lapag ng menu sa table namin. Older brother ni Natalie. Umakto akong parang nai-iyak na bata sa harap niya. Masusumbong sana ako kaso sumingit si Aya.
"Boplaks kasi yung Glass door hahaha"
Sumilay ang pagpipigil na tawa ni Kuya Nash. Tinanong pa niya kung anong nangyari eh halata namang nakita niya yung kanina. Isa kang malupet na mapag-panggap, Kuya Nash!
Umupo na yung apat sa favorite spots nila sa circular table namin at inumpisahang pasadahan ng tingin yung Menu. Good for 5 yung table namin pero may sobrang isang upuan sa tabi ni Trianne. Hindi naman niya pinapa-tungan ng LV bag niya. Basta bakante lang.
Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko may naka-laan talagang umupo sa bakanteng upuan. Bakit parang may imahe akong nakikitang naka-upo doon. Hindi ganun kalinaw. Malabo. Malabong-malabo.
"Are you okay?"
Natuon ako sa realidad nang marinig ko yung boses ni Kuya Nash. Nakatayo siya sa tabi ko at seryoso ang tingin sa akin.
"What do you feel right now?" dagdag niya. Yung atensyon nung apat kong kaibigan ay natuon na din sa akin.
Si Kuya Nash and naging Doctor ko noong na-Hospital ako Two Years ago at hanggang ngayon ay naka-alalay pa rin siya sa akin.
Tumungo ako at nagbuntong-hininga. "Malungkot" sabi ko. Nilipat ko yung tingin ko sa bakanteng upuan at itunuro iyon. "Parang may imahe akong nakikita na naka-upo kaso malabo."
"May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" nagugulat na tanong ni Aya sa akin. Binatukan siya ni Trianne. "Masakit ah!"
"Quiet, okay? She's starting to remember." bulong ni Trianne sa kanya. Nanlalaki pa ang mga mata.
"Bakit? May dapat ba akong makita na hindi niyo dapat makita?" inosenteng balik tanong ko sa kanya.
"Ahm, ano pa?" singit ni Emery.
Nalipat ang tingin ko sa kanya. Interesadong malaman ang susunod kong sasabihin.
Umiling ako. "Wala na eh."
"May nararamdaman kang sakit ng ulo ngayon?" tanong ni Kuya Nash. Titig na titig ang tingin sa akin. Ina-alam kung magsasabi ako ng totoo.
Umiling ako bilang sagot at tumungo.
Tinapik niya yung balikat ko. "It's okay, Cassidy. Don't force yourself. But...I think the forgotten piece is now showing." naka-ngiti niyang sabi.
Palabas ba yung tinutukoy ni Kuya Nash na 'Now Showing" at ang Title ay 'Forgotten Piece'? Kahit nalilito ay tumango nalang ako sa kanya bilang tugon nang may naalala ako. "Sushi! I want Sushi!"
"Noted, Lil Cassy!" natatawa niyang sagot at bahagyang ginulo yung buhok ko.
Tumikhim si Natalie. "Wala kang duty ngayon, Kuya?"
"Mamayang gabi pa duty ko. Dumaan lang ako dito para i-check yung pina-luto ko kay Nale."
"Nasaan pala si Mommy at Daddy? Si Kuya Nale?"
"Nawawala ka ba, My Lil Natty?" nanunuksong sagot ni Kuya Nash.
Sinamaan siya ng tingin ni Natalie "Sabi ng wag mo akong tatawagin ng ganyan sa Public eh. Ikakalat ko scandal mo."
Natigilan kaming lahat sa narinig. Si Kuya Nash may malupet na scandal?
Tumindig ng seryoso si Kuya. "I'm a respected Doctor kaya wala akong scandal. Baka gusto mong ma-confiscate yung gitara mo?"
Biglang napa-tayo si Natalie sa kinau-upuan niya at sumilay ang matamis na ngiti. Bahagya niyang hinila si Kuya Nash "Ako na pala ang bahalang kumuha ng orders namin, Kuya. May duty ka pa mamaya. Ayokong napapagod ang aming Dr. Nash Mir Beckett." pang-uuto niya habang hila-hila ito papalayo sa amin.
After a few seconds later, bumalik na siya at naka-suot na ng waist apron. May hawak na din siyang ballpen at notes.
"Wala ka pala kay Kuya Nash eh." bungad sa kanya ni Aya. Naka-ngisi pa.
Sumimangot si Natalie at mabilis na kinuha yung kutsara na naka-lapag sa table at ibinato sa kanya pero dahil ako ang katabi ni Aya. Sa akin lumanding ang malupet na kutsara!
"Araay kuu.." Nai-iyak kong sabi kasi sa buto ng siko ko tumama yung malupet na kutsara.
"Ay, sorry Cassidy! Si Aya dapat ang tatamaan ko!" hindi mapakaling sabi ni Natalie at nilapitan ako.
"Taena, Duling! hahaha" malakas na tawa ni Aya. Hawak-hawak pa yung tiyan.
Kahit ramdam ko yung sakit ng siko ko ay buong lakas kong kinuha yung kutsara na nalaglag sa sahig at ibinato kay Aya. Siya naman ngayon ang namimilipit sa sakit ng siko.
"King ina! Bakit ako ginantihan mo?" nanggagalaiti niyang sabi habang hinihimas yung siko.
"Eh sabi ni Natalie ikaw dapat ang tatamaan eh kaya ibinalik ko lang ng malupet sayo." inosente kong sagot.
"Guys, stop it na. Pinagtitinginan na tayo." sita sa amin ni Trianne sabay flip ng hair.
"Brutal kasi yung dalawang yan eh." angal ni Aya at dinuro kaming dalawa ni Natalie.
Binelatan lang namin siya. Si Natalie lang naman talaga ang brutal sa aming lima eh tapos si Aya ang mahilig mag-mura.
Nilipat na ni Natalie ang atensyon kay Trianne. "So what's your order, Mademoiselle?"
"Hot pot and the usual." walang gana niyang sagot.
"Don't forget my Sushi!" singit ko.
"Oo na!" sabay-sabay nilang sagot except kay Emery.
Napa-nguso tuloy ako.
"Tigilan mo nga kaka-nguso. Para kang pato." iritang sabi ni Aya.
Lalo ko pang hinabaan yung nguso ko.
*****
Tapos na kaming maghimagsik sa pagkain kaya ngayon ay uuwi na kami. Tapos na ang maliligayang oras ng malupet na libre. Nagpa-iwan na muna si Natalie para tumulong sa manpower ng Resto dahil kailangan ng umuwi ni Kuya Nash para makapag-pahinga pa before ang duty niya. May biglaang lakad daw kasi ang Parents niya at si Kuya Nale, hindi pa bumabalik.
"Burrrp!"
Papalabas na kami sa Resto ni Natalie nang marinig namin ang dighay ni Aya. Himas-himas pa yung tiyan.
"Disgusting!" nandidiring komento ni Trianne at na-una ng lumabas. Sumabay na ako sa kanya at baka ma-untog nanaman ang malupet kong ilong.
"Anong oras practice niyo?" tanong ko kay Trianne habang naglalakad kami papuntang parking lot.
She flipped her hair at maarteng kinuha yung phone sa bag niya at pinindot-pindot yun. "Oh, it's cancelled!" bulalas niya.
"HOOOYY!!!"
Sabay kaming lumingon ni Trianne upang alamin kung saan galing yung malakas na hiyaw. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Aya na naka-handusay na sa gilid ng kalsada at may naka-salampak sa kanyang lalake. Agad kaming tumakbo papunta sa pwesto nila.
"Muntikan na kayo!" nag-aalalang sabi ni Emery at tinulungan silang bumangon.
"Mierda! What happened?"
"Anong malupet na nangyari?"
Halos sabay naming tanong ni Trianne sa kanila. Tinulungan kong bumangon yung lalaki at bakas sa mukha ang pagka-bigla.
"King ina ka! Magpapakamatay ka ba?" sunggab ni Aya sa kwelyo nung lalaki nang maka-bawi siya ng tayo.
"Aya, stop it!" awat ni Trianne at pilit na tinatanggal yung kamay niya sa kwelyo nung lalake. "What happened ba kasi?"
Lalong humigpit yung hawak niya sa kwelyo. "Ito kasing gagong 'to balak magpakamatay! Kita na ngang may truck na paparating, tumawid pa rin!"
Na-ubo yung lalake at pilit na tinatanggal yung kamay ni Aya. "B-bakit...m-mo ako...p-pinigilan.." nahihirapang sabi niya.
"Gago ka ba!? Kung may problema ka, hindi sagot ang pagpapakamatay!" ayaw paawat ni Aya at lalo pang hinigpitan yung hawak sa kwelyo nung lalake.
"A-aya, mukhang ikaw ang papatay sa kanya. Nasasakal na si Kuya." awat ko. Parang nahihirapan na kasi siya sa itsura niya.
Binitawan siya ni Aya pero nanlilisik pa rin ang mga mata sa galit. "Maraming tao dito sa mundo ang ini-ingatan ang buhay nila, pero ikaw? Sinasayang mo lang!"
"B-buhay ko 'to... k-kaya wala kang...p-paki-elam." Nau-ubo pa rin si Kuya habang hini-himas yung leeg niya.
Sa isang iglap lang, na-suntok ni Aya sa mukha yung lalake at napa-upo ito sa sahig.
"AYA!" bulalas namin sa kanya.
"Oo wala akong paki-elam sa punyetang buhay mo! Pero magpapa-sagasa ka na nga lang, sa tapat pa ng Restaurant ng kaibigan ko!?" sigaw ni Aya sa kanya.
"Aya, stop it okay?" awat ulit ni Trianne at pinigilan siya dahil balak pa nitong suntukin ulit.
Nilapitan ko si Kuya para tulungan pero hinawi niya lang ang kamay ko. Natigilan ako ng may tumulong luha sa mga mata niya.
"K-kuya, bakit ka umiiyak?" nag-aalala kong tanong. Masakit ba yung suntok ni Aya sa kanya?
"P-pagod na pagod na ako..." humihikbi na siya. "A-ayaw ko ng mabuhay..."dagdag niya at niyakap ang mga tuhod at isinubsob ang mukha roon.
Nagtinginan kaming apat. Nasesenyasan kung anong gagawin kay Kuya hanggang sa tinulak ni Trianne si Aya palapit sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin pero tinaasan lang siya nito ng kilay.
Tumikhim siya. "Ah...a-ano..." nag-aalangan niyang panimula. "Tara, usap tayo." pangga-gaya ni Aya kay Tito Boy Abunda.
Nasapo ni Trianne ang kanyang noo habang kami naman ni Emery ay natameme.
"What the hell are you doing?" mahinang sigaw ni Trianne sa kanya.
"King ina naman oh, hindi nga ako marunong sa ganito!" mahina din nitong sigaw sa kanya.
"Is it hard to talk to him?"
"Edi ikaw makipag-usap!"
Habang nagbabangayan ng malupet yung dalawa ay umupo ako sa harap ni Kuya. Humihikbi pa rin siya kaya hinaplos-haplos ko yung likod niya.
"He looks like our age."
Muntikan na akong mapa-igtad sa boses ni Emery sa gilid ko. Naka-upo na din pala siya sa tabi ko at pinagmamasdan si Kuya.
"Pagod na pagod ka na ba talagang mabuhay?" mahina niyang tanong dito.
Inangat ni Kuya ang mukha niya at tinignan kami. Nginitian namin siya.
"A-ang totoo niyan, n-natatakot akong m-mamatay." napalitan ng takot yung ekspresyon niya.
"Pero muntikan ka na kanina. Ginusto mo ba talaga yun?" tanong ulit ni Emery sa kanya.
Umiling siya. "S-sila. Silang lahat ang may gustong mawala na ako sa mundo." tumingin siya sa kawalan na parang may ina-alalang mapait na kahapon. "Kinamumuhian nila ako." Ngumiti siya ng mapait. "Because I'm gay."
Nagtinginan kami ni Emery sa sinabi niya pati sila Aya at Trianne ay nahinto sa kanilang sagutan. Nalipat ang atensyon namin sa kanya nang magsalita siya ulit.
"My Father is a Lieutenant Colonel and my brothers are soldiers. They want me to be a soldier too pero ayaw ko." tumulo ulit ang mga luha niya. "Ayaw kong maging sundalo." sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya. "Until someone told them that I'm gay and that's the reason why they despise me. I'm a disgrace to them."
"No you're not." ani Emery na di sumasang-ayon sa kanya. "Actually, you're a blessing in disguise to them." ngumiti siya ng sinsero. "Trust me."
Pinunasan ni Kuya yung pisngi niyang basang-basa ng luha at tinignan si Emery saka niya nilipat sa akin sunod kay Trianne hanggang sa tumama ang tingin niya kay Aya.
"T-thank you...for saving me." pilit ang ngiti nitong sabi.
"W-walang anuman." nai-ilang na sagot ni Aya.
Tumayo si Kuya at inayos ang sarili. Tumayo na rin kami ni Emery.
"Ano palang pangalan mo?" usisa ko.
"I'm Jaxx." sagot niya at huminga ng malalim. "Sorry for the trouble." dagdag niya.
"Are you okay now? I mean...you're stable now?" naniniguradong tanong ni Trianne.
Tumango si Jaxx pero may pilit pa rin ang ngiti. "I guess?" sagot niya.
"Nag-aaral ka ba?" usisa ko ulit.
Tumango siya.
"Saan?" intriga ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. "Bakit hindi ka naka-uniform?"
"Sa Westdale High." kinuha niya yung panyo niya sa bulsa at pinunasan yung braso niyang nabasa din luha.
"Schoolmates tayo!" masayang sabi ko. "Anong year at Section mo?"
Natigilan siya sa ginagawa at pinasadahan ng tingin yung suot naming uniform pero hindi niya ako sinagot.
Tatanungin ko ulit sana siya pero inunahan ako ni Aya.
"Alam mo? Sayang ka. Pogi ka eh." komento ni Aya. Naka-cross arms pa siya habang tinitignan si Jaxx mula ulo hanggang paa.
Bihira akong tumingin sa mukha ng isang tao at hindi rin ako yung tipo na marunong magdescribe ng facial features kaya nang matitigan ko si Jaxx... Isa nga siyang malupet na cute!
"You two, stop staring at him." saway sa amin ni Trianne. "He's okay now. Lets go." Pagkasabi ay tinalikuran na niya kami.
"Sige, Pogi. Maiwan ka na namin." ngisi ni Aya at sumunod kay Trianne.
Namumula tuloy yung mukha ni Jaxx.
Nginitian lang namin siya ni Emery. "Ingat ka, Jaxx!" paalam ko at sumunod na kami sa dalawa. Lumingon pa ako para kumaway sa kanya. Nakatanaw lang siya sa amin at kita yung lungkot sa mga mata niya.
***