CHAPTER 3 – CASSIDY ERIN JULIANA and Family!
Cassidy's POV
Pagkatapos ng mahabag damdaming tagpuan kanina sa tapat ng Restaurant nina Natalie ay natuloy na kaming umuwi. Isang malupet na pangyayari talaga ang nangyari kay Jaxx. Sana okay na siya, sana hindi na ulit sumagi sa isip niya kung ano man ang binabalak niyang ikakapahamak niya. Hiram lang ang buhay natin kaya dapat natin itong ingatan at gamitin sa tama at kontentong paraan. Kung wala siyang makakapitan, nandito lang kami at handang gumabay sa kanya. Lahat ng problema naso-solusyunan naman eh, wag ka lang atat.
Sana makita namin siya bukas sa School para ma-itanong kung anong year at section niya. Hindi niya kasi ako sinagot kanina eh. Hayyy...
"Is that Eriol?"
Tukoy ni Trianne habang binabaybay namin yung daan pauwi sa bahay ko. Ako kasi ang malapit kaya ako muna ang ihahatid sa aming tatlo.
"Kuya Jigs, stop the car." utos pa nito. Itinigil ni Kuya Jigs yung sasakyan sa gilid ng kalsada. "Look!" dagdag niya at tinuro ang isang eskinita. Sinundan namin iyon ng tingin.
"Anong ginagawa nila kay Pogi?" nagtatakang tanong ni Aya. Ang bilis talaga ng mga mata nila samantalang ako tinitigan ko pa bago ko marealize na kapatid ko pala yung tinutukoy nila. Hindi naman sa malabo ang mga mata ko, mahina lang talaga ako sa face recognition.
Agad nanlaki ng malupet yung mata ko nang makita kong hindi siya nag-iisa dahil may lalakeng mas matangkad sa kanya at naka-hawak pa ito sa kwelyo niya.
"Pakshet na malupet!" bulalas ko at nagmadaling bumaba ng kotse para puntahan si Eriol. Hindi ko na nasara yung pinto ng kotse dahil sa kakamadali ko. Walang masyadong sasakyan kaya naka-tawid ako ng mapayapa pagawi sa eskinitang kinaroroonan nila. Naka-hawak pa rin sa kwelyo ng kapatid ko yung lintek na lalake.
"Ano? Mayabang ka?" ma-angas na sabi pa nito. Blanko lang yung mukha ni Eriol.
"Anong ginagawa niyo?" agaw atensyon ko sa kanila.
"ATE!!!" sigaw ng dalawang pamilyar na boses. Bumungad sa likuran nila Eriol yung kambal kong kapatid na hawak-hawak ng dalawa namang lalaki. Pilit na nagpupumiglas yung kambal sa kanila.
"Ate, ina-away nila si Kuya!" sumbong sa akin ni River. "Lagot kayo sa mga Ate namin!" dagdag ni Raven.
"Lagot talaga sa amin, kambal!" sulpot ni Aya sa likod ko kasama si Trianne at Emery. Sumunod pala sila sa akin.
Ngumisi yung lalakeng may hawak kay Eriol. "Nasa lahi niyo talaga ang magandang itsura no?" naloloko nitong sabi at itinulak ng malakas si Eriol dahilan para mapa-upo ito sa sahig.
"Eriol!" sigaw ko at agad siyang nilapitan. "Okay ka lang? May masakit sayo?" nag-aalala kong tanong habang itinatayo siya. "Sinuntok ka na ba niya? Sabihin mo sakin kung saan, gagantihan ko."
Salubong ang kilay niya akong sinulyapan. "Wag ka ngang OA, Ate."
"Hoy dalawang panget! Bitiwan niyo yung kambal. Pati bata pinapatulan niyo." utas ni Aya.
Binitawan naman nila yung kambal kaya tumakbo ang mga ito papunta sa pwesto namin ni Eriol.
"Ate!" sabay nilang tawag. Muntikan na akong matumba dahil sa pa-talon nilang salubong sa akin.
"Sandali lang, hindi ako si Hulk! Tulungan mo nga ako dito, Eriol!" bulyaw ko sa kanya dahil ang bigat nung kambal. Naka-ngiti lang siyang umi-iling at...
"Ate, ina-away nila si Kuya dahil pangit sila." - Raven
"Hindi Ate, ina-away nila si Kuya dahil mas gwapo siya." - River
"Ano ba? Parang wala namang pinagka-iba yung sinabi niyo. Bumaba na nga kayo, ang bibigat ninyo." reklamo ko. Agad naman silang bumaba at sabay na niyakap yung magkabilang bisig ko.
"Hey, what do you want? You all look older from them." Nakapameywang na tanong ni Trianne sabay flip ng hair.
Nagkumpulan yung tatlo.
"Tol, English eh. Anong sabi?"
"Hindi ko alam. Hey lang naintindihan ko."
"Mga bobo, sabi niya mukha daw tayong Ogre."
"Ano magbubulungan nalang ba tayo?" na-inip na si Aya. Pinasadahan niya ng tingin yung tatlo. "Mukhang ka-edad lang namin kayo pero mukha pa rin kayong mga totoy."
Natigilan yung tatlo at tinignan kami ng masama. "Sino ba kayo? Bakit ba kayo nakiki-elam?" sabi nung lalakeng nagtulak kay Eriol.
Biglang nagpanting ng malupet yung tenga ko. "Baka mga kapatid ko yung kinakanti mo?" sarkastiko kong sabi.
Ngumisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Hindi ako pumapatol sa maganda." naloloko niyang tugon.
"Pero kami pumapatol sa panget.." tirada ni Aya.
Kumuyom yung mga palad nila at nagsimula ng umusok yung mga ilong nila sa galit. "Dapat sinuntok mo na kanina yung mayabang na yun para naka-ganti na tayo." patutsada nung isang lalake.
"Anong ginawa ng kapatid ko sa inyo? Bakit niyo siya gagantihan?"nagtataka kong tanong. Sinulyapan ko si Eriol baka sakaling sumagot kaso nagkibit-balikat lang sya. Hinila ni River yung manggas ng blouse ko at sinenyasan akong yumuko na ginawa ko naman agad.
"Ate, narinig ko sabi nila gagantihan nila si Kuya dahil mang-aagaw daw siya." bulong niya sa kanang tenga ko. Hinila naman ako ni Raven at bumulong sa kaliwang tenga ko. "Sabi din niya, nag-break daw sila ng gelpren niya dahil kay Kuya." Hinila ulit ako ni River "tapos gugulpihin daw nila si Kuya para pumangit."
Napatuwid ako ng tayo at salubong ang kilay kong tinignan si Eriol. "Nang-aagaw ka ng girlfriend?" pagkukumpirma ko sa kanya.
"Ofcourse not!" mabilis nitong tanggi. "Mga babae mismo ang lumalapit sa akin tsaka hindi ko naman kilala kung sino yung tinutukoy nilang girlfriend nila na inagaw ko daw."
Nagugulat ko syang tignan. "Girlfriend nila? Nilang tatlo?" turo ko doon sa tatlo.
Ngumiwi siya. "Yeah?"
"Kaka-iba talaga kamandag mo, Eriol!" komento ni Aya habang umi-iling.
"Akala ko naman kung ano na." sabi ni Emery. Nandiyan pa pala siya. "Mauna na ako sa kotse. Ang hina ng signal dito." tumalikod na siya habang naka-angat ang kamay at hinahanapan ng signal yung phone niya. Deadma kasi yan kapag alam niyang mababaw lang ang rason.
"So that's the effin reason?" hindi makapaniwalang tugon ni Aya. "So deep, huh?" sarkastiko niyang dagdag.
"Sinungaling ka!"
"Ang lakas ng loob mong sabihing hindi mo sila kilala."
"Ang yabang mo talaga!"
Sunod-sunod na sabi nung tatlong lalake at walang alinlangang sumugod sa gawi namin. Mabilis kong hinatak yung kambal at ibinato kay Trianne. Sinalo naman agad ni Trianne yung kambal at tinago sa likuran niya. Sasalubungin ko na yung tatlo kaso nilagpasan lang ako at dumeretso kay Eriol. Susuntukin na sana nung isang lalake yung kapatid ko nang mabilis na humarang si Aya at sinalag yung kamao nito. Pinu-lupot niya ito at pa-ikot na nilagay sa likod ng lalake sabay sipa niya dito ng malakas. Nadausdos tuloy ito sa sahig. Sisipain naman sana ng isang lalaki si Aya pero agad kong hinila yung kwelyo nito sa likod. Nang nasa harap ko na siya ay malakas kong tinuhod yung tiyan niya. Napa-yuko siya at namilipit sa sakit.
"Ano lalaban pa kayo?" nanggagalaiting sigaw ni Aya habang nakaheadlock sa isa sa natitirang tatlo.
"B-bitiwan mo ako!" pagpupumiglas nito.
"Bibitawan kita kapag ipinangako niyong hinding-hindi niyo na kakantihin si Eriol at yung kambal."paniniguro ni Aya at mas lalo pang hinigpitan yung headlock niya.
"A-aray!...Oo na! Pina-pangako n-namin!" nahihirapan nitong sagot.
"Ang hina. Hindi ko marinig!" hindi kontentong saad ni Aya.
"P-pangako!" ulit nito.
"Mabilis naman pala kayong ka-usap eh." binitawan na siya ni Aya at itinulak ng malakas doon sa pwesto ng dalawang lalaki na namimilipit pa rin sa sakit at sabay-sabay silang kumaripas ng takbo.
"Yehey! Ang astig ng mga Ate namin!" sabay na sigaw nung kambal at may kasama pang talon at palakpak.
"Sooo easy!" komento ni Trianne sabay flip ng hair.
Isang malupet na mannerism ni Trianne ang pag-flip niya ng hair. Promise!
Nilapitan ko si Eriol na naka-awang ang bibig at gulat na gulat sa nangyari. Ito kasi ang unang beses niyang makita kaming lumaban ng harap-harapan unlike yung kambal na nakita na kami minsan noong hinarang kami dati sa Park ng Subdivision nila Emery.
"Wag mo ako isusumbong kay Daddy ah." naka-nguso kong paki-usap sa kanya.
Kumurap-kurap muna siya bago itinikom yung bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "So it's true. The twins are not lying and the rumors...at school." aniya.
"Sabi sayo Kuya, Astig si Ate Erin!" pagmamalaki ni River.
"Hindi lang siya, lahat silang magkakaibigan!" sang-ayon ni Raven.
"Kami pa ba?" taas-noong sabi ni Aya at lumapit sa kambal."Tara na, umuwi na tayo baka may back-up pa yung mga yun." hinawakan niya ito sa magkabilang kamay at na-una ng umalis.
"Let's go." sabi ni Trianne at sumunod kay Aya.
Hinila ko na si Eriol na gulantang pa rin at sumunod na rin sa kanila.
*****
Nanay tatay gusto kong tinapay, ate kuya gusto kong kape. Laha~
"Wag nga kayong malikot. Nakaka-hilo kayo."putol ni Eriol sa paglalaro nung kambal. Sumimangot tuloy sila.
Kahit walking distance nalang yung layo ng Subdivision namin ay pinilit pa rin ni Trianne na ihatid kami hanggang bahay para masigurong ligtas kami. Kaya, heto kami ngayon, parang malupet na sardinas sa back seat. Kalong-kalong ko si River samantalang si Eriol ay kay Raven.
"We're here." wika ni Trianne.
Huminto na yung kotse sa tapat ng gate namin. Bumaba muna sina Aya at Emery para di kami mahirapan ni Eriol at ng kambal sa pagbaba.
"Kambal, magpaalam na kayo at mag Thank you." utos ko sa kambal pagka-baba namin.
"Bye-bye and Thank you po, Ate Aya!" Magiliw at sabay nilang sabi. Nilapitan nila si Aya at hinila pababa para mahalikan sa magkabilang pisngi. "Bye-bye and Thank you po, Ate Emery!" sunod naman nilang hinila si Emery pababa at hinalikan sa magkabilang pisngi. "Bye-bye and Thank you po, Ate Trianne!" sabay nilang flying kiss kay Trianne na naka-dungaw sa bukas na bintana ng kotse.
"Bye, Twinnie pumpkins!" maarte niyang paalam at nag-flying kiss rin. Tumakbo na papasok sa gate yung kambal.
"Mag-Thank you ka rin." sunod na utos ko naman kay Eriol at iniharap sa mga kaibigan ko.
"Kiss mo nalang din ako sa pisngi, Pogi." naka-ngisi na si Aya.
Ngumiwi si Eriol. "Si Mommy at Ate lang ang kini-kiss ko."
Ngumiti si Aya ng nakakaloko. "Sus, nahiya ka pa. Dali na, hindi ko sasabihin kay Maiane." itinaas-baba pa niya ang kilay.
Biglang namula yung mukha ni Eriol. "Stop it, Ate Aya." Sinulyapan niya si Trianne na nakataas na pala ang kilay at nagdududang nakatingin sa kanya. Napa-lunok siya at binalik ang tingin kay Aya. "Thank you."
"Anytime, Pogi." hindi pa rin matanggal ang nakakaloko nitong ngiti sa kanya. Tumango si Aya sa akin. "Alis na kami." paalam niya tapos hinila na si Emery. "Sakay na, Genius."
Nakangiting kumaway si Emery sa amin bago sumakay ng kotse.
"See you tomorrow." paalam din ni Trianne at isinara na yung bintana.
Pumasok na kami sa loob ng gate nang naka-alis na yung kotse.
"Cassidy Erin...Crixtan Eriol..." bungad sa amin ni Mama pag-pasok namin sa Main door ng bahay. Dumako yung tingin ko sa kambal na walang imik na naka-upo sa mahabang couch.
Kapag tinawag kami sa kumpletong pangalan, paniguradong may nalaman si Mama na nagawa naming mali o kaya naman ay...galit siya!
Bigla akong kinabahan, nagtinginan pa kami ni Eriol na tila nagtatanong sa isa't-isa kung nalaman ba ni Mama yung nangyari kanina o kung nagsumbong ba yung kambal?
"Ano yung nabalitaan kong mga request niyo sa Mommy La ninyo?" pagtitimping tanong ni Mama.
Naka-hinga ako ng maluwag dahil katapusan na namin este akala ko nalaman ni mama yung kaninang malupet na sagupaan namin sa Totoy Trios. Feel na feel ko pa yung paghila ng kwelyo nung isa. Char!
"Tabihan niyo yung kambal." Malamig pang dagdag ni Mama.
Alam na!
Nag-unahan kami ni Eriol na umupo sa dulo ng Couch dahil ayaw naming umupo malapit kay Mama kasi nanghahampas yan ng throw pillow bigla-bigla. Mabuti nalang mabilis akong gumalaw kapag kinakabahan o natataranta kaya naunahan ko yung kapatid ko. Napilitan tuloy siyang umupo sa unahan. Nasa gitna namin yung kambal na parang mga inagawan ng laruan yung mga itsura.
Tumayo si Mama malapit kay Eriol at salubong yung kilay habang palipat-lipat ng tingin sa aming apat.
"Sa lahat ng apo ng Mommy La ninyo, kayo ang may pinaka-mahal na request na pasalubong. Hindi mura ang bilihin sa States, akala niyo?"
Tara na po't makinig sa Sermon 101 ni Architect Ereena Juliana.
"Nakakahiya kayo, ano nalang ang sasabihin ng relatives natin? Na may favoritism yung Mommy La ninyo?"
Napa-lunok kaming apat nang may abutin si Mama sa pang isahang Sofa. Naka-hinga kami ng maluwag dahil yung Cellphone lang pala ang kinuha at hindi throw pillow.
"Tatawagan ko ang Mommy La ninyo at sasabihin niyong cancelled na lahat ng request niyo sa kanya." Ma-awtoridad na sabi ni Mama habang nagpipipindot sa Cellphone.
"Pero Mama gusto ko po yung XBOX." maktol ni River.
"Ako din po Mama, gusto ko po yung PS5." Segundo ni Raven.
"Pang ilang XBOX at PS5 niyo na yan ha? River Clauxe? Raven Clyze?"
Nag-roll call na si Mama!
Hindi na ako kumibo dahil mas magagalit sa akin si Mama kapag nalaman niyang Electric drum set yung request ko kay Mommy La. Hindi na rin kumibo si Eriol dahil paniguradong mas malupet ang request niyan. Sa aming magkakapatid, siya ang favorite ni Mommy La dahil kamukha daw nito si Daddy Lo noong kabataan niya.
"Tapos kapag nabilhan kayo, ano? Sisirain niyo nanaman? Hindi ko kayo pina-laki para mamihasa at hindi ko kayo pina-laki para pumerwisyo ng iba. Hindi sa lahat ng oras makukuha niyo yung mga gusto niyo."
Mai-iyak na yung kambal. Dapat kasi iba nalang ang nirequest nila eh para may panibago silang masisira. Chos!
"Matuto kayong makontento kung anong mayroon sa harap ninyo. We want you to practice yourselves on how to prioritize your needs and your wants." Hinilot ng kanang kamay ni Mama yung sintido niya habang yung kaliwa ay nakahawak sa cellphone. Nagpipipindot pa rin. "Kasalanan 'to ng Daddy ninyo eh, masyado kayong ini-spoil."
Hindi pa rin humihinto si Mama sa Sermon 101 for the day.
Big deal kasi kay Mama kapag mga ganyang usapin. Okay lang kung sa kanila ka magrequest kasi responsibilidad nilang tugunan yun pero yung mag-request ka sa iba? Ayaw na ayaw niya yun. Lumalabas daw kasi na parang hindi nila kayang ibigay lahat ng gusto namin.
Si Mama ay isang kilalang Architect at si Daddy naman ay isang kilalang Civil Engineer. Mayroong sariling Construction Company ang pamilya namin at kilala ito sa buong bansa.
Ako ang panganay sa aming magkakapatid at ako pa ang nag-iisang maganda. Char lang, nagmana ako kay Mama sa ganda.
I'm 16 years old at 3 years ang agwat namin ni Eriol tapos 6 years naman ang agwat ko sa kambal na tadhana. Pareho kaming pumapasok sa Westdale ni Eriol tapos yung Kambal naman ay sa kabilang planeta. Charot! Sa isang private school din sila kung saan ako grumaduate ng Elementary kasama yung apat na babaita kong kaibigan.
"Hindi ako na-inform na may meeting de avance ang pamilya ko."
Umagaw sa atensyon namin ang boses ni Daddy.
"Daddy!"
Maligalig na tumakbo yung kambal patungo sa kanya at gaya ko kanina ay muntikan na rin matumba si Daddy dahil patalon din siyang sinalubong ng kambal.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nakakita nanaman ng kakampi." Ungot ni Mama at tinignan si Daddy ng masama. Lumapit si Daddy sa pwesto namin buhat-buhat yung kambal.
Ang lakas mo Daddy, nabuhat mo yung kambal na tadhana!
Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin hanggang sa pumirmi ang tingin nito kay Mama.
"Hayaan mo na, Ereena my labs. Si Mommy naman ang nag-insist na bilhan yung mga bata eh. 2 years ng hindi naka-uwi si Mommy dito sa Pinas kaya bumabawi siya sa mga apo niya. Let them be, okay?" Mahinahong paliwanag niya.
"Clyde, hindi naman kasi tama yun eh. Nakakahiya kay Mommy." Depensa ni Mama.
Binaba na ni Daddy yung kambal na himala ay hindi madaldal ngayon.
"Ereena my labs..." suyo ni Daddy kay Mama at bahagyang niyakap sa likod.
"Kids, go to your room now. Magu-usap lang kami ng Mama niyo. I'll call you when the dinner is ready." Utos niya sa amin at saka kami kinindatan.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at nag-unahan na kami paakyat ng hagdanan papunta sa kwarto namin sa 2nd floor ng bahay. Muntikan pa akong madapa dahil tinulak ako ng malupet nung kambal. Kitang-kita sa mukha nila yung tuwa kaya wala na silang paki-elam sa paligid nila.
Nakarating na ako sa kwarto at napasalampak sa kama kaso tumusok sa likod ko yung alarm clock ko. Hindi ko nga pala na-ilapag ng maayos sa bedside table ko dahil sa pagmamadali kaninang umaga.
Iyak tawa kong hinimas yung natusok na parte ng likod ko habang ina-ayos yung kama ko. Hindi lang pala yung alarm clock yung nasa higaan ko pati yung towel kong hindi ko na nasampay at iba pang gamit na sabog-sabog sa paligid ng kwarto.
Ang maga-ganda, minsan burara. Minsan lang ha? Hindi madalas!
Pagkatapos kong mag-ayos sa kwarto kong parang dinaanan ng bagyong Cassidy ay nagshower na ako para freshy-freshy tayo. After kong mag-shower ay tumungo ako sa aking closet. Ang nag-iisang kagandahan ko sa pamilya ay may Closet din noh?
Pagkatapos kong magbihis ay tumungo ako sa Vanity table para suklayin ang oh so fresh kong hair na shinampoo lang yan. Chos!
Paglapag ko ng suklay sa table ay nasagi ko yung picture frame naming magka-kaibigan noong nag-champion kami sa Battle of the Bands sa Westdale noong Second Year kami.
"The AMICIS Band." mahinang basa ko sa banner na hawak ni Aya at isa pang babae na hindi ko kilala. Katabi ko sa likod nung banner si Trianne, Natalie at Emery na hawak naman yung trophy. And saya-saya namin dito. Sumikat pa nga kami sa buong School eh kaso ilang months lang yun dahil nagkaroon kami ng issue at dahil doon nagbago yung tingin sa amin ng buong School. We became the bad-a*s.
Hindi matanggal yung tingin ko doon sa babae na kasama ni Aya na nakahawak sa banner. Nilipat ko yung tingin ko sa iba pang pictures na naka-dikit sa Photo Collage Board ko sa wall at nandoon din siya. Halos lahat.
Napa-isip ako. Sino kaya siya? Hanggang sa may na-realize ako.
"Hindi kaya-"
"Ate? Can we talk?"
Putol ng kung sinong istorbo sa sasabihin ko at kumatok pa ito ng ilang beses sa pinto ko. Ayan tuloy, biglang na-blanko yung utak ko at hindi ko na alam kung ano na ulit yung na-isip ko kanina. Hayyy wala nga kasi akong isip. Joke!
Walang kabuhay-buhay kong pinagbuksan si Eriol. Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha.
"Pasok ka mura na Prinsipe." sabi ko. Hindi nga kasi siya mahal na prinsipe.
Dumeretso siya sa loob at umupo sa gilid ng kama ko. "Tell me." aniya.
"Anong sasabihin ko?" inosente kong tanong sa kanya at pasalampak na umupo sa bean bag kong may mukha ni Ryoma my labs!
Sinamaan niya ako ng tingin. "Yung kanina...kelan ka pa natuto ng ganoon, Ate?"
Hinawakan ko yung baba ko habang ina-alala kung kelan ko nga ba natutunan yun?
"Hmm...tinuruan kami ni Kuya Rockwell ng Martial Arts for self-defense." sagot ko sa kanya ng ma-alala ko.
Nagugulat niya akong tingnan. "M-martial Arts? Kami?"
Tumango ako. "Oo. Ako, si Natalie, Trianne, Emery at pati na rin si Aya kahit Black belter na siya sa Taekwondo."
"Woah." bulalas niya. "Black Belter na pala si Ate Aya sa Taekwondo? kaya pala ang galing niya kanina."
"Sinabi mo pa. Kaya nga siya ang pambato ng Westdale sa Taekwondo eh."
"Make sense." sang-ayon niya. "How about the rumors?"
"Anong rumors?"
"I heard you had a g**g? Kayong lima."
Napakurap-kurap ako. "g**g? Wala kaming g**g noh? Anong akala mo sa amin? Gangster?"
Napa-ngiwi siya at hinimas yung batok niya. "Well...it's just a rumor."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ang hilig mo sa tsismis. Ayan tuloy nag-conclude ka kaagad dahil diyan."
"That's I why asked you diba? For certainty." depensa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil may na-alala ako. "At kelan ka naman naging playboy?"
"I'm not a playboy!" mabilis niyang tanggi. "Yung mga babae nga kasi ang lumalapit sa akin. Magugulat nalang ako na may girlfriend daw ako kahit wala naman. I'm still young for those things."
Tumango-tango ako. "Mabuti naman. Wag mong paglalaruan ang damdamin ng isang babae. Daig pa ni Flash ang malupet na karma, sinasabi ko sayo."
Bumuntong-hininga siya. "I know."
Tumayo siya sa gilid ng kama at may pinulot sa sahig. Picture yun na nalaglag siguro sa Photo Collage Board.
Tinitigan niya iyon ng ilang segundo. Tatanungin ko sana kung anong picture yun dahil natulala siya nang may kumatok sa pintuan. Bahagyang naka-awang yun kaya sumulpot yung ulo ni Daddy.
"Dinner is ready." naka-ngiti niyang sabi sa akin. Lumipat ang tingin niya kay Eriol "Kaya pala walang sumasagot sa kwarto mo, andito ka lang pala sa Ate mo. Baba na kayo, tatawagin ko pa yung kambal." Aya niya at saka umalis.
Sumulyap ako kay Eriol na mabilis na napa-mulsa at nag-iwas ng tingin. "Tara na, Ate." anyaya niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto pero pinigilan ko siya.
"Wag mo sasabihin kay Daddy yung nasaksihan mo kanina ah?" paki-usap ko sa kanya.
Mabilis siyang tumango at nagmamadaling ng lumabas ng kwarto.
Susunod na sana ako ng nahagip ng mata ko yung Drum sticks na naka-lapag sa bedside table ko. Ilalagay ko na sana ito sa drawer nang makita ko yung naka-ukit sa bandang hawakan nito.
VERUS
Bumuntong-hininga ako at isinilid na sa drawer ko yung drum sticks at lumabas na ng kwarto.
Na-mimiss ko na talagang mag-banda...Sila kaya? Na-mimiss na din ba nila?
***