Prologue: Ang pakikilala

1168 Words
Isang sumisikat na kaumagahan ang gumigising sa bawat tao sa Subic. Ang iba ay oras na para magtrabaho, Ang iba naman ay makikita mong pabalik na mula sa paglalaot, Meron ding pauwi na mula sa kanilang trabaho, Mga taong bumababa sa mga bus at jeep, yuhg iba naman ay sumakay, at meron din yung. Pagising palang. "naaak! gising na! papasok kapa!" Isang boses ang narinig kong lumabas sa aking ina at namulat ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Lumabas agad ako ng kwarto para kuwain ng almusal. As usual ang papa ko ay kasabay ko at siya ay naliligo muna. Mabilis akong kumain ng almusal at kinuha ang tuwalya na nakasampay sa labas at naligo na. Ako nga pala si Miguel Greeves, Habang ngsisipilyo ako at nakaharap sa salamin. Ako ay may katamtamang taas, average pero sa magkakaibigan ako ang maliit, Bilugan ang mata, medyo matangos ang ilong makapal ang labi at may abnormal na ngiti. Ewan ko ba, Ang creepy ko ngumiti. ala sais imedia na ng nakalabas ako ng bahay nag mamadali akong naglalakad at ayokong mahuli sa klase ko. Mula sa paglalakad sa malayo marami akong nakakasalubong na mga kapwa ko estudyante. At nandito ang dalawa kong matatalik na kaibigan. Si Athan Osman, Matangkad, payat at may makapal na buhok na tila tumatakip sa kaniyang mata. At sa kanan ko si Berman Broche maitim, mas matangkad sa akin pero mas matangkad si Athan sa kaniya, Balingkinitang katawan, may malaking ilong at makapal na bibig. Manipis na kulot ang buhok at palangiti. Dinaanan namin ang mga nagtatayuang building sa Cubao street papunta sa aming paaralan sa Subic National Highschool. Nang biglang nakasalubong namin si Jazz Badger, Dilaw ang buhok, matangkad, balingkinitang katawan at matangos na ilong, kasama ang kaniyang mga kumag na alipores Pupunta na sana ako para pag gugugulpihin sila ngunit hinawakan ni Broche ang balikat ko at pag tingin ko sa kaniya ay umiling siya. Lumiko kami para umiwas. Umikot kami at pumasok sa pang limang kanto at dumaan sa likurang daanan ng paaralan at nakapunta na nga kame. Papasok na kami sa gate ng iskwelahan namin ng biglang isang bell ang narinig namin mula sa aming harap. Mabilisang tumakbo ang mga natirang estudyante at kasama narin ako don. Nagsimula na ang pag aaral ng pumasok ang aming guro. Si ma'am Bulsero. Guro namin sa Physics. Tinuturo niya kung paano gumalaw ang bangka at ang layag nito. Habang nagsasalita siya ng mga numero. Nakadungaw ako sa bintana at pinagmamasdan ang naglalakihang mga building sa Subic, sa di katagalan Isang estudyante ang nakita ko mula sa malayo. Babaeng estudyante. Siya ang babaeng pinagbubulungan at pinag kukwentuhan ng buong iskwelahan dahil sa kaniyang wirdong ginagawa. Di plantsadong palda, Walang Unipormeng pang taas at laging naka white tshirt na maluwag. Huli nanaman ata siya at bumakod nalang ulit. Nakilala ko siya nung naikwento siya ni Broche saken dahil siya ang kasama nito sa thesis. Pero sa pagkakaalam ko. Tapos nako ng thesis at Senior High nako. Kumukuha pala ako ng STEM na strand. Di naman ako fan ng Math pero trip ko kasi yung nahihirapan. Si Osman ay kasama ko at kaklase ko. Si Broche ang nahiwalay dahil mas nauna kami ng taon sa kaniya. Nagkasama kaming lahat ng nung highschool kaso dahil sa family at financial problem nahinto siya ng taon. Sa ngayon tinutuloy niya parin mag aral kahit na nahihirapan. "psst boy" tawag ko kay Osman Nilingon ni Osman ang sarili niya sa salaming bintana at tumingin sakin "Hmm?" "ano bang pangalan nung babaeng kasama ni Broche sa Thesis?" "bakit crush mo?" Gulat na reaksyon na may kasamang pandidiri "tanga!... nakita ko kasi siya sa labas kanina lang" "ewan ko, Wala akong pakielam" sumandal ulit ako at nakinig na. Ganun rin si Athan at tumingin na sa guro. Lumipas ang maraming oras, Pumatak na ang katanghalian at pumunta na kami sa Canteen. Napansin namin si Broche ay wala pa. Madalas yun na uuna samin at ni rereserba kami ng upuan at lamesa ngunit wala siya ngayon at wala kaming mapwestuhan.. Nakita namin si Badger at ang kaniyang mga kasama na lumabas sa banyo at tuwang tuwa. Nagkatinginan kami ni Osman at mabilisang pumasok sa banyo. Pag tadyak namin ng pinto isa isa naming tinignan ang stall at nakita namin si Broche na nakatali sa inidoro ang kamay. Nandidira habang inilalayo ang mukha sa nakalutang na submarine sa maitim itim na kulay champuradong tubig ng inidoro. Agad akong kumuha ng gunting at pinutol ang straw na tali sa kamay nito at tinulak sa lababo. "Putangina!" sigaw ko sa kaniya sabay kamot sa ulo. "Bakit hindi ka lumaban?" banggit ko habang tinitignan siyang nag huhugas ng kamay. Kinuha ni Athan ang sabon at binigay kay Broche. "putanginang Badger yon ayaw tayo tantanan" banggit ni Athan at tumahimik na kami. kinabahan ang mukha ni Broche ng napansin niya kaming tumahik. Kilala niya kaming mga kaibigan. Kapag kami ay tumatahimik ibigsabihin ay bumubuo na kami ng Plano sa isip at isasagawa ito sa susunod na mga minuto. humarap si Broche samin at sinabing "Wag na wag kayong gagawa ng kung ano, Ayoko ng mahuli ng dalawang taon sa highschool dahil lang sa ganito" banggit niya at biglang nag ring na ang bell. Siya ang unang lumabas sa banyo at sumunod na kame ni Athan. Di na kami nakakain ng tanghalian. Pumasok kami sa Classroom na kumakalam ang sikmura. Ngunit patago kaming kumakain ni Athan sa likod habang nakikinig. madalas akong dumudungaw sa bintana para makita si Broche ng ganitong oras dahil uwian na ng mga junior high. Ngunit nagulat ako sa nakita ko pagkadungaw ko sa bintana. Nakita ko si Broche na kinakaladkad ni Badger at may kasama siya. Kinalabit ko si Athan at napatingin. Gusto naming puntahan at natataranta na kami. Agad kaming lumabas sa aming Aralin Panlipunan subject at bumaba. Mabilis kaming bumaba sa hagdan at tumakbo sa malawak na quadrangle sa harapan ng mga building ng skwelshan. Tinalon ang mga bush at mga bench at nagmamadaling makapasok sa building kung saan namin nakita si Broche. Malakas na kalabog ang umingay sa walang lamang hallway ng junior high at paakyat sa rooftop nakita ko ang mga grupo ni Badger na hawak ang duguang si Broche. Agad akong tumalon at sinalubong ng sipa ang mukha ni Broche. Sabay isang malakas na suntok ang pinaulan ko sa lahat ng nasa harapan ko. Lumaban na rin si Athan at ginamit ang kanyang mahahabang hita para pagsisipain ang mga kasama ni Badger. Agad kong kinuha si Broche at kinaladkad papalayo sa kanila. Nag simula na ang bell at uwian narin namin. Maraming tao ang nakasalubong namin at maraming mga kasama ni Badger ang nasa likod namin. Hindi namin ito alintana at patuloy ng lumayo sa gulo. Papalabas kami at hingal na hingal. Nakahawak ako sa tuhod ko at nakayuko. Sabay humingang malalim. Sa interseksyon kung saan kami palaging huling nagkikita para magkahiwalay ay dun na kami ulit nagpaalam at kinabukasan ay magkikita ulit kami para sa haharapin naming pagsubok sa iskwelahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD