Berman Broche

1125 Words
Kinahapunan at uwian na. Patuloy kami sa pag lalakad ni Athan. Tintignan ang paligid dahil simula umaga ay hindi na namin nakita si Broche. Hinanap namin ang bawat sulok ng kwadranggel at pumasok sa bawat silid. Mag aalas siete na at ang araw ay bumababa na. Nakikita sa malawak na hallway ang dahan dahang pagbagsak ng liwanag nito at pag taas ng bawat anino sa bawat bintana ng aming nilalakaran. Umakyat kami ni Osman sa hagdanan at papunta sa pinaka dulo. Narinig namin ang isang malakas na kalabog at pag bukas namin ay nakita ko ang babaeng kasama ni Broche sa Thesis na basang basa at hapong hapo. Natataranta at hindi alam ang gagawin. Umalis siya at sinalubong kami ngunit di kami pinansin. Hinablot ko ang basa niyang damit tinignan siyang mabuti. Inalog ko ang balikat niya at tingnan ang mata niya. Ang mata nito ay hindi mapakali ngunit tinanong ko paren. "Nakita mo si Broche?" hindi siya umimik at nakita ko ang bakal na manipis na kadena hawak niya sa kaniyang kanang kamay. Kinuha ko ito at nakita ko ang isang kakaibang pendant. Agad niya itong ibinigay sakin at umalis na papalayo samin. Tinitidgan kong mabuti ang pendant at tila parang may bumubulong sakin dito. Lumiliwang ang pendant sa mata ko at nakatitig lang ako dito. Nang biglang tinawag ako ni Osman. tumango siya na ang senyales na yon ay wala siyang nakita at kailangan na naming umalis dito. Alas siete trenta na ng nalibot namin ang buong campus at wala kaming nakita kahit ang anino ni Broche. Kinabukasan ay sabado kaya't balak namin puntahan si Broche sa kanilang bahay. Flame, Guns, and swords. Voyage and conquer the worlds. Isang boses ang gumising sakin at namulat ang aking mata na may buntong hininga. Kinaumagahan. Sumilip ako sa bintana at tinignan ang kabataan na nagsisimula ng tumambay sa labas. Agad akong bumaba at pumunta sa salas. Pinalaman ko sa tinapay ang dalawang itlog at dala dala ang maliit na bag umalis nako para pumunta sa bahay ni Osman. Pumalakpak ako at nagpa suwit at mula sa bintana ng kaniyang kwarto ay sumilip siya. Sabay sara ng kurtina. Di nagtagal ay bumaba narin siya dala ang bola ng basketball at dumeretso kami sa bahay ni Broche. Ngunit nagulat na kami sa aming nakita. Mga pulis at umiiyak ang magulang ni Broche. Nagtanong ako at lumapit. "Tita, Asan po si Broche?" sumagot ang Pulis "24 hours na siyang nawawala, reported missing na siya, May alam ba kayo saan niyo siya huling nakita?" "Ang huli naming pagkikita e yung isang araw. Nagwatak watak na kami sa interseksyon dun sa kanto ng alas siete" "oo nakita namin sa cctv, May kilala ba kayong iba pang kakilala na pupuntahan?" "Wala na po" "Kaaway?" "Meron po" Nagkatinginan kami ni Osman at sabay na nag salita. "Si Badger" Sakay ng Mobile, Pumunta kami sa Bahay ni Badger at tinanong siya ng mga pulis. Pumasok sa bahay at kinausap ang mga magulang nito mula sa pambubully na pisikal ng kanilang anak. Nakatingin ng masama samin si Badger at pinunta na siya sa Pulis Station. Katanghalian at tapos na kami kumain. Sa my covered court nakaupo ako at si Osman ay nagbabasketball habang nag uusap kami. "Ano kaya ginawa ni Badger kay Broche" Tanong ko. at sumagot si Osman. "Hindi niya naman sana pinatay yon at papatayin ko siya" "papatayin natin siya, Pero bakit bigla biglang nawawala naman si Broche?" "sabi nga ng mga Pulis. Kinagabihan lumabas paraw siya dahil may tumatawag daw sa kaniya, Tapos Hindi na bumalik" "oo nga e. hindi rin sinabi kung sino ang tumawag o ano ang dahilan, Bigla nalang siya nawala" "Isang araw ng nawawala si Broche" sabay pasa ni Osman ng bola sakin at itinira ko mula sa labas ng linya. "tres!" banggit ko at hindi pumasok ang bola. "Tara" banggit ko at kinuha ang bag. Umuwi na kami. Pagkatapos kong kumain ng hapunan, dumeretso na ko sa kwarto ko at humiga sa kama. Sabay ipinikit ang mata. Tuluyan na rin akong nakatulog. Flames, Guns and swords. Voyage and Conquer the Worlds Nagising ako at naghilamos na. Linggo ngayon kailangan kong gumawa ng assignment. Hanggang ngayon wala paring balita kay Broche. Sinubukan kong contactin ang magulang nito ngunit Hindi parin nila ito nakikita. "Flames, Guns and Swords. Voyage and conquer the worlds" banggit ko habang kumakain at nakaharap sa tv. napapatanong ako sa sarili ko. Kung ano yung napapanaginipan ko tuwing gabi. Nagulat ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko. Tumingin ako sa labas at nakita ko si Osman na nakangiti. "Boy tingnan mo nakita ko" banggit niya at tinignan ko yung cellphone niya. nakita ko ang sapatos nito at nandito na kami sa mismong kung saan niya ito nakita. tinawagan namin ang mga Pulis para alamin kung ano ito. Hinanap namin ang paligid at dumeretso kami kung saan pa ang mismong nakakagulat. Ang isa pang Pendant na kamukha nung nakita kong hawak nung babae nung isang araw. Dalawa itong nasa lapag at kinuha ko. Pinakita ko ito at ipinaliwanag kay Osman. Ngunit di namin sinabi sa Pulis dahil ayaw naming pangunahan ng aming conclusion. Maaga palang ay umuwi na kami at nagusap sa GC. Habang nakahiga ako sa aking kama at pinagmamasdan ang kisame. Hinahanap na namin sa Friend's Book ang babaeng kasama niya sa thesis. Hindi namin ito mahanap at wala sa mga iba pang GCs. Sabi nila ay wala daw itong social medias at kung anong komunikasyon. Ngunit alam nila ang bahay. Agad akong tumayo at kinuha ang mga pendant at inilagay sa bag. Dumeretso kami ni Osman sa sinabing lugar at nakita namin na maraming dikit dikit na bahay dito. Dahan dahan kaming pumasok at nakita namin ang kaniyang mga kapit bahay na tinitignan kami at mukha kaming kakainin ng buo. Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan. Umayon sa deskripyon ng nasa cp ko ang bahay nayon at kumatok kami. Bumukas ang bahay at pinapasok kami ng babae. pinakita ko ang Pendant sa kaniya at nagulat siya. Itinago niya ito sa kamay ko at nagsalita ng mabilis. "Ganito, Alam ko iisipin niyo baliw ako, Pero naniniwala ba kayo sa time travel?" Nagkatinginan kami ni Osman at sumagot ako "putanginamo, niloloko mo kame" "hindi ko kayo niloloko. Ito ang susi sa kabilang mundo, o kabilang panahon. hindi ko alam. Nag aaral kami ng aming final thesis para sa Innovative ways para pag aralan ang Magnetic Force, Kung ano ang magagawa nito. Pero aksidente. Aksidente naming nahanap itong pendants nato" "umuwi na tayo baliw to" "hindi ako baliw! maniwala kayo! please!" at isinara namin ang pinto at umalis na kami sa lugar na yon. "Tama nga sinabi nila, Baliw nga yung isang yon" Naglakad na kami pauwi at nagpaalam na sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD