KYLIE ANNE's POV**
One month kaming naka leave na mag asawa sa aming trabaho at kung hindi pa sapat ay baka mag extend pa kami ulit ng ilang linggo pa. Halos parang ako nga lang ang naka leave eh. Ang mister ko kasi ay naka monitor pa rin every day. Nag wo-work pa din sa laptop niya sa gabi pero kami pa rin ang priority niya.
Pupunta kami sa iba't ibang lugar ni Jacob. Napag kasunduan namin na mag spend kami ng honeymoon namin sa iba't-ibang probinsya ng Pilipinas at sa piling ibang bansa pagkatapos. Ayaw namin na gumastos kami ng malaki para lang mag-liw aliw, though wala naman masama dun deserve mo naman yun lalo na kung after ng hard works mo. Pero kami ni Jacob, mas pinili namin ang maging layunin ang makapag abot ng kahit simpleng tulong man lang sa mga kababayan natin. Makikisalamuha kami sa pang araw-araw na buhay nila doon sa probinsya. Wala naman problema sa amin ang matulog sa katre na walang foam at puro pananim na gulay ang ulam. Hindi kami maselan. Kaming tatlo na lang nila Jacob at Kyler. Sina mama at papa ay umuwi na sa Cavite. Doon na muna sa kanila si Haide dahil wala siyang kasama sa bahay.
Nakipag ugnayan ang asawa ko sa lokal na pamahalaan para sa nais namin na mag bigay ng kaunting tulong at para ma-guide na rin kami dahil hindi namin kabisado ang lugar. Sila ang mag papakilala sa amin sa mga mamamayan doon. Mayroon na rin kaming pansamantalang matitirahan sa ilang linggong pag stay namin doon.
Ang una namin napili puntahan ay ang bayan ng Docol, Baleno, Masbate. Napaka payak lang ng pamumuhay doon at probinsyang probinsya talaga ang itsura. Mas marami ka pa rin makikitang kulay green sa paligid dahil sa mga damo, puno at mga pananim.
Kadarating lang namin ngayon dito, kakatapos lang din kami ipakilala ni Kapitan sa mga ka-barangay nila. Nag papasalamat kaming mag-asawa sa mainit na pag tanggap nila sa amin. Napapangiti naman ako dahil nakikita ko ang pamamangha nila sa asawa ko, may lahing foreigner kasi si Jacob kaya pansinin talaga siya at napaka gwapo naman din talaga kasi ng asawa ko.
"Dito ang magiging tirahan niyo sir at ma'am. Sigurado ba kayo na mas gusto niyo dito tumuloy? Solar lang ang pinaka magiging source ng ilaw niyo at lampara."
"Wala hong problema sa amin, kap. May dala namin kaming baterya na pwede magpa gana ng ibang kagamitan. Nariyan din naman ang mga tauhan ng asawa ko na pwedeng mautusan kung sakaling may iba pa kaming kailangan."
"Mabuti naman kung ganun. Kung ganun, sana mag enjoy kayo sa pag stay dito. Pupunta na lang ako dito araw-araw para tignan ang lagay niyo. "
"Maraming salamat, kapitan. Bukas na bukas din ay mag sisimula na kami magpa feeding program ni misis."
"Napaka bubuti niyong tao. Maraming salamat dahil isa kami sa napili niyong bigyan ng tulong."
Dalawang bahay ang inukopa namin, para sa amin at para sa mga tauhan ni Jacob. Balak namin mamahagi ng groceries at mamagagi ng pagkain mula almusal hanggang hapunan. May mga tauhan na kami na naka toka sa mga gawaing iyon at sa pag se-serve ay tutulong din kaming pamilya.
May mga kapit bahay din kami dito na nag alok na gusto daw din nilang tumulong sa iba pang mga gawain. May mga nag abot din sa amin ng mga bunga ng pananim nila. Nakakatuwa lang dahil uso pa rin ang bayanihan dito.
Ngayong araw ay mag papahinga na muna kami. Tanghali pa lang naman kaya mahaba-haba pa ang magiging pahinga namin. Natutuwa ako sa mag ama ko dahil may mga naging kapalagayan loob na rin sila sa mga kapit bahay. Nasa labas sila parehas at nakikipag kwentuhan. Ako ay narito sa balkonahe. Si Kyler ay may mga kalaro na agad. Kapansin pansin yung isang batang babae na kalaro niya. Mas maayos ang pananamit nito kumpara sa iba. Napaka cute din niya.
"Anong pangalan mo? Bago lang kayo dito? "
Tanong nung batang babae. Palagay ko ay kaedad lang siya ng anak ko.
"Kyler Austin ang pangalan ko. Ikaw? "
" Samantha Hailey. Sam ang tawag nila sa akin. "
"You're pretty. "
Asus ang binata ko, marunong na mambola sa babae.
"Huh? "
"Wala. Sabi ko laro tayo. "
Napangiti naman ako sa kanila. Ang anak ko talaga, mana sa pinag manahan.
Kinahapunan ay nag luto ako ng makakain namin meryenda. Tinulungan ako ng dalawa naming kapit bahay. Si Ate Melba at si nanay Paseng. Gumagawa kami ngayon ng sumang balinghoy. Gusto daw kasi ng asawa ko matikman ang iba't ibang klase ng kakanin sa probinsya.
Madami-dami din kaming giniwa kaya palagay ko naman ay mag kakasya ito sa aming lahat. Mayroon kaming lamesang gawa sa kahoy sa labas ng bahay kung nasaan ang nag sama-sama kami ng aming mga kapitbahay.
Masaya na kaming kumakain ng niluto naming sumang balinghoy kapared ang kapeng barako. Nabulabog na lang kami ng makarinig kami ng sigaw.
"SAMAANTHA! Halika nga ditong bata ka! Hindi ba sabi ko sayo wag kang lalabas ng bahay atag aral ka! Bwisit ka talaga! "
Galit na galit na sigaw ng isang ginang at may hawak pang pamatpat. Biglang tumakbo papunta sa akin si Sam tsaka sumiksik sa akin. Nanginginig siya sa takot.
"Wag po, mommy. Masakit po!"
Nang makita ko sa malapitan si Sam doon ko nakita ang mga bakas ng latay sa likod niya. Kita ko din ang matinding takot sa mga mata niya. Niyakap ko si Sam para maramdaman niyang safe siya sa akin. Bago pa man tuluyang makalapit sa akin ang tinawag na mommy ni Sam ay nakaharang na agad sa amin ang asawa ko.
"Excuse me ma'am. Natatakot ho sa inyo ang bata. Kaano-ano niya po kayo? "
Mataray at mukhang palaban naman tumingin sa asawa ko ang ginang.
"Ano bang pakialam mo? Nanay niya ko. Wag kayo makikialam sa amin! "
Lumapit sa amin ni Sam ang ginang at sapilitang hinila ang bata. Walang pag iingat niya ito hinawakan sa braso na halos mamula na ang kawawang braso ng bata. Pilit yumayakap sa akin si Sam habang umiiyak.
"Let go of her, you bad woman! "
Galit na galit na sigaw ng anak ko.
"Ah, ma'am saglit lang po. Baka pwedeng mag usap po muna tayo. Nasasaktan na kasi ang bata sa ginagawa mo. "
Mahinahon kong pakiusap.
"Sino ba kayo? Mukhang dayo lang naman kayo dito! Wala kayong pakialam kung paano ko disiplinahin ang pasaway na batang ito! Halika ng bata ka! "
"Emily, wag mo naman saktan ang bata. Mali naman yang pamamaraan mo ng pag disiplina. Palaging puro latay ang inaabot sa iyo ng bata. "
Sabi ni ate Melba.
"Eh ano ngayon? Sa napaka tigas ng ulo ng batang ito eh! Kaya dapat lang sa kaniya yan! "
Sa huli ay wala na kaming magawa ng sapilitan niyang kaladkarin si Sam. Awang-awa ako sa bata dahil habang kinakaladkad niya ito ay hinahampas niya ng stick na hawak niya.
Bakit ganun siya sa anak niya? May ganun ba talagang nanay? Hindi ko ma-imagine na gagawin ko yan sa anak ko.
Ang mga kapit bahay namin ay puno din ng awa sa kanilang itsura. Nakita ko si Kyler na hawak ang kaniyang selpon at nakatutok sa papalayong si Sam at ang mommy niya.
"Anak? "
"Kinuhaan ko sila ng video mama, yung pananakit ng mommy ni Sam sa kaniya for our evidence. Mama, Papa, please let's help Sam! "
Pakiusap ng anak ko. Miski siya naawa sa mga nakita niya kay Sam.
"Don't worry, anak. We will help her. I will ask the help of the authorities."
Pangako ni Jacob kay Kyler.
"Naku, sir! Matagal na naman yan sinabi sa baranggay pero miski sila walang magawa. Hinaharang kasi ng asawa niyang Emily dahil nag ta-trabaho yun kay Mayor at malakas ang kapit."
"Madalas ba nangyayari yun? "
Usisa ko.
"Ay oo, ma'am! Palibhasa kasi hindi niya totoong anak si Sam kaya wala lang sa kaniya na saktan ang anak ng asawa niya."
Ganun ba talaga dapat? Porke't hindi mo kadugo ang bata, okay lang na saktan?
"Iyang si Emily kasi, kabit lang talaga yan. Ang totoong asawa na si Hannah ay namatay dahil sa kagagawan din nila. Inatake sa puso ng mahuli niya ang dalawa na magka patong sa kama at matagal na pala siyang niloloko. Magkaibigan yan sila noon nung kabataan nila, may lihim na inggit pala."
"Ang tatay naman ni Sam na si Simon ay parang wala namang pakialam kung paano disiplinahin ng kabit niya ang anak niya. Mas kinakampihan pa nga ang kabit kaysa sa anak. Kaya noong inireklamo namin sa barangay nag pananakit ni Emily sa bata, si Simon pa ang gumawa ng paraan para hindi makasuhan yang si Emily. Kaya hindi na lang din kami nakikialam. Palagi natakas si Sam at dito na punta para makatakas sa kalupitan ng step mother niya. Pag naalis kasi yun, kinukulong niya lang sa loob ng bahay si Sam mag hapon. "
Mahabang paliwanag ng kapit bahay. Sobrang nalulungkot ako sa araw araw na dinaranas na stress at trauma ni Sam sa mismong pamilya. Gusto ko siya tulungan, ayaw ko siya magaya kay Tyler na mas pinili na lang bawiin ang buhay kaysa danasin pang muli lahat ng pag hihirap na dinaranas niya sa kamay ng mga magulang niya. Napaka bata pa ni Sam.
Ang asawa ko na mismo ang gumawa ng paraam para makipag ugnayan sa mas mataas na kinauukulan. Malawak ang impluwensiya ni Jacob kaya alam kong makakagawa kami ng paraan para matulungan si Sam.
Sana wala ng bata ang makaranas ng ganito at lahat ng klaseng ng pang mamaltrato at pang aabuso. Let's protect our children. Taniman natin sila ng mga mabubuting bagay at magagandang alaala dahil darating ang panahon, sila naman ang tatanda at lalakas, tayo naman ang manghihina at mangangailangan ng tulong at kalinga nila. Hindi naman lahat pero karamihan sa mga naging kriminal o yung mga nakapatay ng sarili nilang magulang o kahit pa ibang tao, yun ay dahil sa naipong galit sa kanilang puso mula pagka bata.
Walang bayad ang pagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit sa isang bata, anak man natin o hindi. Kaya wag natin ipagdamot yun sa kanila.
━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━
PAALALA: HINDI PO AKO PROPESYONAL O EXPERT SA GANITONG KLASE NG USAPIN. LAHAT NG ITO AY AYON LAMANG SA MGA NAKALAP KO ONLINE.
Recognizing signs of trauma in children is crucial for providing the right support. Here are some common signs to look out for:
### Emotional and Behavioral Signs
- **Anxiety and Fear**: Excessive worry, fear, or avoidance of certain situations.
- **Depression**: Sadness, hopelessness, or loss of interest in activities.
- **Anger and Aggression**: Difficulty controlling anger or engaging in aggressive behavior.
- **Withdrawal**: Social isolation, avoidance of others, or difficulty forming relationships.
- **Substance Abuse**: Turning to drugs or alcohol as a coping mechanism.
- **Eating Disorders**: Developing unhealthy eating habits like anorexia or bulimia.
- **Nightmares or Flashbacks**: Reliving the traumatic event through nightmares or intrusive thoughts.
### Physical Signs
- **Chronic Pain**: Physical aches and pains, such as headaches or stomachaches.
- **Changes in Sleep Patterns**: Difficulty falling asleep, staying asleep, or frequent nightmares.
- **Changes in Appetite**: Eating significantly more or less than usual.
### Cognitive Signs
- **Difficulty Concentrating**: Trouble focusing on tasks or schoolwork.
- **Memory Problems**: Difficulty remembering things or events.
- **Regression**: Reverting to behaviors from an earlier developmental stage (e.g., bedwetting, thumb-sucking).
### Social Signs
- **Difficulty Forming Relationships**: Struggles with making or keeping friends.
- **Trust Issues**: Difficulty trusting others, including adults and peers.
If you notice any of these signs in a child, it's important to seek professional help. Early intervention can make a significant difference in their recovery and well-being.
***
End of chapter 20...
"Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit na inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila AYON sa disiplina at katuruan ng Panginoon. - Mga Taga-Efeso 6:4