KYLIE ANNE’S POV**
Lumipas ang ilang araw ay tuluyan na nag sampa ng kaso ang asawa ko laban sa step-mother ni Sam. Naging katuwang namin ang mga kapitbahay nila at sila ang mga tumayong saksi sa kalupitan na ginagawa kay Sam. Hindi ko lang lubos akalain na sa kabila ng mga sugat at pasa sa katawan ni Sam, mas ipinaglalaban pa ng ama ng bata ang karapatan ng madrastang nanakit sa anak niya kaysa ang hustisya at proteksyon ng anak. Ayaw ko husgahan si Simon sa pagiging ama niya kay Sam pero talagang hindi mawari ng aking isipan kung paano niya natitiis ang ganiyang kalagayan ng anak niya. Siya na lang nag-iisang kakampi sana ng anak niya dahil wala na sa mundo ang ina ng bata.
Para sa aking pananaw ay ang anak ko pa rin ang priority ko, kung hindi kaya tanggapin at mahalin ito ng taong gusto ako maging katuwang sa buhay ay hindi bale na lang. Kaya ko isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para sa kapakanan ng anak ko. Kung ano man ang pinanggagalingan ni Simon, sana palagi niya iisipin ang kapakanan ng anak niya higit nino man.
Sa tulong na rin ng barangay officials, DSWD, at ng gobernador ng Masbate, agad dinakip ng mga pulis si Emily, kaya wala ng nagawa pa si Simon para aregluhin ang kinakasama. Tumayong mga witness ang mga kapitbahay nila Sam at ang malinaw na ebidensya sa katawan ng bata. Para sa mas matibay pa na ebidensya ay ipinasuri pa sa mga doctor si Sam para sa kaniyang mga latay sa katawan at sa isang Psychiatrist. Galit na galit si Emily sa amin ni Jacob ng magharap-harap kami sa presinto.
“Mga walang hiya kayo! Mga pakialamero! Humanda kayo sa akin kapag nakalabas ako dito, hindi ako pababayaan dito ng asawa ko! Grrr! Kayo! Mga chismosa kayo! Inggit lang kayo sakin!” Pag wawala at pag sisigaw ni Emily. Namumula na ang mukha niya sa sobrang galit sa amin.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD si Sam. Sasailalim ang bata sa counseling para matulungan ito na malagpasan ang trauma na inabot mula sa madrasta. Panigurado matutuwa nito si Kyler, siya talaga ang numero uno na nag kumbinse sa amin ng papa niya na ilaban ang kaso ni Sam. Ngayon pa lang ay masayang masaya na ako sa magiging magandang improvement ng bata.
“Are you okay, baby?” Tanong ko sa asawa ko. Narito na kami sa kwarto para mag pahinga. Kanina ko pa kasi napapansin ang pagiging tahimik niya.
“Ah, yes baby. I’m okay. Napagod lang siguro ako.” Nakangiti niyang tugon sa akin pero taliwas ito sa nakikita ko sa mga mata niya.
Hindi ko na siya pinilit pa mag sabi sa akin pero aalamin ko pa rin sa susunod na araw kung anong iniisip niya. Noon ko pa napapansin sa kaniya na sa tuwing may tao kaming nae-encounter na kagaya ng kay Sam at Dahlia, nagiging balisa siya. Bigla na lang siya natutulala sa hindi ko malamang dahilan.
Gabi na rin kaya nag pahinga na kami. Si Kyler ay nakatulog na rin sa kabilang kwarto. Maaga pa kami gigising bukas para mag hatid ng tulong sa iba pang part ng Masbate na hindi gaano naabot ng tulong. Bumuo ng isang team ang asawa ko na siyang mag sasagawa ng iba’t ibang programa sa loob ng ilang linggo para sa mga residente gaya ng pag bibigay kaalaman patungkol sa family planning, kalusugan, livelihood at pag tuturo sa kanila na mag basa. Kabilang na rin dito ang feeding program.
Mag kayakap kaming natulog, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pamimigat ng talukap ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako dahil sa may naririnig akong ingay.
“My baby bear… My baby bear…” Napakunot noo ako ng marinig ko si Jacob na paulit-ulit binibigkas ang mga salitang yan habang tulog. Kumabog ang dibdib ko ng muli kong maalala na ganyan ang tawagan namin ni Tyler noong nabubuhay pa ito.
“I love you, my baby bear. Please forgive me.” Sabi ni Jacob habang umiiyak na. Sino ang tinatawag niyang my baby bear? Parte ba ito ng nakaraan niya? Nagkataon lang ba na kapareha ito ng tawagan namin ni Tyler noon? Nais ko sana siya gisingin pero kusa na itong tumigil sa pag luha at pag sasalita.
Inumaga na ako sa pag iisip, hindi na ko nakatulog kahit anong pilit ko. Nag lalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Jacob, nag balik tanaw din ako sa mga nakaraan. Nakaramdam ako ng labis na lungkot ng maalala ko si Tyler, hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya. Ngayon ko lang din naalala ang kahon na iniwan noon para sa akin ni Tyler. Hindi ko pa yun nabubuksan, sa sobrang nais ko na makalimot sa sakit na nararamdaman ko noon ay nilibang ko ng husto ang sarili ko. Pag balik namin sa Maynila ay hahanapin ko ulit ang kahon na yun.
“Baby? Ang aga mo ata nagising?” Namumugay na mata pa na tanong ni Jacob. Nginitian ko siya para iparating na ayos lang ako.
“Sa totoo niyan hindi ako nakatulog ng maayos, nagising ako kanina.” Ayaw ko na sabihin kung ano mga narinig ko kanina. Mariin akong tinitigan ni Jacob bago muling nag salita.
“Nagising ka ba dahil sa akin? Narinig mo ba akong nag sasalita habang tulog?” Sa pananalita niya ay parang aware siya na nagkaka-ganun siya. Huminga ako ng malalim, pinag iisipan ko kung sasabihin ko ba ang totoo. Sa huli, tumango na lang ako sa kaniya.
“Ano ang mga sinasabi ko?” Pag usisa niya. Bahagyang nag bago ang ekspresyon ng mukha niya na tila nabahala pero pilit itinatago sa akin. Lalo naman tuloy ako na curious sa kinikilos niya, malakas ang kutob ko na may tinatago siya sa akin tungkol sa nakaraan niya.
“You’re asking for forgiveness to someone pero wala ka naman binanggit na pangalan kung sino and you suddenly cried. I guessed you’re having a nightmare.” Yan na lang ang sinabi ko para mapanatag siya.
“Ah, yeah. It’s just a bad dream. Ganito na talaga ako noon pa lalo na kapag pagod ako.” Nginitian ko na lang siya sa kaniyang paliwanag. Niyaya ko na lang siya na mag kape, nag luto na lang din ako ng almusal namin.
Ala-singko pa lang ng umaga ay nag kakape at nag lilinis na ng kapaligiran ang mga tao dito. Malamig din at sariwa ang simoy ng hangin, gustong-gusto ko ang ganitong pakiramdam sa balat. Yung lamig na nanggagaling sa mga puno.
***
DISCLAIMER: Hindi po ako professional or expert sa ganitong larangan. Lahat po ito ay base lang sa aking na research online.
DEPRESSION – Kapag palagi mong iniisip ang mga nangyari sa nakaraan.
STRESS – Kapag palagi mong iniisip ang nangyayari sa kasalukuyan.
ANXIETY – Kapag palagi mong iniisip ang mangyayari sa hinaharap.
“More teenagers and young adults die from suicide than from cancer, heart disease, AIDS, birth defects, stroke, pneumonia, influenza, and chronic lung disease COMBINED.” – Center for Disease Control and Prevention (CDCP)
***
Kumusta ka?
End of chapter 21…