KYLIE ANNE’S POV**
Matapos ang isa’t kalahating buwan naming pag stay sa Masbate, bumalik na rin kami sa Maynila dahil tambak na rin ang naiwang trabaho namin lalo na ng asawa ko. Nasulit namin ng husto ang pag-punta sa probinsya. Ilang araw bago kami umuwi ay nag-outing muna kami kasama ilang mga kapitbahay at mga tauhan ng asawa ko.
Kahit narito na kami sa Maynila ay patuloy pa rin ako nakikipag ugnayan sa Masbate para alamin ang kalagayan ni Sam. Nangako ako sa anak ko na hindi ko pababayaan ang kaibigan niya. May inutusan na rin ang asawa ko na mag-aasikaso sa kaso ni Sam kaya wala na kaming dapat alalahanin pa. Matibay ang ebidensya laban kay Emily kaya malabo na makalaya ito agad. Hangad namin ang ikabubuti ng kalagayan ni Sam.
“Baby?” Pukaw sa akin ng asawa ko kasabay ng pag-akbay niya sa akin at paghalik sa leeg ko.
“Hmmm?” Tanging tugon ko habang may malalim na iniisip. Narito na kami sa kwarto para magpahinga sa maghapon na pag ta-trabaho.
“You seem quit since umalis tayo ng Masbate. Is there something wrong?” Malumanay niyang tanong.
Hindi ko naman maitago ang paghinga ko ng malalim. Ayaw ko itago sa kaniya ang bumabagabag sa akin. Hangga’t maaari ay mapag-usapan namin ng maayos, hindi naman makitid ang isipan ni Jacob.
“Ahm, yes, baby. Nung last night kasi natin sa Masbate, you’re dreaming nang bandang madaling araw and you keep on saying, I’m sorry, my baby bear. Please forgive me.” Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. Napansin ko naman ang pagputla ng mukha ni Jacob na mas lalong ipinagtaka ko. I’m sure, he’s hiding something from me.
“I don’t know kung sino ang tinutukoy mo na my baby bear, but I’m curious and bothered at the same time, my baby bear din kasi ang tawag sa akin noon ni Kyler. Naiintindihan ko naman na pwedeng random dreams lang ‘yun, pero hindi ko maiwasan hindi isipin. Are you hiding something from me?” Hindi ko na mapigilan pang itanong sa kaniya.
I don’t know kung paano at ayaw ko man isipin, pero napakaraming similarities ni Jacob at Tyler sa mukha lang talaga nagkaiba. ‘Yung way ni Tyler kung paano maging boyfriend sa akin, ganun din ang way ni Jacob. Kaya din siguro mas kinakaya ko na ngayon ang bawat araw na nami-miss ko si Tyler iyon ay dahil napupunan ni Jacob ang pangungulila ko sa dati kong kasintahan.
Pinipilit ko na matitigan sa mga mata si Jacob pero umiwas siya. Ayaw ko sana siya pilitin pero hindi na rin ako makatulog sa kakaisip.
“B-baby… C-can we, c-can we talk about this some other time? I’m not ready yet. But I’ll promise to tell you all of that.” Kita ko ang paghihirap ng kalooban niya. Siguro nga, hindi maganda ang nakaraan niya na ‘yun kaya hindi na ako magpupumilit pa malaman.
Nginitian at tumango naman ako sa kaniya tanda ng pang-uunawa ko. Tila nakahinga naman siya ng maluwag.
Kinabukasan, kinukulit naman ako ng anak ko tungkol kay Sam. Iba talaga ang tama ni Sam sa anak ko parang hindi kaibigan lang ang turing niya sa batang babae. Napapailing na lang ako sa naisip.
“Ma, can I talk to her?” Tanong ni Kyler.
“Let’s check kung pwede natin makausap ngayon si Sam. Wait for a while.” Tinawagan ko ang tauhan ni Jacob na naka-assign kay Sam. Hindi naman kami nabigo dahil pinagbigyan kami makausap ang bata. Inabot ko kay Kyler ang cellphone ko at hinayaan na sila mag-kwentuhan through video call. Nginitian at kinawayan ko muna si Sam bago tuluyan silang hayaan na makapag-usap.
Dumiretso na lang din ako sa kusina para magluto ng pananghalian namin. Hahatiran ko na lang ngayon si Jacob ng makakain niya. Hindi muna kasi ako pumasok ngayong araw dahil biglang sumama ang pakiramdam ko, ayaw din naman ako payagan ng asawa ko dahil nga bigla na lang akong nahilo. Meron naman kaming kasambahay pero mas gusto ko na ako mag-prepare ng kakainin ng asawa ko ngayon.
“How are you there, Sam?” Dinig ko sa tanong ni Kyler. Napangiti naman ako sa binata ko.
“I’m doing great! Thanks for you, tita Kylie and tito Jacob’s help. Kailan kayo babalik dito? I miss playing with you. Ikaw lang ang hindi umaaway sa akin eh.” Sagot naman ni Sam. Masigla na siya ngayon, parang hindi naka-danas ng pagmamalupit.
Natahimik si Kyler at hindi agad nakasagot kay Sam. Pasimple lang akong nakikinig sa usapan ng dalawang bata.
“Ky? Ayaw mo na ba ako kalaro?” Malungkot na saad ni Sam.
“No, not that! Of course, I love to play with you! I don’t know when, but I promise, babalikan kita diyan. Just wait for me, ikaw lang ang gusto kong kalaro.” Puno ng kompyansang sabi ng anak ko. Parang hindi seven years old.
Nagluluto ako ngayon ng sinigang na liempo, isa kasi ito sa mga paborito ng mag-ama ko.
“Talaga? Promise yan ha?! Babalikan mo ko!” Naging Masigla muli ang boses ni Sam.
“Yes, Sam. I promise. Basta makipag-cooperate ka lang diyan sa doctors mo para mabilis kang gumaling.” Oo nga pala, ilang araw din nasa hospital si Sam para gamutin ang mga natamo niyang sugat na pinabayaan lang ng madrasta ng bata, bukod pa sa session nito sa isang psychiatrist. Napaka lupit niya.
“Oo, promise, Ky!” Naabutan ko naman ang pag-ngiti ng anak ko ng balingan ko siya ng tingin.
Nag-kwentuhan lang ang dalawang bata ng kung anu-anong bagay hanggang sa natapos na rin ako sa pagluluto ko. Sabay na muna kami kumain ni Kyler bago ako pumunta sa opisina. May mga kasama naman dito si Kyler sa bahay kaya hindi ko na lang din siya isasama. Nakapag-sabi na rin naman ako sa asawa ko na hahatidan ko siya ng lunch kaya naman tuwang-tuwa. Nakuha pa akong bolahin.
“I’m really blessed with you, my wife. Very caring, supportive, understanding, hard worker, loving mother and wife...” At kung anu-ano pang pambobola ang sinabi niya habang kausap ko sa cellphone. Ganun din naman siya sa akin bilang asawa at ama sa anak ko. Ni minsan nga hindi ko pa siya nakitaan na iba ang turing kay Kyler. Sa bagay pa lang na ‘yun, ipinagpapasalamat ko na ng sobra. Bonus na lang ‘yung iba niyang good sides.
Nag-drive na ako papunta sa company. Nag-suot lang ako ng simpleng flowy na dress. Kilala naman ako ng mga empleyado doon bilang asawa ng CEO kaya tuloy-tuloy lang ako hanggang sa opisina ni Jacob.
Pagkarating ko doon ay sinabi sa akin ng secretary ni Jacob na mayroon lang daw ka-meeting ang asawa ko pero inimporma pa rin niya si Jaco na dumating na ako. Tumuloy naman ako sa loob dahil sinabi ni Jacob na anytime pwede naman daw ako pumasok doon kahit may kausap pa siya. Syempre ayaw ko naman gawin yun lalo pa at nirerespetong tao ang asawa ko.
Ngunit napa-kunot ang noo ko pagka-pasok ko, nasasagwaan kasi ako sa suot ng bisitang babae ni Jacob, halos lumuwag na kasi ang dibdib. Hindi ko alam kung nang-aakit ba siya ng lalaki sa suot niya. Tatlo ang bisita ni Jacob, isang babae at dalawang lalaki. Hindi naman nakatingin si Jacob sa babae, sa dalawang lalaki lang ito tumitingin.
Tumayo naman agad si Jacob nang mapansin ako at nag-excuse saglit sa mga kausap, agad niya inabot ang hawak kong paper bag na naglalaman ng tanghalian niya. Humalik siya sa pisngi ko at ipinakilala ako bilang asawa na nag-pataas ng kilay ng babaeng kausap niya. Kahit ganun, Nginitian ko pa rin sila kahit bahagya akong naiinis sa inasal nung babae.
“That’s all for now. Let’s talk next meeting.” Seryosong saad ni Jacob nang hindi pa din binibitawan ang baywang ko.
“But, Jacob---” Nais pa yata kumontra nung babae.
“You may leave now.” Putol ni Jacob sa sasabihin nang babae. Tumayo naman ang dalawang lalaki kaya napilitan na rin sumunod ang babae habang naka-simangot. What’s with that attitude?
“Hi, baby!” Biglang nag-iba na ang mood ng asawa ko, kanina kasi napaka-seryoso niya ngayon naman ay parang napaka-among tupa.
“Hi, baby. Kain ka na.” Hinila ko na siya sa mini pantry na narito sa loob ng opisina niya. Ako na nag-asikaso sa kaniya, sinabihan ko lang siya na maupo kahit ayaw niya sana na gawin ko yun dahil kaya naman daw niya pero hindi pa rin ako pumayag.
“Thank you, baby! Sabayan mo na ko.” Hinila ako sa baywang ni Jacob para paupuin sa hita niya. Kumapit naman ang kaliwa kong braso sa batok niya.
“Tapos na ko, baby eh. Sabay kami ni Kyler kumain bago ako pumunta dito.” Tumango-tango naman siya sa akin.
“Edi, subuan mo na lang ako.” Aba, may nagpapa-baby. Pinaningkitan ko naman siya ng mata. Alam ko na ‘yan eh, nagpapasubo siya sa akin kasi yung kamay niya busy sa legs ko at sa pagitan nito. Todo ngiti naman sa akin ang asawa ko na may paghalik-halik pa sa leeg ko.
“Ayan ka na naman ah! Kung gusto mo mabusog at makakain ng maayos, wag mo ilikot yang kamay mo!” Pagbabanta ko sa kaniya.
Hindi naman nagsalita si Jacob at binigyan lang ako ng mabilis na halik sa labi habang hindi maalis-alis ang napaka-tamis na ngiti sa labi.
.
.
.
.
.
Naku, mukhang delikado ako nito.
***
DISCLAIMER: Hindi po ako professional or expert sa ganitong larangan. Lahat po ito ay base lang sa aking na research online.
Ang sobrang pag-iisip o overthinking ay maaaring makaapekto sa ating mental na kalusugan at pang-araw-araw na pamumuhay. Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang sobrang pag-iisip:
Mag-meditate o mag-relax: Subukan ang mga relaxation techniques tulad ng deep breathing, meditation, o yoga upang mapakalma ang iyong isipan.
Magkaroon ng Routine: Ang pagkakaroon ng regular na routine ay makakatulong upang maiwasan ang sobrang pag-iisip. Tinutulungan nito ang utak na maging mas organisado at kalmado.
Maging Aktibo: Ang regular na ehersisyo ay isang mahusay na paraan upang mabawasan ang stress at anxiety. Ang pisikal na aktibidad ay nakakatulong upang mailabas ang enerhiya na nagdudulot ng overthinking.
Pag-focus sa Kasalukuyan: Subukang mag-concentrate sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan. Mindfulness practices tulad ng focusing on your senses and surroundings can help you stay present.
Journaling: Isulat ang iyong mga iniisip at nararamdaman. Ang pagsusulat ay nakakatulong upang mailabas ang emosyon at makita ang sitwasyon nang mas malinaw.
Limitahan ang Paghahanap ng Impormasyon: Minsan, ang sobrang dami ng impormasyon mula sa internet o social media ay maaaring magdulot ng overthinking. Limitahan ang oras na ginagamit dito.
Pag-usapan: Huwag mag-atubiling mag-share ng iyong mga iniisip sa isang mapagkakatiwalaang tao. Minsan, ang simpleng paglabas ng mga alalahanin ay sapat na upang mabawasan ang bigat ng mga ito.
Mag-set ng Time Limit: Bigyan ang sarili ng limitasyon sa pag-iisip tungkol sa isang bagay. Halimbawa, maglaan ng 10-15 minuto para pag-isipan ito, pagkatapos ay i-shift ang focus sa ibang gawain.
Mahalaga ang pag-alaga sa ating mental na kalusugan. Maaari ka rin kumunsulta sa isang mental health professional kung kinakailangan para sa mas malalim na gabay at suporta. Mag-ingat ka palagi. 💖
***
End of chapter 22…