*Kylie Anne*
Kinaumagahan na ako naihatid ni Tyler. Nag dahilan na lamang siya sa aking mga magulang. Wala din naman pasok ngayon kaya makakapag pahinga ako. I badly need some rest!
Buong mag hapon lang ako nag pahinga sa bahay at sa mag hapon na iyon ay isang text lang ang natanggap ko mula kay Tyler.
“I love you forever, my baby bear. I’m so happy that you have given yourself to me.” Basa ko sa message niya.
“I’m so happy too, my baby bear. Wala akong pinag sisisihan giving myself to you.” I replied to him pero hindi na ko nakatanggap pa ng mensahe mula sa kaniya.
Mula din noong araw na ibigay ko ang sarili ko kay Tyler ay lagi na rin namin iyon ginagawa. Nag uumapaw ang pag mamahal namin sa isa’t isa. Mas lalo din siyang naging sweet sa akin.
After ilang araw ay lagi ko siyang napapansin na parang wala sa sarili. Lagi siyang tulala at tila napaka layo ng isip niya. Ganitong-ganito siya noong unang araw ko siya nakita.
“My baby bear, may problema ba? What’s bothering you? Lately, napapansin ko na parang lagi kang tulala.” I asked.
“Ah, wala naman baby bear. Stress lang konti, alam mo na, graduating na kasi. Ilang months na lang.” Tyler said.
“Are you sure? You can tell me.” I asked him again.
“Yes, my baby bear. Promise, I’m okay. Don’t worry about me.” He assured me.
Kinabukasan ay naka received ako ng text message from him and few missed calls. Kaso hindi ko nasagot dahil may klase ako at bawal ang cellphone.
“Hi, my baby bear. Gusto ko muna sana marinig ang boses mo for the last time kaso mukhang busy ka pa sa class mo. But I understand. Mag aral ka mabuti. I will surely miss you my baby bear. Huwag mo kakalimutan yung mga binilin ko sayo last time. I want you to know that the night that you gave yourself to me was one of the happiest and unforgettable night of my life. I will love you from a distance now, my baby bear.”
I tried to call his number many times but he’s not answering. Sobrang nag aalala na ko. Baka may ginawa siyang hindi maganda. Please, Lord sana wala. Sana okay lang siya. Sana nagpa-prank lang siya. I dialed his number again and finally he answered the call.
“Hello, baby bear? Asan ka?” I said immediately.
“Hello. Ikaw ba ang girlfriend ni Tyler? A woman’s voice asked while crying.
“Yes po. Nasaan po siya? Bakit ikaw po ang sumagot ng cellphone niya?” Nag-aalala kong tanong.
“Mommy niya to. Pwede ka bang pumunta dito sa bahay namin ngayon? Ibibigay ko sa’yo ang address.” Umiiyak niya pa ring tanong. Mas lalo akong kinabahan. Ayaw ko mag overthink.
“Bakit po tita? Ano po ang nangyari kay Tyler.” I asked almost crying.
Mas lalong lumakas ang hagulgol niya sa kabilang niya at hindi agad nakapag salita.
“Tita, bakit po? Please sabihin niyo sa akin.” Umiiyak ko na ring tanong.
“Wala na siya hija. Wala na si Tyler.” Umiiyak niyang sagot sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan ko at halos matumba na ako.
“Hindi. Hindi po iyan totoo tita. Buhay pa si Tyler. Hindi niya ako iiwan. Nag message pa siya sa akin. Please huwag po kayo mag biro ng ganyan.” Hindi ko na rin ang mapaiyak ng malakas.
“I already sent you the address. Please come here as soon as possible.” Tyler’s mom said.
Dali-dali naman ako nag abang ng taxi. Iyak lang ako ng iyak habang nasa loob ng sasakyan. Binilisan din ng taxi driver ang pag mamaneho na tila ba naiintindihan niya na urgent ang pupuntahan ko.
Pagkadating ko sa hospital ay agad ko hinanap si Tyler. Sumalubong sa akin ang palagay ko’y mommy niya. Iyak siya ng iyak. Ganun din ang matandang lalaki na katabi niya na palagay ko ay daddy ni Tyler dahil mas hawig niya ito.
“Tita, asan po si Tyler? Gusto ko po siya makita please.” Umiiyak kong pakiusap.
Tumayo siya at niyakap ako habang umiiyak. Dinala niya ako sa isang silid. Pag pasok pa lang ay malamig na ang naramdaman ko. Tumapat kami sa isang stretcher na may nakatakip na puting tela.
Mas lumakas ang pagkaka iyak ng mommy ni Tyler. Habang ang asawa naman nito ay bahagyang ibinaba ang takip na tela hanggang makita na ang buong mukha ng lalaking hindi ko inaasahang makikita ko sa ganung kalagayan, ang lalaking pinaka mamahal ko.
Napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwala sa nakikita. Umiiling-iling ako.
“Hindi. Hindi ito maaari. My baby bear, please wake up. Nandito na ko.” Umiiyak kong pahayag
.
“My baby bear. Bakit ganito? Ang sama naman ng biro mo? Gising ka na please.” Hinahaplos ko ang kaniyang mukha habang patuloy ako sa pag iyak.
“Sabi mo a-attend ka pa sa graduation ko? Next year pa yun! Tutuparin pa natin ang mga pangarap natin ng sabay diba? Marami pa tayong pupuntahang lugar. Bakit ganito? Bakit iniwan mo na ako? Npaka unfair mo naman eh!” Yakap-yakap ko na ngayon ang bangkay niya at hinahalikan ang kaniyang pisngi. Hindi matigil-tigil ang mga mata ko sa pag-iyak.
“It’s our fault.” Dad’s Tyler said. Napalingon naman ako sa kaniya.
“He ended his life because of us, his parents.” He said while crying too.
“Ever since pagka bata niya, na pressure na siya sa amin ng mommy. Marami kaming demands sa kaniya. I want him to be the best and on top sa school at sa iba pang bagay. Hindi namin agad na realize na sobrang nahihirapan na pala just to please us.” Paliwanag niya.
“Instead na i-appreciate namin siya sa achievements niya at efforts niya, nagagalit pa kami sa kaniya dahil hindi pa rin kami kuntento sa nagagawa niya. At inaamin ko, madalas kami walang time sa kaniya dahil busy kami mag palago sa aming negosyo. Nawalan kami ng oras sa kaniya kaya hindi namin alam ang mga nararamdaman at pinag dadananan niya.”
Mahabang paliwanag ng kaniyang ina.
“Nag-sisisi kami, pero huli na. Sumuko na siya at kasalanan namin yung mga gulang.” Walang humpay kami sa pag-iyak.
“Nag-sisisi ako na hindi ako nakinig sa kaniya nung sinabi niya sa amin na sobrang nahihirapan na siya. Tinanong niya kami kung ano pa ba daw ang kailangan niyang gawin para lang mapansin at matuwa naman kami sa mga ginawa niya. Instead na maawa sa kalagayan niya, sinigawan ko pa siya at sinabihan ng hindi magagandang bagay. Sobrang nag-sisisi ako. Napaka walang kwenta naming magulang sa kaniya.” Tito said. Habang mas lalo pa ako napaiyak sa mga narinig. Hindi sinabi sa akin ni Tyler na malala na pala ang mga ping dadananan niya sa pamilya niya.
“May iniwan nga pala siya para sayo. Nakita ko yun sa room niya.” It was tita.
Dadalhin na ngayon ang katawan ni Tyler para simulan na ang pag embalsamo sa kaniya. Halos ayaw ko na bitawan ang kamay niya. Hindi ko kaya.
***
Don't wait ‘till someone dies to appreciate their life. -unknown
End of chapter 5…