6: Confirmed

1169 Words
*Kylie Anne* Dumagsa nang mga nakikiramay ang huling gabi ng burol ni Tyler. Lahat ng mga classmates, professors at relatives ni Tyler ay andito. Halos dito na rin ako tumira sa ilang gabing burol ng mahal ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang pag kawala niya. Paano nga ba? Paano ulit ako mag sisimula sa bawat araw na wala siya? Paano ko ba ito malalampasan? Nawalan na ako ng gana sa buhay pero kailangan ko pa din tuparin ang pangako ko sa kaniya na mag tatapos ako. Kahit ang unfair niya sa akin, dahil siya hindi na niya matutupad ang pangako niya. Tulala lang ako nakatingin sa larawan ni Tyler na naka display sa tabi ng kabaong niya. Ang mahal ko. Ang ganda pa ng ngiti niya sa picture na ‘yan. Kuha ko pa ito sa kaniya noong mag punta kami sa Mall of Asia. “Hi, Kylie, right?” someone asked. “Yes.” Matipid kong sagot. “I’m Joshua. Friend at classmate ni Tyler.” Pakilala niya. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Palagi ka niya kinukwento sa akin. He’s really in love with you.” He said while still looking in front. Hindi pa rin ako umimik. “Lahat kami nagulat sa nangyari dahil never kami nag expect na kaya niyang bawiin ang sarili niyang buhay. I don’t know kung ano ang buong pang yayari at ang totoong dahilan niya, pero sana magpaka tatag ka. Lagi mo alalahanin kung gaano ka niya kamahal. Andito lang ako kung kailangan mo ng kausap.” Mahaba niyang salaysay. Muli na naman ako napaluha dahil naalala ko na naman ang mga moments namin ni Tyler. Walang mga salita ang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko lang umiyak ng umiyak sa mga sandaling ito. Bukas na ang libing ni Tyler pero heto ako, hindi pa rin mag sink in sa utak ko na wala na talaga siya. Paano ko na haharapin ang bukas kung tuluyan ko na siyang hindi makikita, maririnig at makakasama? Ngayon na ang araw ng libing ni Tyler. Tulala ako habang hawak ang isa sa mga larawan niya. Wala na akong mailuha pa. I’m so drained. I’m physically and emotionally tired. Habang ang parents niya ay walang tigil sa kakaiyak at puno ng pag sisisi sa sinapit ng anak. Halos himatayin naman si Mrs. Zulueta noong simulan nang ibaba ang kabaong niya. Wala na. Wala na talaga. Tulala pa rin ako hanggang makauwi ng bahay namin. Mabuti na lang at kasama ko ang mga magulang ko para alalayan ako. Yakap-yakap ko ngayon ang box at stuffed toy na iniwan sa akin ni Tyler. Tinitigan ko muna ang box bago ko ito itinago sa loob ng closet ko kasama at ang stuffed toy. Hindi pa ako handa makita ang laman ng box. I had so much today. Baka maiyak na naman ako pag nalaman ko kung ano laman ng box. I can’t take it anymore. Ilang araw din akong nag kulong sa loob ng kwarto ko bago ako muling bumalik sa klase ko. Ilang linggo na lang ga-graduate na sana siya. “uggggghhhhhh!” “uggggghhhhhh!” Pag suka ko. Ang hapdi ng sikmura ko. “Anak, okay ka lang ba? Anong nang yayari sa ‘yo?” Tanong ni mama. “Bigla na lang ako nakaramdam ng hilo ma at pag susuka.” Sagot ko. “H-ha? Bakit ano bang nakain mo? Masakit ba ang tiyan mo?” Muling tanong ni mama. “Mahapdi ang sikmura ko ma. Nasusuka ako pero wala naman lumalabas puro laway lang.” sagot ko. Napatitig naman siya sa akin at parang may iniisip. “Kylie Anne, umamin ka nga sa akin. Buntis ka ba?” mahinahong tanong sa akin ni mama habang naka titig sa aking mga mata. “Hindi ko din po sigurado ma. Ilang linggo na rin akong delayed.” Nakayuko kong sabi. Huminga siya ng malalim bago muling nag salita. “Anne, anak. Kung sakaling buntis ka nga talaga, hindi ko kinukonsinte ang pagiging mapusok nyo dahil bata ka pa at nag-aaral. Gusto ko lang na malaman mo na hindi kami matutuwa na mga magulang pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka namin tatanggapin ng apo ko. Andiyan na ‘yan, wala na tayong magagawa. At ‘wag mong iiisiping ipalaglag ang bata dahil mas lalo lang kami magagalit sa iyo ng papa mo.” Mahabang sabi sa akin ni mama. Naluluha naman ako sa saya at lungkot. Saya dahil baka magkaka baby na kami ni Tyler at handa pa rin ako tanggapin nila mama. Lungkot dahil sa katotohanang wala ng ama na masisilayan ang anak namin. Naluluha kong niyakap si mama. “Salamat ma. Lagi kayo ni papa naka alalay sa akin.” Madamdamin kong sabi. “Oh siya, hala. Mag bihis ka at magpa check-up tayo sa clinic. Para ma confirm na natin yan.” Muling sabi ni mama. “Opo ma.” Agad naman ako tumayo para maligo. “Congratulations! You are 8 weeks pregnant.” Masayang sabi sa amin ng doctor. Naluluha naman akong naka titig sa monitor kung saan pinapakita niya sa akin ang maliit na bilog. Hindi ako makapag salita. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Ganito pala ang feeling pag magiging ina na. “Naku dok, maraming salamat.” Masayang sabi ng mama ko. “Ito ang mga reseta na kailangan mo bilhin. Make sure na nasusunod ang oras ng pag-inom ng mga gamot lalo na ang vitamins. Para din yan sa development ni baby. Bawal din magpuyat at ma-stress na sobra.” Bilin ng doctor sa akin. “Confirmed! My baby bear, magkaka baby na tayo.” Andito ako ngayon sa harap ng puntod niya. Dito na muna ako dumiretso. Pina uwi ko na lang muna si mama. Inilagay ko sa maliit na frame ang isang copy ng ultrasound ko at titinabi ko sa picture ng papa niya. Sinulatan ko muna iyon ng “Hi Papa Tyler. I’m coming soon.” “Don’t worry, my baby bear. Paka iingatan at mamahalin ko ng higit pa sa buhay ko ang anak natin. Salamat sa napaka gandang ala-ala na iniwan mo sa akin. Nawala ka man pero may ipinalit ka naman para makasama kk. Pero mas masaya sana kung kasama ka namin. Ipapakilala kita sa anak natin, wag ka mag ala-ala wala siyang ibang kikilalaning ama kundi ikaw lang. Mananatili kang buhay kahit sa ala-ala man lang. Mahal na mahal kita my baby bear. Bantayan mo kami mula sa langit. Hanggang sa muli mahal ko.” Umiiyak kong sabi kahit na alam ko naman na hindi na niya kailanman maririnig. Dalangin ko na lang na gabayan ako ng Panginoon upang malampasan ko ang lahat ng ito para sa anak ko. Hindi ako susuko at bibigyan ko siya ng maayos at magandang buhay. Pangako yan. *** “Don’t be afraid to lose something or someone. God has a better plan for you. When something is lost, something greater than what you expected will come.” -Unknown End of chapter 6…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD