Kylie Anne POV*
"Kyler? Anak?"
"Po? Mama?"
"Pasok na dito sa loob ng bahay."
"Opo."
"Bakit ang tagal mo sa labas?"
"Kasi mama lagi ako may nakikitang lalaki na nakatambay dun sa gilid ng tindahan ni manang Melya. Para kasing dito siya nakatingin lagi sa bahay natin."
"Ha? Nakilala mo ba?"
"Hindi po eh. Naka facemask at cap kasi siya lagi."
"Ilang beses mo na siya nakikita diyan sa labas? Parang nag mamasid ba? Baka naman customer lang yun ni manang Melya?"
"Hindi ko po sigurado mama eh. Basta sa tuwing makikita ko siya lagi ko siyang nakikitang nakatingin din sakin. Mga 5 beses na po siguro yun."
Nakaramdam naman ako ng takot sa sinabi ng anak ko. Hindi kaya nasa lugar na namin ang mga sindikato na nangunguha ng bata para kunin ang organs? Wag naman sana!
7 years na ang lumipas simula ng lisanin ni Tyler ang malupit na mundong ito. Naging napaka hirap para sa akin lalo na ang mga panahon na yun dahil nag dadalang tao ako at hindi pa ko nakaka move on sa pagkawala ng boyfriend ko.
Hanggat kaya ko ay iniiwasan kong mag overthink kahit para na lang sa baby namin. Pinilit kong maging matatag para sa pang habang buhay ko na mamahaling na ala - alang iniwan niya. Salamat sa Panginoon at sa pamilya ko dahil hindi nila ako pinabayaan.
Aaminin ko, may mga panahon na parang gusto ko sisihin ang mga magulang ni Tyler dahil lumaki siya na kailangan niya lagi i-please at ma- meet ang expectations ng magulang niya. At pakiramdaman ni Tyler noon ay ikinakahiya siya ng magulang niya kapag hindi siya ang pinaka the best sa lahat.
Bakit kailangan ganun? Bakit hindi pwede yung pangalawa o pangatlo ka lang o kahit wala pa? Bakit kailangan makipag kumpitensya sa ibang magulang sa pahusayan ng anak? Bakit may buhay na kailangan pang mawala dahil hindi ka matanggap ng pamilya mo dahil lang sa hindi ikaw yung best?
Sobra akong nasasaktan sa sinapit ng mahal ko. Nagsisi man nang lubos ang magulang niya pero huli na. Kahit anong sisi nila sa mga sarili nila, hindi na nun maibabalik ang buhay na nawala. Hindi na nun maaalis ang katotohanang lalaki ang anak ko na hindi makakasama ang ama niya.
Walang araw at gabi na hindi ko siya nami-miss. Buti na lang kamukhang- kamukha ni Kyler ang papa Tyler niya. Sa pamamagitan niya, naiibsan yung lungkot sa puso ko. Pinalaki ko si Kyler na alam ang mga detalye ng ama niya. Kinuwento ko sa kaniya kung anong klaseng tao ang ama niya at lagi niya rin nasisilayan ang larawan ng papa niya.
Mahal na mahal ko silang dalawa.
Isinarado ko na rin ang puso ko sa iba. Nangako ako sa puntod niya na wala na akong ibang iibigin pa habang nabubuhay ako. Siya na ang una at huli.
Simula din ng mawala si Tyler ay naging active ako sa aktibidad ng mga grupo na ang layunin ay magkaroon ng awareness ang mga tao tungkol sa usaping anxiety and depression at kung paano ito malalabanan. Umaasa akong marami itong maisasalba pa na mga buhay.
Tuwing araw ng sabado o linggo ay nag pupunta kami ni Kyler sa puntod ng papa niya. Para lang kaming masayang pamilya na ikinukwento sa kaniya ang mga nangyari sa amin sa buong linggo. Way na rin namin yun para mabawasan ang pangungulila namin sa kaniya.
Tinupad ko ang pangako ko kay Tyler na magtatapos ako ng pag- aaral. Mahirap nung una dahil may baby pa ako na kailangan alagaan pero hindi yung hirap ang iniisip ko, mas iniisip ko na kailangan ko tuparin ang pangako ko para sa kaniya at kay Kyler.
Sa ngayon, nagta-trabaho ako sa isang company dito sa Pasay at sa HR department ako. After ko maka- graduate ay tinulungan ako ni Joshua, ang nagpakilala sakin noon na kaibigan ni Tyler, na makapasok dito sa Miller Corporation. Napakalaking company din ito at maganda ang benefits. Kaya laking pasalamat ko kay Joshua dahil malaking tulong ito sa akin para matustusan ang pangangailangan ng anak ko.
May sariling bahay na ako dito sa Pasay para hindi naman ako mahirapan mag uwian kung sa Cavite pa ako uuwi. Ang kasama ko dito sa bahay ay ang anak ko at ang pinsan ko na babae ang nag-aalaga kay Kyler pag napasok ako. Every week naman narito sila mama at papa or kami yung nauwi sa Cavite.
Papasok na ako ngayon sa trabaho at talagang todo habilin ako kay Haide na pinsan ko na bantayan maigi si Kyler. Si Haide na lang ang nag susundo kay Kyler sa hapon, ako naman nag hahatid sa umaga.
"Good morning Ms. Kylie. Lalo ka ata gumaganda ngayon ah?!"
Bati sakin ng katrabaho kong si Layla.
"Hay naku Ms. Lay, wala akong pera. Wag mo ko bolahin!"
Biro ko namang sagot sa kaniya. Parehas naman kaming natawa.
"Totoo naman na blooming ka ngayon. May nag papatib0k na ba sa puso mo?"
"Hay naku! Malabo pa sa tubig kanal yan." Wala na akong balak mag- asawa o mag boyfriend pa. Tama na sa akin ang anak ko."
"Naku. Baka kainin mo yang sinabi mo kapag may nagpa tib0k ng puso sa hindi mo inaasahang pagkakataon."
"Tsk."
"Ay oo nga pala! May lunch meeting daw ang HR department with the bosses."
"Para saan daw? Kailan sila nag announce?"
"Kanina lang. Sinabi ni madam Luisa pag dating niya. Dumating daw kasi yung CEO kahapon galing U.S. Gusto malaman ang status ng bawat department."
"Hmm... Okay."
11 am ay nag simula na ang meeting namin. Ipinakilala na rin sa amin ang CEO ng Miller Corporation. He is Mr. Jacob Cale Miller.
Well, I admit it, he's very tall and handsome man. Pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin kahit na pakiramdaman ko ay lagi niya akong tinititigan.
Habang tumatagal kami sa meeting ay paasiwa ng paasiwa yung pakiramdam ko. Para kasing ako lang yung nakikita niyang tao dito sa meeting room. Yung mga tingin niya sakin ay parang tagos sa kaluluwa. Natakot tuloy ako bigla baka higupin niya ang kaluluwa ko at hindi na makabalik pa!
Laking ginhawa ng dibdib ko nang sa wakas natapos na rin ang meeting. Sana hindi ko na siya ulit makasama sa iisang room or lugar pa lalo na kapag kaming dalawa na lang. Pakiramdam ko kasi umiinit bigla yung kapaligiran ko. Ano bang meron sa lalaking yun at nakakaramdam ako ng kakaiba?
Never pa ako na attract sa ibang lalaki bukod kay Tyler. Kaya nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan. Parang kilala ng sistema ko ang presensya niya. Imposible naman dahil ngayon lang naman kami nagkita.
Hindi ko na lang ito binagyang pansin muli at nagpa tuloy na sa trabaho. Ayaw ko na siyang isipin baka nag o- overthink lang ako. Nami- miss ko lang talaga siguro ang boyfriend ko. Ang lalaking mahal ko.
***
Take a chance because you’ll never know how absolutely great something can turn out to be.
End of chapter 7…